Press Release
October 14, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' press conference- Financial crisis

Q: What sectors of the local economy should be given priority?

MAR: Yung ekonomiya natin, sa first wave hindi tayo apektado masyado. Yung first wave yung epekto ng markets themselves sa financial markets. Dahilan sa hindi naman tayo masyadong exposed, yung mga bangko natin, pension funds, trust funds, and other financial institutions, hindi naman talaga nakataya sa financial markets na iyon.

Pero sa second wave at saka sa third wave, sigurado na maaapektuhan tayo. Ano yung second wave? Una, babawas ang mga orders, hindi lamang sa Amerika kundi pati sa Europa at sa Hapon, sa lahat ng mga binibili nila. Itong paskong ito lang, itong mga Christmas decors, gifts and housewares, furniture, na karaniwan malakas ang pagbenta ngayon, lahat iyan maapektuhan kasi magbabawas nga ng mga orders itong mga ekonomiyang ito. Semiconductors, auto parts, wire harnesses, transmissions, lahat ng ito magkakaroon ng paghina sa kanilang orders. Ito yung halimbawa ng second wave na matatamaan talaga tayo. Doon lamang sa Zamboanga, I was there yesterday. Meron doong isang pagawaan ng sardinas na ine-export sa Amerika, apektado na sila. Yung mga orders nila na karaniwan ay palakas ngayong mga 'Ber' months na ito ay na-slash o na-cancel. Hindi nila alam kung hanggang kailan mananatili itong sitwasyon na ito.

Yung third wave, yung ating mga OFWs na nasa Amerika, nasa Japan, nasa Europe, sa Canada, etc. Kapag humina ang ekonomiya doon, maaari yung mga trabaho nila, yung sinasahod nila, ay malagay din sa alanganin. So, yung kita nila mismo baka mabawasan o mawala. O kaya dahilan sa humigpit ang credit sa mga bansang iyon, yung pera na dating pinapadala nila rito kakailanganin na nila ngayon na ibayad doon sa mga inutang nila, sa mortgage nila, sa car loan nila, sa kung ano pang binili nila based on credit.

Q: So the benefits of JPEPA may lessen the impact of the crisis?

MAR: That's correct. The world economy and the economy of all of the countries will certainly have an impact on our economy.

Q: But JPEPA only covers a small percentage of the GDP.

MAR: Anuman ang kahinaan sa bansang Hapon, sa kanilang ekonomiya, mas mabuti na may JPEPA tayo kaysa sa wala. Ibig sabihin makakapag-export pa rin tayo sa kanila at mananatiling bukas ang merkado ng Hapon sa produkto natin laban doon sa produkto ng Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia. May mga 'JPEPA' sila e. So kung mahina man, at least may access pa din tayo, kung may JPEPA. Kung walang JPEPA, talagang wala tayong access, sila lang makakapagbenta doon.

Q: Tama ba yung advice ng government na maghigpit tayo ng sinturon?

MAR: Ang dapat na maghigpit ng sinturon ay ang gobyerno mismo. Dapat ipagpaliban ang deferrable na gastusin ng gobyerno. Huwag na lang gastos ng gastos as if business as usual. Itong budget na ito, ay binalangkas noong regular pang panahon. Yung mga assumptions nakikita natin maling-mali na. Assumptions on GDP, ang assumption doon mahigit sa 6% pero ngayon ang consensus, forecast 4.5% to 4%. Ang peso-dollar exchange rate, ang assumption doon ay P42 to P44 pero ngayon ay nasa P47 na tayo. Yung oil price, yung interest rate, yung inflation rate. Lahat itong mga assumptions na ginamit sa pagbalangkas ng budget ay hindi na effective sa ngayon. Dapat kaming mga senador, repasuhin namin ang budget na ito. We have to prioritize as we have never done before. Kailangan mahigpit na mahigpit ang pag-aaral na dadaanan ng budget na ito ng sa ganoon, anuman ang maliit na pera na nasa budget na iyan ay malagay sa pinakakinakailangan natin.

Q: Hindi ba kailangan hikayatin yung mga nakaipong mga OFWs na mag-negosyo dito?

MAR: Dapat naman talaga. Ang problema ngayon ay dapat asikasuhin at tulungan natin ang mga OFWs na kung maaari ay bumili ng lupa dito o bahay o anumang pangyayari na sa ngayon ay baka hindi na nila mabayaran.

Q: When will the full impact of the second wave be felt?

MAR: Companies are feeling it now already. I was talking with leaders of the Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines. Yung mga renewal ng orders nila ay mahina o hindi pa dumadating. So ginagawa nila ang produksyon nila sa ngayon. Sa garments, ganoon din. In the US alone, $8 trillion worth of savings ang na-wipe out. Pakiramdam ng mga Amerikano, mahirap sila. Nawala ang kanilang savings, ang kanilang pension, ang kanilang 401K. Lahat ng pera na tinabi nila para sa retirement at savings para sa rainy day, ngayon na-wipe out. Either nangalahati sa value, or 40% of the value. Kaya titigil iyon sa kakabili ng kung anu-ano. Itong mga binibili nila, iyon ang binebenta natin sa kanila.

Kung bibili sila ng bahay, may furniture at housewares, lahat ng mga ine-export natin, may mabebentahan tayo. Kung tumigil iyan, kasi pakiramdam nila mahirap na sila, kanino natin ibebenta ito ngayon? Iyon yung second wave - the economies themselves will stop ordering. And there will be a dive to the bottom, pababaan ng presyo, pahabaan ng pisi. Kung mahal ang cost of power dito, kung hindi productive, hindi tayo makaka-dive. Siyempre, mananalo diyan, China, low-cost countries, etc.

Q: Paano yung third wave?

MAR: Pinapanood ko sa internet, may nagsasabi sa Singapore, 'Paano kami magbabayad ng katulong, e wala rin kaming trabaho?' Iyon ang halimbawa ng third wave, ang ating mga OFW na nagpapauwi ng $16 billion bawat taon. Ayaw ko na nagpa-panic mongering tayo. Sinasabi natin ito kasi nakikita natin yung bagyo parating. At magiging katangahan na ito, kapag hindi pa tayo naghanda, na nakikita natin yung bagyo, malakas ang ihip ng hangin, mataas na tubig. Parating na iyan, at kung hindi pa tayo naghanda, kung patuloy pa tayo, business as usual, kung naniwala tayo sa propaganda na 'everything is okay,' tayo rin ang magiging kawawa.

Para sa mga government executives, naiintindihan ko na kikailangan ninyong kalmahin ang ating mga kababayan. Tama po iyan, dapat naman talaga, huwag tayong mag-panic at kalmado tayo. Pero hindi ibig sabihin na maniniwala tayo sa propaganda natin. Dapat paghandaan natin ito, repasuhin natin ang budget, P1.4 trillion na paggagastos ito, na kung ilagay lang ito sa pangkaraniwan, sa dating gawi, ay wala naman tayong mapapala rito. Tayo rin ang magiging kawawa sa ating kakulangan.

News Latest News Feed