Press Release
September 9, 2008

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

Villar: I categorically deny any participation in the alleged erroneous appropriation in the 2008 budget. Ito ay malaking kasinungalingan. I strongly detest the insinuation that I pocketed public money in the construction of the C5 extension road from the South Luzon Expressway to Sucat in Paranaque City. Alam niyo ang unang-unang sasagutin ko lang na point, ay ito daw ay "road to nowhere". Alam niyo gusto ko lang ipakita na ito ay isang proyekto na magkokonekta sa North Luzon Expressway sa Coastal Road at eto nga yung programa ng Public Works. Ito yung North Luzon Expressway at ikokonekta ito sa Coastal Road (shows map), ito ay isang 42-km project na matagal nang ginagawa kaya dahan-dahang ginagawa ang kalye na ito. Ang makikinabang ay mga taga-Cavite, Las Pinas, Paranaque, Taguig, Quezon City, lahat ng dadaanan ng NLEX at nung Coastal Road. Kasi sinasabi na parang maliit na portion lang ito na ito raw ay P200-million lang at doble raw yung P200 million. Hindi ko malaman kung anong klaseng accounting yan dahilan sa itong proyektong ito ay 2.1Billion puwera pa yung overpass. Dahil kung ilalagay mo yun ay madadagdagan pa nga ng P3 Billion. Kaya ito ay isang proyekto na inuunti-unti lang. Nagre-release ng konti kung magkano lang ang nakakaya ng gobyerno at marami tayong proyekto sa Pilipinas na ganito, na pag masyadong malaki, ang gobyerno kapag hindi kaya ay unti-unti nagbibigay ng konti, P100 million o P200 million hanggang matapos. Kaya etong P200 million ay maliwanag naman na hindi supisyente. Kaya yung sinasabi na 200million dinagdagan pa ng P200 million ay nag-doble, malaking kamalian yun. Ang totoo nyan maski yung P200 million pa na yun ay malaki pa ang kakailanganin para matapos ang kalye na yun. Now yun namang sa double costing, di ko naman malaman kung paanong nangyari ang double costing na yan, pero nililiwanag ko na walang dumoble kungdi malayo pa tayo dahil P2.1 billion ang proyektong ito. Kaya dito sa isa pang issue na ako ay ini-insinuate na nagkapera dito, nililiwanag ko lang, kanina nagulat nga ako na ako pala iyon. Maski na singkong duling, wala akong tinatanggap dito. Hindi ako involved sa pag-gawa nito. Hindi ako nagbi-bid-out, hindi ako ang pumipili ng contractor, hindi ako ang pumipili ng supplier. Hindi ko malaman kung paano ako kikita dito. Sinasabi ko nga, ipinagmamalaki ko naman ang mga proyekto ko. Ginawa ko ang Daang-Hari, ipinagmamalaki ko iyan. Talaga namang iyan ay isa sa pinakamaganda nating proyekto na puwede nating tularan. Iyan sana, bagamat hindi pa tapos, napakalaking serbisyo ang maitutulong sa ating bayan. Ito namang C5 extension na binibigyan ng masamang kahulugan, paano naman ang mga taga-Cavite, ang lagay hindi na sila maisasama sa pagpunta dito sa NLEX, hindi na maisasara ito. Kawawa naman ang mga taga-South ditto na Cavite, Las Pinas, Paranaque. Isa pa, narinig ko rin na puro subdivision ko raw. Kasinungalingan na naman iyan. Unang una, dito lang sa South, ang dinadaanan nito Better Living, Moonwalk, Merville, Aeropark, Multinational Village, Multinational Industrial Park, Shoemart, Global Industrial Park, AMVEL, ito iyong mga condominium, Ayala, Gatchalian Village at iyong buong Cavite. At ito ay dito lang sa South. Kapag lumagpas ka sa South diversion, nandiyan na ang Fort Bonifacio, nandiyan na ang buong kampo mismo, nandiyan na ang Quezon City. Kaya hindi naman tama na sasabihin na subdivision ko ito. Sa 42 km, wala nga akong nadadaanang subdivision ko rito. Ang nadaanan lang dito ay iyong maliit na Golden Haven Memorial Park, mga patay na ang nandoon.

Q: Project n'yo talaga iyon?

