Press Release
September 29, 2008

Interview with Senator Alan Peter Cayetano at Recto Room

Reporter: Anong reading mo lang sa lumabas na hearing ngayon?

ASC: Kiktang kita na walang malisya, there's no malice kung hindi yung mga nag-a accuse MALI SIYA. Pinalabas agad na ang isang ordinaryong mistake o ang isang clerical error or yung description ay mayroong anomalya, may graft, may corruption. Pero narinig natin at mismong mga guest natin, ang former DBM secretary at ang secretary of DPWH they na there's no way na pwedeng ikurakot yung 200M na yan or i-double mo yung bidding or the same mo gagamitin sa the same project at kung may lumabas nga sa hearing na 'to ay kulang pa nga ang pondo sa magandang proyekto na yon at dapat ngang pondohan ng buo at hindi huhulog hulugan ng national government. Makikita kasi na pinagpipilatan na ang GAA lang ang tanging source ng titingnan mo pag may proyekto pero bukod dito meron ng iba. But meron din namang silver lining at ang maganda namang nangyari dito, nafocus ang national budget, nagkaron ng atensyon ang mga kababayan natin sa Luzon, Visayas, Mindanao sa budget at siguro ang dapat naming gawin ngayon ay ire-focus yung attention sa budget reforms, ang pinaka-magandang reform talaga dito ay yung tinatawag na line item budget na maraming naga-advocate pero hindi naman nagagawa so maybe I may advocate a modification na baka magkaroon tayo ng limited na line item budget, meaning mamili tayo ng dalawa limang departamento, so for example ang DPWH, lahat ng ___ nito bakit hindi natin i-line item, may listahan naman sila ng project, pag right of way I line item natin yung right of way. Halimbawa ang department of agriculture pag sinabing farm to market road or yung sinasabi pang irrigation bakit hindi natin i-line item kung hindi kaya yung buong budget why not partially. The thing is nagsayang tayo ng 3weeks na nagdedebate, eh etong hearing napakalinaw kaagad at makikita mismo ng mamamayan kung sining inosente, sinong gumagawa ng istorya so sana nga we continue to investigate at dapat talaga walang cover up pero dapat sana we do it on an orderly fashion ng hindi nauubos ang oras ng session hall, ng plenary na para sa mga isyu na ganito na masosort out naman pala pagdating ng hearing.

Reporter: so sinong lumalabas na gumagawa lang ng istorya?

ASC: lumalabas na tama na i-point out ni Sen. Lacson yung double allotment, pero mali ang mga conclusion nila , at mali ang akusasyon nila ni Sen. Madrigal at pinalaki talaga 'toh. Kasi nga ang sinasabi natin e ang pinapalabas natin ay eto lang ang isyu pero ang alam naman natin na hanggang ngayon nililigawan pa rin yung sa manorya na tanggalin si Sen. Villar bilang senate president. So punot dulo nito survey, senate presidency at politika. Panahon ng survey kung saan tumaas si Senator Villar, yung mga committee at senate presidency kung saan gusto nilang makuha at yung politika dahil palapit na yung 2010 medyo nagkakatinginan na ang magkakaribal.

Reporter: can you say accountable, sina sen. Lacson?

ASC: well, we can pero when you make accusations or un-parliamentary remarks you can always hold a senator accountable but ang tingin ko ang pinakamagandang accountability dyan tao na ang humusga kung sino ang nagtatrabaho at kung sino ang namumulitika lang. Reporter: sino ang nililigawan at nanliligaw

ASC: ang ilang miyembro ng minority ang nanliligaw sa ilang miyembro ng administrasyon at ino-oferan nila ng senate presidency kung kakampi sila. Hindi ko na muna babanggitin pero continuing, alam namin ang nakikiusap kung kani-kanino. Ang nililigawan na pag lumipat ay mabubuo sila.

Reporter: so pito lang sila, ang nililigawan nila lima?

ASC: anim para maging trese. Kung baga ang senate presidency never perminente yan eh. So meron naman talagang makikinig meron namang receptive, merong ayaw so fino-focus nila ang kanilang attention dun sa ayaw.

Ang napatunayan dito is that ang konting issue ng dalawang allocation ay pwede naman palang itanong sa ganitong paraan pero tatlong linggo tayong nag-media circus. Kasi wala naman akong problema sa isang all out media campaign kung meron kang concrete na allegation at may ibidensya ka na patutunayan pero kung magfifishing expedition ka at pagaaway-awayin mo lang lahat ng senador in the end ang makikinabang nito eh ang malacanang.

Reporter: ang sabi ng isang secretary...

ASC: actually hindi nya kailangang gamitin yun sa fly over lang. it can be used to any part of the 2 billion. 4billion yung project, ang kulang nila is 2billion pa, so ang inalot lang naman ay 400 million that's why inamin nga ng lahat ng nandito, na kung nilagay lang naming sa budget na 400 million at yun din yung title hindi nagkaron ng issue. Kaya nagka issue kasi pinalabas magkapatong yung dalawang project nayan at yung patong na yon, yun ang magiging source ng corruption. Kung sinasabi nila ngayon na iba ang source ng corruption na meron, ok lang yon tingnan din natin yon. Pero sabihin muna nila kung ano ang allegations nila.

News Latest News Feed