Press Release
August 19, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero
at the Senate session hall

On attacks by MILF:

Hindi pwedeng sabihin nilang hindi sanction yung ginagawa nila at the same time sasabihin nila na ito'y bahagi pa rin ng grupo nila. Ang para sa MILF ay klaro give yp itong si Kato at itong si Bravo o disown nila para magpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa MILF. Hindi pedeng magpatulyo ang peace talk hanggat may mga ganitong grupo, ganitong tao na hindi naman pala si pinapakinggan at nirerespeto. Nakikipagkasundo tayo sa MILF sa pangunguna ni Murad tapos manggugulo yung ibang tauhan nila baka pagakatapos ng peace agreement ditto eh magpi-peace agreement na naman tayo kay Bravo at kay Kato, wala nang katapusan ito.

Sumasang-ayon ako sa pananaw ng mag eksperto, kung may kasunduan tayong papasukan, dapat pasukan ito sa pamamagitan ng kada probinsiya, kada grupo, halimbawa, para sa Maranao kung sa Maranao at kada clan o pamilya. Makabago at kakaibang approach sa peace process subalit worth a try given yung failures na nakikita natin sa ngayon.

What the gov't should do in the meantime?

Well nafile na ng warrant, nagfile na yata ng kaso sina Kato at si Bravo dapat ipakita ng gobyerno na kaya ilang ipagtanggol at ipaglaban ang rule of law at in the meantime gaya nga ng nasbi ko hindi pedeng magpatuloy ang usaping pangkapayapaan ganundin ang renegotiation process hangga't hindi maliwanag at status nina Bravo at Kato. Sila ba ay bahagi pa ng MILF subalit hindi sumusunod, dapat pasunurin muna bago tayo makipag-usap. Kung hindi sila bahagi ng MILF, klaruhin ng MILF yon para maliwanag kung sino ang kausap natin at sino lang ang sino lang ang saklaw ng pag-uusap sa ngayon.

Kaya nga dapat suspindihin muna ang usaping pangkapayapaan hanggat hindi kalro ang bagay na ito dahil forever na lamang may mag-aalburuto MILF commander at bigla na lamang tayong makakakita ng sibilyang pinapatay nang walang awa at mga sundalo nating nasasaktan din at pinapatay at ang simpleng sagot nila, "pasensiya na kayo, mainit ang ulo medyo nawalan ng pasensiya, wala naman itong sanction at hindi namin kontrolado. Hindi pedeng ganoon ang maging usaping pangkapayapaan sa ganitong grupo.

News Latest News Feed