Press Release
November 17, 2008

Transcript of interview in ANC With Senator Manny Villar

Q: What prompted your decision to resign?

Villar: May number na. Kami naman sa Senado ganyan. Kapag wala na sa iyo ang suporta ng majority, then you have to resign. Mas maganda iyan. Binabati ko naman ang ating bagong Senate president ngayon. He is a very qualified Senate president, si Senator Enrile. At this point, he has the support of the majority. Ganyan talaga dito sa Senado.

Q: Do you understand why your former supporters have withdrawn support?

Villar: Sa amin dito sa Senado iba-iba namang reasons iyan. Meron sa presidential election pero iba-iba na iyan at iginagalang ko iyan. Ako naman I have always respected the view of my colleagues. Iba-iba na ang pananaw ng bawat isa at iyan naman ay iginagalang ko. Ako naman ay nagsisilbi lamang sa kagustuhan ng mayorya ng mga senador. Anytime na wala na sa akin iyan, hindi naman tayo talaga kakapit diyan sa puwesto na iyan. Itutuloy ko pa rin ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng Senado. Naniniwala naman ako na iyan pa rin ang maging posisyon ng Senado sa mga darating na panahon, ang maging malaya.

Q: We are aware that a lot of horse-trading takes place when this sort of decision is made. Are you aware what chairmanships are going to who?

Villar: Hindi na iyan mahalaga. Minority ako, hindi naman ako masyadong mahilig sa committee. Itutuloy ko na lamang ang pagsisilbi sa ating mga kababayan. Marami pa naman tayong problema sa OFWs. Ngayon mas libre na ako na maka-participate sa mga diskusyon.

Q: Are you saying if you are offered chairmanship, you will not accept it?

Villar: I cannot say absolutely pero hindi siguro dahil miyembro na ako ng minority. Bilang miyembro ng minorya, naiintindihan ko hindi naman dapat na ikaw ang humihingi ng committee. Sa akin, kung ano ang mapagkasunduan ng mga kasamahan namin sa minority at malamang na maging floor leader namin ay si Nene Pimentel pa rin. Siya na lang ang hihingan ko ng payo dito.

Q: Could you comment sir, Sen. Alan Cayetano earlier said that your ouster might have been due to the ongoing committee hearings on Jocjoc Bolante, dela Paz?

Villar: Mahirap mag-espekula diyan. Sa tingin ko iiwan ko na iyan sa taong-bayan. Iiwanan ko na iyan sa inyo rin. Palagay ko naman bawat isa naman sa atin na nakikinig ay may opinion sa bagay na ito. Ayokong lagyan ng ganyan iyan. Pero ang sa akin, anytime na merong isang senador na nakakuha ng mayorya, siya na ang bagong Senate president. Kung anuman ang iniisip ng aking mga kasamahan, iginagalang ko iyan.

Q: These ouster moves have been going on for quite some time. Can you tell what eventually turned it in Sen. Enrile's favor?

Villar: To be fair with Sen. Enrile, hindi naman talaga siya ang nagmu-move dito. Ayoko na lang sigurong mag-comment diyan. Talagang dito sa Senado, kanya-kanyang paniniwala iyan. Each one has his own reason for deciding either way. Hindi ko nais ispekulahin kung ano ang naging kadahilanan ng bawat isa, kung sino ang sinusunod nila kung meron silang sinusunod. Ayokong mag-espekula ng ganoon. Ang naiintindihan ko lamang kung merong mga nangyayari ngayon sa Senado at bahala na ang tao diyan.

Q: Can you describe exactly when you decided that you would resign and what prompted the decision?

Villar: Ang desisyon ng pagre-resign kapag merong 13 na, iyan naman ang dapat gawin ng isang lider. The moment na wala ka nang suporta ng mayorya ng iyong mga kasamahan, dapat na mag-resign ka na.

Q: Was this something that confronted you just a few minutes before you actually resigned?

Villar: Yes, kanina ko lang naman nalaman. Pero sa akin, medyo nauunawaan ko na rin naman. Alam ko sa aking isipan ang kadahilanan ng bawat isa sa kanilang desisyon na iyan. Kami naman sa Senado ay mga matured naman ang mga kasama ko diyan at nagkakaintindihan kami lahat diyan. Ito ang mga prinsipyo sa Senado. Iyon ang aking ipinaglalaban noon pa at iyan din ang aking susundin.

Q: Do you think you will attempt to talk to any of these erstwhile supporters of yours to find out exactly what was in it for them?

Villar: Alam naman namin iyan. Normally naman nagkikita kami araw-araw. Iyan naman ay inevitable dahil sa konti lang kami so everyday we see each other. It is inevitable to talk about kung ano ang gagawin namin. Minority member na ko kaya ganyan na lang. Kami naman sa minority ngayon ang mag-iisip ng gagawin namin. That's life. Talagang ganyan ang buhay dito sa Senado.

Q: Are you disappointed at all, sir? Do you have any regrets?

Villar: Wala. Okey na okey ako dito. No feelings of regrets, talagang okey lang iyan. To me, ito ang game talaga sa Senado. Nagkataon na iyan ang lumilitaw. Iginagalang natin iyan. Iyan naman talaga ang ipinaglalaban ko noon pa. Naniniwala naman ako na ang bagong liderato ay kaya namang ipaglaban ang kalayaan ng Senado.

Q: Could you comment, this has something to do with your presidential bid and this is meant to scuttle your campaign?

Villar: Nagkataon naman na biglang nagta-top tayo sa survey ay nangyari ito. Pero as I said earlier, hayaan na lang natin. Ayoko namang pangunahan ang mga kasamahan natin. Maski na nasa kabilang partido ako, mananatili pa rin ang pag-galang ko sa kanila.

Q: Do you think this will have an adverse impact on your presidential bid?

Villar: Sa tingin ko naman wala dahil ngayon magkakaroon na ako ng oras. Talaga namang malaking trabaho rin itong pagiging pangulo ng Senado at hindi ka masyadong makapagsalita dahil sa bumabalanse ka. At least now I can say I am free at mas maluwag ang galaw ko ngayon. Marami na akong puwedeng gawin na hindi ko magawa noong ako ay pangulo ng Senado kaya in a way, I feel relieved din. Right now, I feel I'm free kaya hindi naman ako malungkot ngayon.

Q: Are you saying if anything, it might have actually strengthened your presidential chances?

Villar: Sa tingin ko nga baka mas gumanda pa. Mabuti na rin naman iyan para maipakita na rin natin na ang chances natin ay hindi naman nagde-depend sa pagka-pangulo ng Senado.

Q: What are you going to do now?

Villar: Napakaraming trabaho pero ngayon uuwi na ako. Siyempre makikipagkwentuhan muna ako sa misis ko at sa mga anak ko.

News Latest News Feed