Press Release
January 9, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' press briefing with Senate reporters

On 2010 elections:

Q: Some propose a convention to come up with a common opposition candidate.

MAR: I'm the President of the Liberal Party. We in the Liberal Party have our processes. We are always looking for like-minded political forces, so that we can advance our agenda of reform, accountability and anti-graft and -corruption. Having said that, I don't think the next election will be opposition-administration, but "saan natin dadalhin ang ating bansa?"

Yung usapan ngayon, sa coalition, sa pagsasama, parang barkadahan e. Ang pagsasama ay dapat batay sa programa de gobyerno. Hindi barkadahan ito, hindi ito admin-oppo. Ang kinakailangan mangyari, at ang inaasahan ng ating kababayan ay, "ano ba ang plano mo?"

Q: So there's no need to unite the opposition?

MAR: What will we unite around? Ang babaw naman n'on. I will unite on an issue basis. There are some opposition that may be closet pro-Cha-Cha. Kung Cha-Cha man, pabor kami sa convention, halal ng tao. Ang iba, ayaw ng Cha-Cha kahit sa anong pamamaraan. I am in favor of tax rebate. Mas gusto ko tao ang gumastos sa pera nila. Kung maipakita ng gobyerno na mas mainam silang gumastos, okey. Pero maliban doon, mas mabuti na ang pera ay maiwan sa tao.

There will be coalitions. It's impossible that there won't be coalitions, but I want these to revolve around principle, around program of government, around directions of what we will do, rather than, "Kay Gloria sila, tayo hindi." Look at what happened in our political history. The first Cory cabinet, and the first Cory period, magulong-magulo. The only thing they had in common was they were all anti-Marcos. Fast-forward, even with Gloria. What kind of principle is that na, itataya natin ang kinabukasan ng bansa natin on the principle na, "tayo-tayo," or "The enemy of my enemy is my friend."

I reject that machinery politics will determine the presidency. Malaki ang tiwala ko sa ating kababayan na pipili sila batay sa isang programa kung saan dadalhin ang ating bansa.

Q: A lot of Filipinos just want the opposition to unite.

MAR: Pero gusto nila, kung nagsama-sama man, hindi lang batay sa parang Ateneo-La Salle, o UST-FEU. Platform-based dapat.

Q: But is it possible for the opposition to field one candidate?

MAR: It's possible. But is it probable?

Q: Is it possible that you would support Manny Villar?

MAR: Depende sa programa de gobyerno. Is it possible na suportahan niya ako? Posible na suportahan namin si Jojo Binay? Lahat posible sa pulitika. Pero kami, makikipag-alyansa, makikipag-coalesce sa kaprinsipyo namin. May mga partido at movement na kausap naman namin.

Lahat naman tayo nagnanais ng isang maunlad na bansa na kung saan bawat isa ay nabibigyan ng pagkakataon para maisakatuparan ang kanilang potensiyal. Gusto nating lahat ng tuwid at tapat na pamamahala. Gusto natin proud tayo sa ating gobyerno. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na makatulong tungo diyan, eh bakit naman hindi?

Feeling ko naman na may tamang oras para sa lahat. At sa ngayon, matindi talaga ang mga problema na hinaharap natin. Itong Paskong ito, hindi ko alam kung napuna ninyo, iba, kakaiba talaga. Hirap na hirap ang ating mga kababayan. At nakikita ko sa aking pagkaunawa sa ating economy, ng bansa natin at ng buong mundo, nakikita ko na lalong hihirap ang sitwasyon natin. Kaya iyan ang mga pinag-iisipan ko ngayon, pinagta-trabahuhan ko.

On the economic situation:

MAR: It's irresponsible for our government to try and fool or propagandize the people into thinking everything will be okay. The only way we can solve our problems is to first accept that we have problems. So for example, for the government to banner the Fitch 'stable' rating, is really meaningless in the context that, if you just take a look at it. January 2008, this very same Fitch, na binabandera ng gobyerno, gave Lehman Brothers an AAA rating. Investment grade. In June, Fitch adjusted its rating to AA, still investment grade. In September, Lehman Brothers filed for bankruptcy. So bakit tayo magtitiwala na everything will be okay, coming from an agency that has been so wrong, not just with Lehman Brothers, but Bear Stearns, AIG, Citibank, etc.

So yes, gusto natin, good, positive, inspirational, pasimula pa lang ng taong ito, pero hindi pwede na base ito sa quicksand, sa panlilinlang. Tanggapin natin na mayroong problema, tanggapin natin na yung exports sector natin, talagang maaapektuhan. Yung tourism, OFWs sa abroad, unti-unting naaapektuhan sa kanilang trabaho. Walang credit sa abroad, so mga OFWs natin sa Amerika, yung dating libreng pera nila, mas lalong mahihirapan sila. Hindi ko sinasabi na bukas ito, kamakalawa, pero ito yung environment na pinapasukan natin sa 2009. Mahalagang-mahalaga na matanggap natin ito para maproteksyunan natin ang sarili natin, ang trabaho rito, yung ating ekonomiya.