Villar: Itong project ng DPWH ay ina-advocate ko na matapos. Hindi ko kayang sabihin na aking project ito at ayoko namang angkinin ang hindi akin. Subalit nililiwanag ko na ito ay napakalaking proyekto at isa ako sa mga nag-aadvocate niyan. Paano nalagay doon, hindi ko alam iyan. In fact, kulang pa nga. Ang ikinakaba ko nga dahil dito sa statement na ito hindi na ma-release ang pondo doon. Kawawa naman ang mga kababayan natin sa Cavite at sa South na hindi na makakatikim nitong C5 extension na ito. Hindi naman tama iyan.

Q: Hindi iyon double entry?

Villar: Ang double entry, kung ang halaga lamang ng kalye ay P200 million halimbawa, eh P2.1 billion nga. Kulang pa ito. Kaya ang mangyayari lamang dito, ia-adjust lamang ito. Kung nagkamali ng entry doon, ia-adjust lamang iyan. Maski naman sabihin pa na double entry, halimbawa, iyon ay hindi mo mai-implementa. Hindi nila kayang iimplementa iyon dahil may proseso iyan. Hindi ko naman alam kung paano pag-implementa nila.

Q: Ibig sabihin sir, kapag 2008, P200 million tapos 2009, P200 million?

Villar: Maaaring P200 million, maaring P500 million, hanggang mabuo ang P2.1 billion.

Q: So far magkano na ang nabubuhos dito?

Villar: Sa P2.1 billion siguro, mga one-third pa lang ang ibinubuhos dito. Puwede mo nang isama dito ang P200 million ng 2008. Palagay ko mga kalahati pa lamang ito kaya malaki pa ang dapat na malagay.

Q: P400 million talaga ang kailangan for this project in 2008?

Villar: Kulang pa iyang P400 million. Iyang P400 million na iyan, sila ang magi-implement niyan. Pero iyan ay kulang pa rin. Hindi pa tapos iyan. Next year, kung lalagyan nila magkakaroon pa ng pondo iyan.

Q: Diretso ito sa DPWH?

Villar: DPWH. Wala akong kinalaman diyan.

Q: Kailan po nagsimula ito?

Villar: Matagal na iyan. Kasi itong NLEX, ito ang mga 10-year program. Itong sa South, gusto ko sana ay mabilis pero talagang walang pera ang gobyerno kaya painot-inot lamang ang release nila. Umaasa nga sana ako sa mga taga senador na taga-Cavite na tulungan akong mapondohan ito sapagkat ang pinakamalaking beneficiary dito ay ang mga taga-Cavite. Kawawa naman sila. Dito ay magbe-benefit lahat dahil pati Quezon City makakapunta na ngayon, magkaka-cris cross na ngayon. Bakit dadagdagan mo ang isang budget? Maaring dahil gusto mong mag-pump prime sa ekonomiya, gusto mong madaliin at hindi na umabot ng 2016 dahil ibang pangulo pa ang magke-claim. Gusto na ng pangulo halimbawa na matapos sa 2010 at madaanan na. iyan ang mga kadahilanan kung bakit magi-increase. Kaya nagulat ako doon sa doble. Iyan ang problema sa konti ang kaalaman sa research sa accounting, hindi ho ganyan ang accounting sa budget. Appropriation is not a release. Iba ang release, iba ang appropriation. At ang implementing agencies nito ay Public Works, sila ang nakakaalam nito.

Q: Bakit si Secretary Andaya hindi aware dito?

Villar: Hindi talaga aware din dahil this is a DPWH project. Ngayon malalaman na niya kung paano ang nangyari. Hindi ko naman dini-deny na talagang gusto ko ang project na ito. Talagang marami akong ina-advocate na project. Number 1 itong Daang Hari, ina-advocate ko iyan. Hindi pa tapos iyan. Number 2, itong C5 extension. Gusto ko ring ma-extend sana iyong NLEX from Tarlac hanggang Urdaneta. Ang problema rito sa atin, iyong mga walang nagagawa, naninira. Sana man lang ipakita nila ang kanilang mga ginagawa at iharap nila sa tao. Bilang isang public official, hinahanapan kami ng performance. Siguro dapat naman ay may maipakita ka man lang. nasaan ba ang bayan mo, ano ba ang maipapakita mo sa bayan mo? Ano ba ang nagawa mo roon? Kung sa mismong bayan mo wala kang nagagawa, paano ang gagawin mo sa Pilipinas kung sa bayan mo wala kang naipapakita? Ang isang public official ay kailangang magpakita ng kanyang nagawa, hindi iyong bira ka lamang nang bira.

Q: Si Andaya taga-LP daw, bakit niya sinabing congressional insertion iyon?

