Press Release
September 18, 2008

Transcript of Interview with Ely Saludar (DZXL) with Senate President Manny Villar

Q: On the US financial crisis

Villar: Ang sa akin nga ang maipapayo ko sa ating bansa ay kumalmado lang tayo at hindi naman tayo masyadong apektado. Apektado din naman tayo pero hindi kasing apektado kagaya ng mga developed countries sa Europa at Amerika.

Q: So, hindi tayo dapat magpanic?

Villar: Wag tayo mag- panic. Meron din naman maganda at pangit. Iyung stock market nagbababaan so hindi masyado maganda yan, pero bumababa naman yung presyo ng langis , bumababa yung presyo ng bigas. Ito yung mas mahalaga sa mga pangkaraniwang mga kababayan natin, iyun naman ang dapat na bigyan natin ng importansya. Pag binalanse mo yung mga nangyayari ngayon , okey lamang merong magaganda, merong pangit kaya tayo ay hindi dapat mag-panic dito. Pero alalay tayo at pinapakiusapan ko ang ating mga economic managers na maging transparent sila at yung mga business man natin at yung ating mga mamamayan ay mabigyan ng briefing ng mga posibleng epekto sa ating ekonomiya at sa ibat-ibang sector ng ibat-ibang industriya. Dapat silang maging agresibo sa pagbibigay ng impormasyon sa mga ito para naman sila ay hindi tamaan.

Q: Pero sa ngayon po senator ay hindi pa naman siguro kailangan na gumawa ng anumang batas ang Senado para bigyan proteksyon sa posibleng pagtama nitong krisis pinansyal sa U.S. o imomonitor muna ng Senado ito?

Villar: Imomonitor na muna natin iyan, masyadong maaga pa para gumalaw. Ang executive department, ang BSP ay dapat na gumagalaw na ngayon at mag-inform sa ibat-ibang sector . Pero kami ay kailangang mag-obserba lang dahil ang mga batas natin ay in place na. Pero so far, to be fair with the president, medyo konserbatibo ang ginagawa nyang strategy at sa tingin ko sa ngayon ay ito ang tamang strategy.

Q: Samanatala isa rin ho sa maraming nakakagulat na balita dyan po sa senado, Senator ay yung minority group absent . Ano ho ba talaga, sila ho ba ay nag-absent, nagpaalam o may lumilitaw din ho na boycott senator?

Villar: Sila naman ay may mga sulat sa amin na ibat-iba ang kanilang lakad . Si Minority Leader Nene Pimentel ay pina-attend ng Senado sa human rights conference ssa Jakarta. Pero yun naman ay matagal na nyang tinanguan at pinuntahan lamang nya.Yung mga iba naman ay nagsulat din at nagbigay ng mga kadahilanan kung bakit hindi sila makaka-attend. Kahapon naman ay tuloy lamang ang mga trabaho namin bagama't hindi muna kami nagpasa ng anumang panukala para mahintay namin na at least meron minority na pumunta.

Q: Pero kasi ang sinasabi parang yung timing ho nagkasabay-sabay at lumitaw na boycott, Senate president?

Villar: Maaaring masama ang loob ng ilan subalit ang Senado ay tuloy-tuloy na institusyon at as long as may majority, tuloy ang trabaho. Dangan nga lamang at naniniwala kami na hindi naman lahat ng minoriya ay galit o umalis. Iyung iba naman ay talagang may legitimate excuse.

Q: Ano ho ba ang mangyayari, magkakaroon ho ba talaga ng imbestigasyon sa Senado patungkol pos a mga alegasyon laban sa inyo?

Villar: Hindi lamang sa akin ang alegasyon . Ang imbestigasyon ng Senado ay sa buong budget. Kasi alam mo naman na napakaraming pagbabago sa budget na involved ang karamihan sa senador. Ako ay naghihinanakit bakit sa akin lamang nakatingin samantalang napakarami naman. Isa pa, talaga namang pinaliwanag na naming paulit-ulit na yung dalawang proyekto daw ay nagka-double ay hindi po nagdoble. Nililiwanag ko na yan po ay dalawang proyekto, dalawang portion ng isang malaking proyekto. Dito sa C5 kasi talagang inip na inip na kami dito at talaga naman ito ay magkakabit sa Cavite, Las Piñas, Parañaque sa buong C5 proper. Kapag nagawa ang buong hi-way na yon ay makaka-konekta na kami, makakarating na kami ng Navotas, Malabon, Quezon City nang hindi aalis ng hi-way. Kaya tuwang-tuwa kami sana at sana ay nagmamadali kami dito sa proyektong ito. Kaya nangyari yan na sinasabi na pinapadagdagan natin, talaga naman. Sinasabi ko nga openly na taagang ina-advocate ko yang proyekto nay an at yung completion ng C5 na yan na pinlano na 20 years ng nakakalipas ngayon . Kaya hindi ko tinatago yan. Ngayon yun namang sa nagkapera, pinapaliwanag nga namin na uang-una, dalawang proyekto ito. Pangalawa, hindi naman alam kung mare-release to at pangatlo ang mag-iimplement naman nito kung saka-sakali ay DPWH at hindi po namin alam kung papano implementasyon nyan. Basta ang gusto lang namin, madagdagan po yung budget dyan. Kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi maunawaan samantalang sinbi na ng DBM, sinabi na ng DPWH, sinabi na ng chairman ng finance, sinabi na ng maraming senador sa kanya na itoy talagang 2 proyekto at pinapakita pa yung plano na 2 proyekto ito, paulit-ulit pa din. At isa pa gusto ko rin sabihin, hindi pwedeng magkapera ang isang nag-aadvocate lang dahil wala naman syang kinalaman sa pag-creat nung budget at walang naman siyang kinalaman sa pag-implementa nyan. Kaya ako ay naguguluhan kung papano naisip ni Senator na may pagkakataon na akoy magkapera dito. Sabi ko nga talaga naman akoy nalulungkot dyan dhil buong buhay ko, ako naman ay naghahanap buhay haggang magtinda ng hipon at pinanganak na squatter subalit maski kelan ay hindi tayo kumuha na maski singko, maski piso sa pera ng gobyerno . At nalulungkot po ako dahil pagka-announce ko na ako ay tatakbong president e kasi siguro nakikita na akoy walang corruption issue, at nagtangka na bigyan ako ng ganyan. Subalit nililiwanag ko na sa budget process, hindi puwedeng kumita diyana ng isang naga-advocate , hindi po. Ang mag-iimplement po niyan ay ang executive department. Lahat po ng senador, na karamihan halos, na naglagay doon ay wala po silang kinalaman sa implementasyon noon.

