Press Release
November 24, 2008

Transcript of interview with Sen. Manny Villar

Q: On SWS survey showing him with the highest satisfaction ratings

Villar: Siyempre naliligayahan tayo at tayo ang nakakuha ng pinakamataas na ratings. Siyempre kapag ikaw ay nanunungkulan at nakakakuha ka ng magandang rating, nakakatuwa iyan at lalo mong iniisip na pagbutihin para lalong makapaglingkod sa bayan. Lalo ngayon marami tayong problema, mahalaga na ang ginagawa natin ay nakikita ng mga mamamayan para sa kanilang kapakanan.

Q: Do you think this is a vindication?

Villar: Ang sa akin kasi alam ko naman na noong tumaas ang ratings na iyan, maraming nag-init pero okay na rin sa akin iyon. As I said, hindi ko kinekwestyon ang anumang kadahilanan kung bakit ang iba nating kasamahan ay bumoto laban sa akin.Sa akin wala na iyon, kinalimutan ko nang lahat iyon.

Q: Nag-init ba o nainggit?

Villar: Ang sa akin, kanya-kanya na iyan na mga kadahilanan, may naiinggit merong nainis, iba-iba. Sa akin ay okey lamang iyan basta ang importante dito kung wala ka nang suporta ng mayorya, ikaw ay mag-resign na.

Q: Sabi ng mga senators dahil daw sa advertisements ninyo kaya tumaas ang ratings ninyo?

Villar: Sa palagay ko hindi naman din. Alam mo sinasabi nga nila iyan subalit ang totoo, halos lahat naman naga-advertise, lahat ng presidentiables. Ang sa akin naman ay hindi talaga advertisement. Gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan ang kahalagan ng mga OFWs. Mahalaga na sila ay matulungan nating lahat.

Q: Naaprubahan na ang chairmanship sa standing committees...

Villar: Okey naman iyon. Kami naman ay fiscalizer at kami ay nakahandang mag-fiscalize. Wala kaming problema diyan. Kung iyon naman ang gusto ng mayorya, karapatan nila iyan. I've always respected the rights of the majority kaya nga lang syempre, nire-reserve namin ang right na magkaroon ng ilang katanungan later on. Masyadong maaga pa kasi para magbigay kami ng komenta sa mga chairmanship sa ngayon. Sa mga darating na panahon, kami ay magkokomenta. Ang oposisyon sa Senado, ang minority, konti lamang kami pero matatag ito at kami ay nakahanda naman.

Q: Ano ang plano ng minorya sa cha-cha?

Villar: Io-oppose namin iyan. Kami naman ay buo rito. Sabi ko nga, sa ngayon, mahalaga na tumingin tayo sa labas ng Senado. Huwag nating tingnan ang Senado lamang. Merong nangyayari sa ating bayan, lahat ay dapat bantayan natin. Huwag nating isipin na ang mga pangyayaring ito ay sa Senado lamang. Iyong posibleng mangyari sa bansa ay mga bagay na maaaring maapektuhan tayong lahat sa mga darating na panahon kapag hindi tayo alisto.

Q: Mero ba kayong question sa pag-chair ng ethics committee ni Sen. Lacson?

Villar: Wala muna akong kine-kwestyon ngayon. Ire-reserve ko ang right na iyan. Sa darating na panahon, kokomentahan ko ang lahat ng mga appointments.

Q: Hindi ba sell out ito?

Villar: Iiwanan ko iyan sa mga mamamayan natin kung sell out iyan sapagkat nakikita naman nila ang mga nangyayari sa kapaligiran. Nakikita n'yo naman ang nangyayari at makikita n'yo pa sa mga darating na panahon ang tunay na kadahilanan kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa Senado.

News Latest News Feed