Villar: Posible rin. Sasabihin niya ang lahat ng na-insert ay sa Congress. Sinasabi ko nga, lahat pinapakiusapan ko diyan na sana madagdagan ang appropriation doon. Ngayon kung mapagbigyan ka, hindi ko alam. Kung mapagbigyan ka ng P100 million, P200 million o P300 million, hindi nangangahulugan na sa iyo iyon. Iyon ay para matapos ang proyekto. Kaya kapag karagdagan na ganyan, happy ka na. Ngayon, ang appropriation na ganyan, hindi nangangahulugan na mari-release iyan. Isa pa iyan. Akala ng lahat, kapag ikaw ay meron nang appropriation na ganyan, mari-release iyon, hindi rin. Ang totoo diyan, kapag nasa oposisyon ka, hindi rin mari-release iyan. Kaya malaki ang posibilidad na hindi pa rin mari-release.

Q: Clarify ko lang, you are pushing for the additional P200 million on top of the budget?

Villar: Gusto ko nga mas marami sana pero iyan lang siguro ang kayang ibigay. Ang totoo niyan, I am pushing for the completion of this road para matapos na talaga.

Q: Galit ba kayo?

Villar: Kasi naman nalagay na tayo ay tatakbong presidente. Inaasahan ko na naman na after the declaration, biglang dadami ang ganyan kaya inuunahan ko na na talagang marami akong nagawa, ipinagmamalaki ko iyan. Pero maski na singko, wala akong kinikita diyan. Wala akong pakialam kung sino ang gagawa niyan. This project can be done na fully transparent, puwedeng tingnan ng lahat. Wala akong problema diyan. Kung gusto namang mag-imbestiga ng Senado, okay din basta lahat ng changes of similar nature will also be included. Hindi naman natin alam kung ito lang ang change sa budget, para pangkalahatan na.

Q: Iyong P400 million road to nowhere is politically motivated?

Villar: Maliwanag naman kasi iyong nowhere, kinokonekta nga ang NLEX at SLEX, paano magiging nowhere iyon? Kawawa naman ang Cavite, ano sila nowhere? Sila ang patutunguhan saka Quezon City. They are not nowhere. I am just saying na sana ay nag-review muna at tiningnan muna itong mapa para malaman nila kung anong klaseng project ito.

Q: Would you inhibit yourself from the investigation?

Villar: I want to answer kasi gusto kong masagot talaga ang mga tanong sa akin at maipaliwanag ko ang sinasabi ko ngayon.Sabi ko nga, dapat imbestigahan lahat ng mga entries at changes of similar nature sa budget.

Q: Kung pulitika ito, sa tingin n'yo ba iyong boyfriend nang nag-dawit sa pangalan ninyo ay involved?

Villar: Mahirap magsalita ng ganyan pero ang ibig kong sabihin, minsan may mga tao naman na araw-araw ay binubugbog ka, maraming sinasabi na kamalian, kasinungalingan, hindi naman siguro tama iyon. Mahirap naman na ikaw ay magtago sa saya ng ibang tao. Ako naman ay mabait pero ako naman ay taga-Tondo rin. Ayoko naman nang ginaganito ako. Ako ay maingat sa aking pangalan sa pulitika. Ayokong madumihan ito. Kaya ito ay sobra naman, hindi man lang nag-research at ini-insinuate na ako ay nagkapera. Wala akong ginagawang pera diyan, maski singko wala akong nakukuha diyan. Kaya ako ay medyo galit din sapagkat hindi naman tama na dahil ikaw ay nagdeklara lang na magpe-presidente ka ay kung ano-ano na ang naririnig natin. Huwag naman ganyan. Sana ay walang below the belt. Bagamat kung talagang gusto naman ng below the belt, okay din naman tayo.

Q: Titira din kayo ng below the belt?

Villar: Hindi naman. Ang ibig ko lang sabihin, huwag naman ganyan, porque naman tayo ang Senate president, alam mo naman very cool tayo subalit tumataas ang aking boses kapag naa-accuse ng ganyan dahil sa talagang napakalaki na ng ginagastos kong personal sa pagtulong sa ating mga kababayan, napakahirap naman ng ganito na aakusahan ka pa na nagnanakaw ka pa. hindi naman siguro tama iyan.

Q: You expect na kahit ang inyong position ay ma-question?

Villar: Ang position ko bilang Senate president? Matagal nang naga-attempt iyan. Hindi naman natigil. May mga attempts siyempre iyan, normal lang iyan. Kung ikaw ay naging pangulo ng Senado, normal na ikaw ay tatangkaing alisin. Hindi naman nakakagulat iyan. Lalo na ngayon na nag-deklara na tayo.