Q: Senador ang perception ng ayong ng taong bayan sa nangyayaring bangayan sa kampo ninyo at sa kampo ni Sen. Lacson ay talagang mukhang wasak na ho ang oposiosyon sa Senado. Ano ho ang pananaw nyo dito senador?

Villar: Unang-una hindi naman kami ang nagsimula dito at talaga naman maling-mali ang kanyang akusasyon na yon. Talaga namang nalulungkot ako diyan . Nakikita mo naman na hindi na ako sumasagot na para wag na lamang lumala itong aming image dahil gusto kong pangalagaan ang image ng Senado. Ang enado naman ay talagang puspusan nagta-trabaho nitong mga nakakaraang panahon. Napakarami nating problema sa kahirapan at yun ang gusto ko sanang bigyan ng pansin . Dangan nga lamang atdumating ito bagamat minsan nga ako na ang nagpapasensya at hindi nako sumasagot para na lamang di magtagal, di ko maiiwasan itong ngyayari. Pero wag mag-alala ang ating mga kababayan, kami po ay tuloy-tuloy na magtatrabaho at hindi namin pababayaan na yung mga ganitong bagay ay makaabala sa trabaho po ng Senado para harapin itong problema ng kahirapan.

Q: Sa lunes inaasahan natin na dadalo lahat ng umabsent na mga senador, kasi may panukala nga si Sen.Miriam Santiago na pwedeng ipaaresto yung mga senador na hindi dadalo sa session.

Villar: Hindi naman. Hindi naman natin gagawin yon . Palagay ko naman ay may darating, maski isa lamang na oposisyon ang dumating, tuloy naman ang pagpasa ng panukala. Kahapon naman ay nagtrabaho naman kami at wala namang magsasabing nabalam ang trabaho . Sinasabi ko lang na tuloy-tuloy kaming magta-trabaho kung may absent, absent sya.

Q: Senate Pres. Dito po may mga panukalang magkaroon ng cease fire sa magkabilang kampo at hintayingna lang na umpisahan ang imbistigasyon at kung ano man ang kahihinatnan nito. Ano ho ba ito senator possible ho ba ito?

Villar: Posible naman. Ako naman ay hindi nakikipag-away at ayoko na nga, nakita nyo naman na hindi ako masyadong nagpapa-interview dahil baka mapainit ko pa itong issue na ito. bagamat masama ang loob ko dito dahil napagbibintangan ako ng hindi tama. Gayunpaman, alang-alang na lang sa senado at alang-alang sa obligasyon namin don ay di na ko kumikibo. Iyan naman ay nahahanda kong gawin. Talaga namang napakahalaga na lalong-lalo na ngayon na may krisis tayong hinaharap sa larangan ng ekonomiya, talagang kinakailangan na magtulong-tulong tayo ngayon at baka yung ating mga kababayan ay lalong mahirapan.

Q: Okay senator panghuli po. Panawagan po sa ating mga kababayan na nakikinig dito po sa RMN- DZXL.

 Villar: Sa ating pong mga kababayan, nililiwanag kop o na lahat po ng akusasyon nayon na narinig ninyo ay dini-deny po natin. Hindi po totoo yan. Kaya lamang po tayo hindi nakikipagtalo ay dahil sa aking hangarin na manahimik na ang Senado. Sana po ay maunawaan ninyo na paminsan-minsan po naman ay nagkakaroon ng ganitong pangyayari sa Senado at huwag n'yo naman po sanang isipin na ito lamang po ang nagagawa ng Senado. Para po rin kaming ginagawa at itutuloy po naming an gaming ipinangako sa inyo na mananatiling malaya ang Senado sa lahat at hinding-hindi po ito mag-aallow ng corruption kaninuman.

News Latest News Feed