Press Release
August 21, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar - (Davao)

Q: On Mindanao peace talks

Villar: Kailangan ayusin muna natin ang kapaligiran, nagkakagulo pa. Kapag tahimik na tsaka tayo kumilos. Hindi naman tayo nagmamadali dapat dito. Isipin natin kung ano ang maganda at depende sa mangyayari. Syempre talagang kailangang rebyuhin natin ang MOA na iyan. Mukhang hindi katanggap-tanggap ang mismong MOA. Talagang ang buong prinsipyo ay dapat nakahanda tayong palitan iyon. Dapat talaga lahat ng negosasyon ay wala namang lalabag sa ating konstitusyon. Iyon ang dapat na parameters sa pag-negotiate natin dito sa MILF kung tayo ay magne-negotiate pa. Siyempre depende iyan sa gulong nangyari. Kung hindi ito mareresolbe nang maayos, how can be negotiate with them? Tingnan natin sa mga darating na araw, darating na linggo. Basta ang mahalaga muna ngayon ay ayusin muna, siguraduhin muna natin ang kapakanan ng ating mga kababayan na nagsisilikas at baka ngayon ay ninenerbyos na baka sila ay mahuli sa crossfire. Iyon muna ang obligasyon, gawin muna ng AFP ang kanilang trabaho, patahimikin muna natin. At huwag tayong magmamadali, pag-usapan natin nang dahan-dahan itong agreement na ito in a transparent manner na ang lahat ng stakeholders ay kasama nang sa ganoon ay hindi nagbubunga ng gulo.

Q: Sa tingin ninyo ano ang magiging consequence kung maba-brand na terrorist ang MILF?

Villar: Unang-una, maraming namatay kasi talaga. Sa tingin ko dapat namang ipagharap ng kaso iyan. Sila ay Pilipino at sila ay pumatay ng tao. Ang mga iyon ay maliwanag naman na nagkasala at may krimen na ginawa.

Q: What about the calls for an all-out war?

Villar: Tingnan muna natin, dahan-dahan muna tayo. All-out war tayo dapat doon sa mga gumawa noon kasi isang band iyon. Although iyong pangkalahatan bagamat iniiwasan natin iyan, at all times naman dapat handa ang AFP diyan. Huwag tayong padalus-dalos.

Q: For ten years we have been having these talks, do you think may fault ang government?

Villar: Dito tingnan natin ang fault ng national government at local government kasi minsan marami naman talagang pondo ang ipinapadala ng national government. Marami ring hindi tayo nakikita na nagagawa. Nakikita natin na hindi nade-develop ang lugar na iyan, kawawa naman ang ating mga kababayan diyan. Kasi isa sa pinakamahirap na region iyan kaya dapat iyan ay talagang maiangat natin. Pero dapat pagtulong-tulungan ng local at national kasi kung sa national lang at hindi naman magagawa ang projects, hindi rin matutupad ang pangarap natin na maiangat ang antas ng kabuhayan doon.

Q: Despite the international aids poured in this?

Villar: Wala kasi akong nakikita masyado. Pagtulong-tulungan na lang. Hindi naman tayo dapat mag-give up. Palagay ko, international, national government, local government, pagtulung-tulungan natin sa larangan ng edukasyon, kalusugan, dapat bigyan ng atensyon iyan.

Q: What's your plan for Mindanao?

Villar: Ang problema sa Mindanao ay kahirapan din, kapareho ng ibang mahihirap na regions sa buong kapuluan. Meron ding problema ng peace and order sa ibang lugar. Iyan ay dalawang problema na kailangang harapin ng gobyerno at dapat tama ang implementasyon. Kamukha nitong GRP-MILF agreement na ito, dito ay maliwanag na nagkamali ang national government natin sa hindi pag-kunsulta sa mga maaapektuhan ng mga karatig na lalawigan.

Q: What other avenues should we pursue to finally implement the peace deal?

Villar: Huwag tayong magmamadali. Itong problemang ito ay isang matagal na problema at problema nating mga Pilipino. Hindi dapat ito mamadaliin sapagkat ang pagmamadali ay baka magbunga ng lalong madaming gulo. Mas maganda na lahat sana ng stakeholders ay ma-inform natin at tingnan natin kung saan tayo magkakabigayan. Habang tuloy ang pagtulong natin sa mga mahihirap na region, hindi lamang sa ARMM, kung hindi sa iba pang mahihirap na region sa Mindanao.

Q: Ibinasura na daw po ng Malakanyang ang MOA-AD?

Villar: Talaga namang maliwanag na dapat i-scrap na iyon. Maliwanag na ino-oppose ito ng halos lahat nang sector ng ating lipunan hindi lamang sa Mindanao, kundi pati sa Maynila. Halos lahat ng sector, pati business sector ay lumabas na at ipinakita ang kanilang objection dito sa GRP agreement. Maliwanag na ito ay walang suporta kaninuman kaya dapat kalimutan na ito.

Q: Are you in favor of the BJE set-up?

Villar: Hindi rin puwede iyon. Unang-una, paano mo maso-solve ang constitutionality? Iyon ang basic, ang integrity ng territory. Maliwanag na hindi papayag ang karamihan. Kapag hindi pumayag ang karamihan, nag-iimbita ka lang ng gulo. Dati naman walang gulo, noong nagkaroon ng agreement nagkagulo. Iyon ang problema ng hindi luto na agreement.

Q: You see a lot of opposition?

Villar: Wala pa akong nakikita na pabor dito, except si Secretary Dureza.

News Latest News Feed