Q: Once and for all, are you running?

Villar: Tatakbo ako talaga. Alam mo, napakahirap ding magsinungaling. Kaya lang siyempre may sinasabi lang akong pasubali na halimbawa, kung may eleksyon. At saka kung may eleksyon man, parliamentary, federal o presidential. Ang sinasabi ko ay presidential. And then of course, I have to go through the process of being nominated and chosen by the Nacionalista Party.

Q: Sa tingin ninyo ang iba dapat mag-declare na rin para masuri sila this early?

Villar: Hindi ko alam ang kanilang plano, kanya-kanyang style iyan. Basta ang sinasabi ko lang, minsan nahihirapan din akong magsinungaling.

Q: Bakit ka daw tatakbo?

Villar: Nakikita ko kasi na napakaraming hindi nagagawa dito sa ating bansa at walang maipakita. Kaya nga nagmamalaki ako na kahit paano ay nakakatulong tayo at marami tayong nagagawa sa buhay. Kasi kahit paano syempre, kailangan mo ring ipakita na ikaw ay may karapatan para tumakbo pagka-pangulo. Kung wala kang maipapakita, wala ka namang nagagawa pa, paano mo naman kukumbinsihin iyong mga kababayan natin na dapat kang ihalal kung wala ka pa namang nagagawa.

Q: Are you saying na ang mga tumitira sa inyo ay wala pang nagagawa?

Villar: Hindi ko alam. Siyanga pala, ito siguro ang isa sa mga kadahilanan kung bakit lumabas itong balita ukol sa C5, dahil sa survey ng trust rating, tayo ang may pinakamataas na pagtaas. Nag-increase tayo ng 13 points. Hindi nabanggit sa press release na tayo ang pinakamataas ang pagtaas. 13 points ang itinaas ng pagtitiwala ng ating mga kababayan kaya siguro lumalabas ang mga ganito. Iyong iba bumaba pa.

Q: Iyong P400 million ni-lobby ninyo?

Villar: Hindi. Iyong P200 million, nandoon na iyon. Ako ay naga-advocate na dapat dagdagan iyan, lahat ng proyekto dapat dagdagan. Ngayon kung nabigyan ka ng P200 million, hindi mo naman alam iyon.

Q: Were you aware na may double entry?

Villar: Hindi ko alam na may double at saka itong mga double sinasabi ko nga sa accounting na ganyan, ang erroneous na entry na ganyan, hindi naman lulusot din iyan. Hindi ka puwedeng gumawa ng isang project na tapos na.

Q: Gusto ninyong malaman kung paano nagkaroon ng double entry?

Villar: Gusto ko talagang malaman. In fact, I am requesting the DBM to explain to me and even the Public Works how this happened. Pero ako, iyong magbibigay sila ng karagdagang budget, thank you pero sa sitwasyong ito, gusto ko ring ipaliwanag din nila ito.

Q: Considering na kayo ang nag-inaugurate basehan na ba iyon para pagdudahan kayo ng ibang kasamahan ninyo?

Villar: Hindi pa nga tapos ito. Meron akong pinasinayaan noon, inimbita ako doon sa from SLEX to Moonwalk, Better Living, Multinational, Merville.

Q: You are open to an investigation?

Villar: Yes. Ang sinasabi ko lang, dapat lahat ng changes sa budget na of this nature should be covered also para fair lang. kasi baka sila rin merong ganito.

Q: Anong forum po ang imbestigasyon?

Villar: Hindi ko alam, I'm just saying if there will be one.

Q: Hindi executive session iyan?

Villar: Hindi.

Q: Sabi ni Chiz pwedeng dito daw sa Senate.

Villar: Ang gusto ko lamang, kapag merong nag-suggest niyan ay lahat na ng ganitong karagdagan sa budget.

Q: Hindi lang limitado dito?

Villar: Bakit naman lilimitahan lang? Kung sila rin merong ganito? Baka may pinu-pursue silang project, wala namang masama doon. Basta nililiwanag ko lang, hindi ako nagkapera diyan.

Q: Ipapaliwanag n'yo ba iyan kay Sen. Lacson?

Villar: Ang sa akin, nag-press conference na ako, nasagot ko na ang lahat ng dapat kong sagutin dito. Wala akong sinabi na hindi tama dito, I'm willing to prove that. Ayoko na ring humaba pa ito.

News Latest News Feed