Press Release
October 7, 2008

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

On rollback of prices of oil, ayaw pa rin ng mga oil companies na magrollback�

Ang problema sa anumang uri ng buwis excess profit man ang tawag o hindi mahirap bantayan na ito ay hindi ipapasa eh ayaw na nga nilang babaan baka bigyan pa natin ng dahlia ang mga oil companies para lalong taasan. Para sa akin ang solusyon ireview at amendahan ang oil deregulation law para maturuan ng leksyon at mabigyan ng ngipin ang gobyerno kaugnay sa hindi pagsunod ng mga oil companies sa tamang presyo sa pandaigdigang merkado. Ang papel lang ng DOE sa ngayon barker ng presyo, nakikipag-away pa nga kung sino ang dapat na barker ng presyo. Pero ang dapat na papel ng DOE doon bantayan ang interes na bayan para matiyak na hindi tayo pinagsasamantalahan ng mga oil companies. Ang solusyon ay nakasalalay sa pag-amenda at pagrepeal ng oil deregulation law. Para sa akin wala sa dagdag na bayarin na naman o buwis na ipapataw sa taong bayan.

Ang masakit sa mga oil companies pagnagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado makikit natin sa TV ngayon walang isang lingo makikita na natin yon ang binabayaran natin. Pagbumaba naman sasabihin nila ay next month or intwo months time, in three months time pa mararamadaman yan. Obligasyon at trabaho ng DOE yan na alamin kung nagkokontsabahan nga ba ang mga oil companies o hindi, dahil kung sila ay nagkokontsabahan pedeng pasukan at pakialaman ng DOE ang pricing ng mga oil companies.

Hindi ba sila pedeng mapuwersa na ibaba na talaga?

Sa ilalim ng oil deregulation law hindi, kaya nga dapat amendahan ang oil deregulation law kung saan kapagka may predatory pricing, meron ng monopoliya at nagkokontsabahan ang mga oil companies dapat may kapangyarihan at karapatan ang gobyerno na pumasok. Hindi tulad ng sitwasyon ngayon lumuluhod ang gobyerno at nakikiusap ang presidente sa mga oil companies para babaan ang presyo, lumuluhod at nakikiusap ang presidente sa mga oil companies para bigyan ng mas magandang presyo ang mga public utility vehicles. Imbes na lumuhod at makiusap bigyan natin ng ngipin ang gobyerno.

But it needs a law to do it and it takes time...

Batas din naman ang pinapanukala ni Sen, Enrile and it will also take time and might not also solve the problem ang might increase the prices. Matagal ng nakapendign ang batas na yan and in the meantime gawin ng DOE ang matagal na nilan pinangako one year ago, nag-hire pa raw sila ng private accounting firm para i-account ang libro ng mga oil companies. Nasaan na ang resulta ng pag accounting nila, nasaan na ang resulta ng pagcompute nila kung tama nga ba ang pagsingil ng mga oil companies o hindi? Hindi naman siguro isang taon ang dapat gawin ng sinomang pribadong kumpanya na gumagawa nyan sa mga oil companies.

Si Secretary Reyes hindi ginagawa ang kanyang trabaho?

Pang-apat na niyang departamento ito, hindi ko alam kung ganyan kadami talaga ang expertise niya o hindi, pero ang nakikita ko nitong mga nagdang araw panay lamang sabi niya at announce niya ng presyo kung tataas ito o bababa. Gusto ko sanang marinig sa ating energy secretary na pinaglalaban niya ang karapatan natin lahat na mamamayan at hayaan mo siya ang magboses na amendahan ang oil deregulation law para mas may magawa ako sa inyo kesa magreklamo siya ng magreklamo eh wala naman siyang iprinipresentang solusyon kung paano niya mas magagampanan ang trabaho niya.

Kayo ba ang mag-iinitiate ng repeal o amendment ng oil deregulation law?

May inihain na kamiang mga panukalang batas kaugnay nya, kabilang ang pagreview ng oil dereg law, pag-audit sa mga oil firm, kabilang ang repeal at kabilang ang option ng pag amendment. Ang objective ay simple bigyan natin ng kapangyarihan ang gobyerno para sa atin pag inaabuso at pinagsasamantalahan na tayo ng mga oil companies.

May result na yung SGV audit and they don't find anything wrong...

They don't find anything with it because principally deregulated eh, kung gusto nilang kumita ng malaki pede silang kumita ng malaki, wala naman talagang masama doon eh, pero nasaan ang resulta, bakit hindi ipakita kung talagang napakalaki ng kita nila o hindi. Ang problema sa mga oil companies tuwing first quarter at magsasubmit sila ng report ang laki ng kita nila para sa stockholders nila para tumaas ang kumpiyansa pero after the first quarter, second, 3rd, fourth quarter wala ka ng marinig kundi underecovery, kulang daw, lugi daw sila kelangan daw bumawi. Hindi ko maintindihan yon. Hindi ito regulated industry, there's no such thing sa underrecovery, pag hindi nila siningil sa atin ngayon hindi na nila pedeng bawiin yan latetr on yan para sabihin nilang under recovery ito. Hindi ito tulad halimbawa ng kuryente napag hindi sila pinayagan ng ERC na singilin yung kabuuan ng gastos nila, meron silang hinahabol na under recovery. Ditto pede nilang presyuhan ng Malaya kung anong gusto nilang presyuhan, kung ayaw nilang ipataw sa atin yan sa ngayon wala na silang karapatang bawiin pa sa atin yan sa darating na panahon.

