Press Release
July 29, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas ' interview on GMA's 'Unang hirit' with Arnold Clavio

On PGMA's defense of retaining VAT during her SONA:

MAR: Ang VAT ang sentro ng kanyang talumpati, kaya siguro hindi State of the Nation Address yung nangyari kahapon, pero isandaang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang VAT. Halos iyon lamang ang ipinresenta ng Pangulo. Para sa akin, bakit naman na ang sentro ng buong programa ng Pangulo at ng gobyerno ay nakasalalay dito sa VAT, na, sang-ayon sa kanya, P80 bilyon. E ano ang nangyari sa P1.2 trilyon? Kasi iyan ang kabuuang budget ng gobyerno.

Ang buong budget ng gobyerno ay P1.3 trilyon. Pinaliwanag kahapon kung ano ang nangyari sa P80 bilyon na VAT. Ano naman ang nangyari sa P1.2 trilyon? Kaya para sa akin, mahirap tanggapin na ang kabuuang serbisyo ng gobyerno, ang pagsagip sa ating mahihirap, ay nakasalalay lamang doon sa VAT.

Q: Maaapektuhan raw ang mga programa para sa mga mahihirap kapag walang VAT.

MAR: Hindi tama ito, dahilan sa may P1.3 trilyon ang budget ng gobyerno. Saan napupunta ito, kung hindi sa mahirap din? Kung hindi sa pagsulong ng ating ekonomiya? Kung hindi sa pagtulong sa edukasyon, sa agrikultura at iba pang aspeto ng ating ekonomiya? Hindi naman dito lang sa VAT nakasalalay ang pagsagip ng ating mahihirap.

Q: Kapag inalis mo ang P80 bilyon, saan makukuha ang pondo?

MAR: Sang-ayon sa testimonya ng Department of Finance, P30 bilyon ang mawawala sa gobyerno. Hindi pa sakop diyan ang muling makokolekta ng gobyerno sa ating paggastos nitong P30 bilyon. Imbes na kolektahin ng gobyerno ito, at ang gobyerno mamimigay, bakit hindi na lang iiwan sa kamay o bulsa ng ating mga kababayan itong halaga sa petrolyo? Kasi ang petrolyo, hindi talaga maiiwasan iyan. Kung pupunta ka sa trabaho. Ang mga mangingisda, para sa motorized bangka. Hindi sila maaaring mag-hanapbuhay at mag-negosyo kung wala itong petrolyo.

Matagal ko nang minumungkahi, tanggalin ang VAT sa petrolyo. P6 ang savings para sa jeepney at taxi driver at lahat ng gumagamit ng gasolina. At sa ating mga misis, P66 per LPG tank ang kanilang savings. Magagamit nila ito sa kanilang mga pangangailangan.

Q: Hindi raw mahahadlangan ng mga may ambisyon ang kanilang mga programa.

MAR: Para sa akin, yung panahon para sa pulitika ay nasa 2010 pa, pero yung kahirapan ay nandito ngayon. Yung gasolina, naalala ko noong nasa DTI ako, P18-P20 ang litro. Ngayon, higit na sa P60, nasa P62 na. Yung bigas, noong nasa DTI ako, P20 per kilo. Ngayon ay nasa P35 per kilo. Yung kahirapan na nandito ngayon, kailangang sagipin natin sa kongkretong, malinaw at doable na mga programa ang ating mga kababayan.

Q: Ano ang masasabi mo sa mga ibang isyu na tinalakay ni GMA, kagaya ng CARP?

MAR: Talk is cheap. Anim na taon na nakaupo ang Pangulo. Anim na taon na rin yung mga racket doon sa DAR, sa overvaluation at mga suhulan para yung isang lupa ay ma-exempt. Yung suhulan na ang agricultural na ginastusan ng gobyerno para sa irigasyon ay ngayon magiging commercial o residential. Anim na taon siyang nakaupo, okey naman na bibigyan niyang atensyon ngayon, pero ano ang nangyari nitong mga nakaraang taong ito?

Mayroon isang bagay na talagang sinusuportahan ko: yung ating rice self-sufficiency. Mahalagang-mahalaga iyon. Kasi bago ang lahat, lalung-lalo ngayon sa panahon ng krisis, dapat back to basics tayo. At ang pinaka-basic ay yung pagkain. Pakainin natin sarili natin. Dito natin isaka at anihin lalo na yung bigas na kailangan natin. Yung 2 million metric tons na inangkat natin mula sa Thailand at Vietnam na ginastos natin ng P70 billion. Pwede naman na dito isasaka at aanihin iyan e. Suporta ito sa ating magsasaka. Ang pinakamahalaga ay sa pamamagitan ng fertilizer support.

Ang fertilizer kasi, mula sa P600 per bag ng urea, ngayon P1,800 na. Bawas yung pagbili ng magsasaka, bawas din ang kanilang application. Ibig sabihin, bawas din ang aanihin nila. Kung kukulangin ng supply, tataas ang presyo. Maraming pagkukunan ng pera. Tulungan natin ang ating mga magsasaka lalung-lalo na sa pamamagitan ng fertilizer.

News Latest News Feed