Press Release
August 8, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZMM's Dos por Dos with Gerry Baja

On the GRP-MILF MoA:

MAR: Pinag-uusapan dito yung legal moves sa Supreme Court para mahadlangan itong MOA na ito na labag sa ating Saligang Batas.

Q: Matindi na ba ang pagtutol ng mga andiyan sa Zamboanga?

MAR: Tama ka diyan. At kagabi kausap natin ang mga abogado, hanggang ngayong umaga at pinaghahandaan dito yung legal arguments. Ang pinakamahalaga dito ay, sang-ayon dito sa MOA na ito, yung ating bansa ay mabubuwag na. Magkakaroon ng BJE--Bangsamoro Juridical Entity--na may mga kapangyarihan katulad ng isang independiyenteng estado. Hindi tama ito. Hindi natin papayagan na mabubuwag o maghahati-hati ang ating bansa.

Q: Pinuntahan niyo ang Zamboanga para tumulong kayong tumutol dito sa MOA?

MAR: Tama ka diyan. At nagmiting kami dito nina Vice Governor Many Piñol, with Mayor Lawrence Cruz of Iligan. And yung kagabi yung isang malawakang meeting dito, at nang sa ganoon ay mapag-usapan ang legal strategy sa Korte Suprema.

Q: Okey ba sa inyo na may renegotiation?

MAR: Oo naman. Lahat naman tayo dito ay nagnanais ng kapayapaan at ng katahimikan. Pero hindi dulot ng isang kasunduan na bunga ng isang sikreto, ng panlilinlang, ng pambrabraso. E nambrabraso na ang gobyerno, at ayaw ipakita ang nilalaman ng kasunduang ito. At bigla na lang nabulaga ang lahat--both local and national leaders--dito sa nilalaman ng kasunduan na ito. At ang pinakamahalaga dito yung national perspective nito.

Kahit pa i-reject sa plebiscite ng Zamboanga, ng Iligan, ng North Cotabato at iba pa, magkakaroon pa rin ng BJE sa loob ng bansang Pilipinas, at ang BJE na ito ay may kapangyarihang gumawa ng pansariling international agreements. May kapangyarihang gumawa ng sariling pera at batas na hindi nirerespeto ang ating Korte Suprema. Dito sa kasunduang ito, ni minsan wala kang makikitang Constitution of the Republic of the Philippines. Anong klaseng BJE na ito na mangyayari sa loob ng ating bansa? Ibig sabihin, nagkaroon na ng partion, nagkaroon na ng bagong juridical entity, nagkaroon ng bagong bansa sa sarili nating bansa. Hindi natin papayagan ito.

Q: Bakit kaya naghain ng ganyang kasunduan?

MAR: Maraming mga spekulasyon. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari rito. Ang alam ko ay dumating tayo rito na walang konsultasyon. Tanungin natin, dumaan ba ito sa Gabinete? Pinagbotohan ba ito ng Gabinete? Sino ang nag-endorse nito sa Gabinete? Sino ang dumepensa nito? Sino ang tumatayo na nagsasabi, 'ito ang pinakamabuti para sa ating bansa.' Wala tayong nadidinig na ganoon. Ito ba ay dumaan sa National Security Council? May security implications ito a, pinag-usapan ba ito?

Yung legislative implications nito, dumaan ba sa LEDAC? Wala naman a. Pati yung mga local leaders ng mga komunidad na apektado rito, hindi nila alam na kasama sila rito. Nabigla na lang sila.

Q: Mukhang kahit ang MILF ay nambabraso.

MAR: Biro mo, saan ka nakahanap ng 'Sumang-ayon kayo rito. Kung hindi, gugulo kami. Sa Supreme Court, may deadline kayo, i-lift niyo yung TRO.' Kung ngayon pa lang hindi nila nirerespeto ang sistema ng batas, paano pa kaya 'pag nabuo na ito? Talagang delikado ito, seryosong bagay ito. Hindi lang para sa mga komunidad na apektado. May alam man o hindi ng ating mga kababayan diyan sa Luzon, Visayas, mababawasan na ang ating bansa. Kaya kailangan hadlangan natin ito.

Q: Dapat bang bumuo ng bagong panel?

MAR: Ang unang hakbang ay itigil itong MoA. Tapos kung mag-uusap ulit, okey lang iyan. Pero dapat yung baong pag-uusap na ito ay isang malawakang konsultasyon. Alamin natin mula sa mga mamamayan dito, hindi lang sa MILF, pero sa mga nakatira rito na Pilipino, na ano ba talaga ang gusto nila, ano ba talaga ang ninanais nila. Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZMM's Dos por Dos with Gerry Baja August 8, 2008

On the GRP-MILF MoA:

MAR: Pinag-uusapan dito yung legal moves sa Supreme Court para mahadlangan itong MOA na ito na labag sa ating Saligang Batas.