Amend or repeal?

Amendahan ang oil deregulation law.

On granting executive clemency to convicted killer Claudio Teehankee by President Arroyo, dapat bang bigyan nito?

Para sa akin hindi, lalong lalo na nong nalathala sa pahayagan ang litrato ni Maureen na pinaslang kaugnay ng krimeng ginawa niya. Ang hinihiling lang naman natin parati sa Pangulo accountability at transparency, tila hindi naman ito na commute kahapon lang, matagal na yatang nacommute ito at unti unting binawasan, bakit hindi napagbigay alam sa publiko. Requirement at may mga panukalang batas din na nakapending sa committee ngayon na bagaman absolute ang kapangyarihan ng president eng magpardon at magcommute, at the very least dapat isapubliko yan, magkaroon ng pagdinig kaugnay dyan o public haering o opportunity to respond at palaging dapat impormahan ang biktima para sa gayon makapagsabi naman sila na napatawad na naming.

Dapat bang magkaroon ng bill o batas para hindi absolute yung power ng Pangulo?

Nasa konstitusyon yun na may kapangyarihan ang pangulong i-grant o i-withhold yon, ang pinakapede nating hilingin without limiting or constricting the power of the President under the constitution would be to demand transparency, ipagbigay alam sa atin so that the president wont have to succumb if at all to political pressure should her desire to pardon or commute anyone sentenced indeed being her agenda.

Hindi na ba mababago yung commutation?

Hindi na , commuattino yon ha, hindi pardon yon. Hindi ito pardon na pedeng conditional o pedeng bawiin, binabaan lang ng binabaan yung penalty at nong umabot na siya don sa puntong naserved nya yung penalty pinalaya siya.

Ilang years dapat sa isang life imprisonment?

Hindi ko maalala kung ilan ang penalty na iginawad ng korte kung ilang life term yon. Pero ang sentensiyang binigay para sa bawat pagpatay simultaneous rin naman ise-serve yon, hindi yon porke't three life sentences ay, kunyari lang ha 30 plus 30 plus 30 equals 90. dahil hiwa hiwalay na krimen yon eh.

Si Claudio kapatid ng dating Justice undersecretary Manuel Teekankee na appointee ni GMA, may abuse of power ba ditto..

Kung dating Usec private individual siya karaptan ng sinomang bilanggo na hilingin ang computation baka nga naman sumusobra na siya sa paninilbihan niya. Sa aming outreach program sa ibat ibang mag kulungan maraming bilanggo na hindi nila alam laya na dapat sila dapat last week pa, last month pa, o last year pa, na hilingin yon ng sinoman bilanggo, karapatan nila yon.

Eh government appointee si Manuel...

Kung ang hiniling ay recomputation wala akong nakikitang mali don maliban na lamang kung dahil sa paghiling niya nagbago yung computation bigla, pero ng hinilinh yon bilang tao, bilang kamag-anak, bilang kapwa tao wala naman sigurong mali don dahil sa totoo lang trabaho ng DOJ yon, ni hindi na dapat hilingin yon ninoman, dapat ginagawa na talaga nila.

Yung kay Rolito Go...

Sa puntong ito samahan nyo kami sa pagbigay ng hamon sa Pangulo n asana ay maging transparent sila pagdating sa paggamit sa kapangyarihan ng Pnagulo sa pagcommute at pagpardon ng sinomang convict.

Can that power be abused?

If it is not made transparent, yes.

It's now being abused?

We don't even know if it is being abused or not we only heard trickles of news about his being pardon, whose sentence is being commuted, we don't even really know at let the President explain, I did this, I commuted because of this and that, and that explain her to the people.

Lalo na sa mga high profile case?

Maski na sa mga low profile, kasi low profile man yon may biktima pa rin, may pamilya pa rin na biktima na siguro dapat bigyan ng chance na marinig.

On Necrophilia bill may committee report na...

Mayroon nang committee report on that dahil hindi pa yon kasama sa mga napaaprusahan natin maliban sa probisyong desecrating the memory of the dead, pero hindi specific yon sa necrophilia o pakikipagtalik sa katawan ng pumanaw na.

Talamak ba yon...

Ang problema hindi mo malaman na talamak yon dahil hindi naman penalize siya specifically, kung kayat mula sa, hango sa penal code ng ibat ibang bansa na penalize yon at pinipenalize yon, yon din ang ginawa natin ditto sa ting bansa. Malalaman natin kung batas na yon kung ilan ang masasampahan ng kaso ng necrophilia kung saka-sakali.

Na sponsor na yon depende na lamang kung kalian ischedule for interpellation and approval.

On GSIS issue, sasampahan ng kaso sila...

Nirefer naming sa abogado yung pagfile ng mandamus, mahirap kasi mag-abogado sa sarili mo so binigay namin sa abogado, yung pagfile ng mandamus to disclose kasi yungsa iabng bansa nakapost nga sa internet eh, yung investment, kung good investment yon you should be proud of it.

News Latest News Feed