Press Release
July 30, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZRH

On the proposals to scrap VAT:

MAR: Sa ngayon, ang isang pamamaraan na inaaral pa ay, imbes na 12% na VAT sa lahat, bawasan na lang hanggang sa 8% sa lahat.

Ang problema kasi, yung dinadahilanan ng gobyerno na malaki ang mawawala sa kanila, hindi naman talaga ito totoo. Una, hindi naman nila inaasahan itong mga koleksyon. Noong sinubmit ang budget sa 2008, ang kanilang estimate sa presyo ng krudo ay $60 per barrel lamang. So 12% at $60, ang makokolekta lang dito ay $7.20, more or less. Ngayon ang presyo ay $130 per barrel, so ang nakokolekta nila is $16 per barrel. Hindi naman nila inaasahan ito, kaya nagtataka ako kung bakit ayaw nilang ibalik ito sa tao.

Q: Kung hindi tatanggalin ang VAT, ay sana gamitin ito sa pagkain at gamot.

MAR: Kasama mo ako doon, at nagsulat na ako ng panukala para dito.

Q: May mga kumakain na lang sa labas dahil mahal ang LPG.

MAR: Iyan ang dahilan kung bakit ko pinanukala na tanggalin ang VAT sa petrolyo para yung LPG ay bababa ng P66 bawat tangke. Siguro sa lahat ng mga suggestions na ito, talagang gustong baguhin ang buong VAT system. Ang importante dito, hindi yung 'tingi' approach. Hindi yung kaunti rito, kaunti roon, pira-pirasong programa. Dapat aralin kung ano ang tama sa sitwasyon natin.

News Latest News Feed