Q: Matindi na ba ang pagtutol ng mga andiyan sa Zamboanga?

MAR: Tama ka diyan. At kagabi kausap natin ang mga abogado, hanggang ngayong umaga at pinaghahandaan dito yung legal arguments. Ang pinakamahalaga dito ay, sang-ayon dito sa MOA na ito, yung ating bansa ay mabubuwag na. Magkakaroon ng BJE--Bangsamoro Juridical Entity--na may mga kapangyarihan katulad ng isang independiyenteng estado. Hindi tama ito. Hindi natin papayagan na mabubuwag o maghahati-hati ang ating bansa.

Q: Pinuntahan niyo ang Zamboanga para tumulong kayong tumutol dito sa MOA?

MAR: Tama ka diyan. At nagmiting kami dito nina Vice Governor Many Piñol, with Mayor Lawrence Cruz of Iligan. And yung kagabi yung isang malawakang meeting dito, at nang sa ganoon ay mapag-usapan ang legal strategy sa Korte Suprema.

Q: Okey ba sa inyo na may renegotiation?

MAR: Oo naman. Lahat naman tayo dito ay nagnanais ng kapayapaan at ng katahimikan. Pero hindi dulot ng isang kasunduan na bunga ng isang sikreto, ng panlilinlang, ng pambrabraso. E nambrabraso na ang gobyerno, at ayaw ipakita ang nilalaman ng kasunduang ito. At bigla na lang nabulaga ang lahat�both local and national leaders�dito sa nilalaman ng kasunduan na ito. At ang pinakamahalaga dito yung national perspective nito.

Kahit pa i-reject sa plebiscite ng Zamboanga, ng Iligan, ng North Cotabato at iba pa, magkakaroon pa rin ng BJE sa loob ng bansang Pilipinas, at ang BJE na ito ay may kapangyarihang gumawa ng pansariling international agreements. May kapangyarihang gumawa ng sariling pera at batas na hindi nirerespeto ang ating Korte Suprema. Dito sa kasunduang ito, ni minsan wala kang makikitang Constitution of the Republic of the Philippines. Anong klaseng BJE na ito na mangyayari sa loob ng ating bansa? Ibig sabihin, nagkaroon na ng partion, nagkaroon na ng bagong juridical entity, nagkaroon ng bagong bansa sa sarili nating bansa. Hindi natin papayagan ito.

Q: Bakit kaya naghain ng ganyang kasunduan?

MAR: Maraming mga spekulasyon. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari rito. Ang alam ko ay dumating tayo rito na walang konsultasyon. Tanungin natin, dumaan ba ito sa Gabinete? Pinagbotohan ba ito ng Gabinete? Sino ang nag-endorse nito sa Gabinete? Sino ang dumepensa nito? Sino ang tumatayo na nagsasabi, 'ito ang pinakamabuti para sa ating bansa.' Wala tayong nadidinig na ganoon. Ito ba ay dumaan sa National Security Council? May security implications ito a, pinag-usapan ba ito?

Yung legislative implications nito, dumaan ba sa LEDAC? Wala naman a. Pati yung mga local leaders ng mga komunidad na apektado rito, hindi nila alam na kasama sila rito. Nabigla na lang sila.

Q: Mukhang kahit ang MILF ay nambabraso.

MAR: Biro mo, saan ka nakahanap ng 'Sumang-ayon kayo rito. Kung hindi, gugulo kami. Sa Supreme Court, may deadline kayo, i-lift niyo yung TRO.' Kung ngayon pa lang hindi nila nirerespeto ang sistema ng batas, paano pa kaya 'pag nabuo na ito? Talagang delikado ito, seryosong bagay ito. Hindi lang para sa mga komunidad na apektado. May alam man o hindi ng ating mga kababayan diyan sa Luzon, Visayas, mababawasan na ang ating bansa. Kaya kailangan hadlangan natin ito.

Q: Dapat bang bumuo ng bagong panel?

MAR: Ang unang hakbang ay itigil itong MoA. Tapos kung mag-uusap ulit, okey lang iyan. Pero dapat yung baong pag-uusap na ito ay isang malawakang konsultasyon. Alamin natin mula sa mga mamamayan dito, hindi lang sa MILF, pero sa mga nakatira rito na Pilipino, na ano ba talaga ang gusto nila, ano ba talaga ang ninanais nila.

News Latest News Feed