Pangalawa, kamakailan lamang, may nabasa ako na mayroong P300-billion package. Saan nanggaling ito? Ano ang nilalaman nito? Sa ibang bansa, kapag nagkaroon ng stimulus package o package to protect the economy, dapat dadaan sa Kongreso, kasi bagong pera. Dito sa atin, lahat ng mga package na inaanunsyo ng Malacañang, mga recycled ito. Parang mga fruitcake na pinapasa-pasa lang sa Pasko. Papalitan lang yung ribbon tapos ipapasa ulit. But this is old money already appropriated.

So unless they are talking about new money, which means they have to go to Congress, rehash lang ito. So this is a cynical, propagandizing effort para maipakita na may sagot sila, when in fact this is old money na nire-repack lang, para kuno may sagot sila sa hamon. Kailangan natin ng sapat at angkop na sagot sa pangangailangan natin ngayon. We have to boost up the domestic economy, kasi yung inaasahan nating pagnenegosyo sa abroad - exports, tourism, foreign direct investments - lahat iyan mababawasan, o mawawala.

How do we boost the domestic economy? One, the most effective, efficient and quickest way will be tax rebate. Kung ang pera ibigay mo sa kay Juan de la Cruz, mamayang hapon gagastusin na niya iyan. Iikot na iyon sa ekonomiya, sa pangangailangan niya. Kung ang pera ay kokolektahin bago lumabas sa ekonomiya, siguro swerte kung tatlo o apat na buwan.

Another way that we can put more money in people's hands, na sila mismo ang magpapaikot ng ekonomiya, is a temporary cutback in the VAT, from 12 to 10 percent. Yung 2% na ito, that's one-sixth, 17% of an estimated P80 billion collected annually. So iikot din iyan sa ekonomiya, immediately.

Q: How will the government spend on social services?

MAR: The most important social service is that the family can pay their tuition. The entire budget is P1.4 trillion. This is only P25 billion, so even assuming ma-adopt ito, there's still P1.375 trillion for social services and salaries.

The last point. The government can announce a temporary deferment of all road right-of-way purchases. Bakit? Ang makikinabang lang sa road right-of-way yung may ari ng lupa, at bago mapakinabangan ito ng tao, dapat mabili muna lahat bago magkaroon ng road project. That money, kung ginamit sa classroom-building program, immediately, pambayad sa karpintero, latero, mason, and in two months, kapag natayo na ang classroom, mapapakinabangan ng mga estudyante.

On the death penalty:

Q: What do you think of the proposal to reimpose the death penalty?

MAR: Ang problema natin wala sa parusa. Ang problema natin nasa apprehension, nasa prosecution atsaka nasa justice system. Kahit sabihin mo pa na death penalty iyan, kahit sabihin mo pa na garrote iyan, o ano-ano iyan, hindi iyan deterrent. Bakit? Kasi hindi naman nahuhuli. O kung mahuli man, merong justice officials na maglalakad para mapawalan ng sala, di ba? Nabibili yung hustisya dito sa atin. So, para sa akin hindi importante yung death penalty. Hindi iyan makakatulong. Ang makakatulong dito sa drugs o sa iba pang problema natin, sa justice system is an effective and efficient judicial system. Kung saan na-a-apprehend, nahuhuli, itong mga kriminal na ito, napro-prosecute sila at nako-convict sila.

Q: Malabong makapasa sa Senate yung proposal na i-reimpose yung death penalty?

MAR: Hindi ko nakakausap ang aking colleagues. Yung sinabi ko, iyan ang posisyon ko. Ang aking estimate sa ating colleagues, hindi sila masyadong sang-ayon na ibabalik itong death penalty. Kasi knee-jerk reaction itong death penalty na ito. Kung i-a-analyze natin ang nangyari sa PDEA, hindi naman yung kahinaan o yung kawalan ng parusa eh. Ang nangyari rito, nagkaroon ng buy bust operation, nahuli, ipo-prosecute pero nilakad ang papeles para mapawalan ng sala. Iyon ang problema natin. Hindi na nakadating doon sa conviction eh. So kahit death penalty pa iyan, o kahit na anong parusa iyan, hindi na nakarating doon eh. So ang problema natin talaga is in law enforcement, apprehension, prosecution, conviction.

Q: So what drastic efforts can be done in our justice system?

MAR: First of all, drastic reforms to suspend or fire out everybody involved, example in this PDEA situation. Kahiya-hiya iyan. Bakit ang stationary ng Department of Justice ay nasa kamay ng mga pribado? Kataka-taka iyan.

Q: Who in particular should be fired out or suspended?

MAR: I am not particular with the names. I am just saying that if you are the administrator, for example, if you're the secretary of Justice, he can say, 'Everybody who has been involved here, huwag muna kayo, preventive suspension muna kayo.'

On the 'euro generals.'

MAR: Halimbawa, nagkaroon tayo ng investigation in aid of legislation dito sa Euro Generals. Hanggang ngayon wala pa ring kasong finafile ang Ombudsman, ang PNP o ang Napolcom laban dito sa mga gumawa ng anomalyang ito. So, nagiging zarzuela lang ito eh. Ang punto dito is, walk the talk. Mag-file kayo ng kaso. Merceditas, walk the talk.

Natanggalan tayo ng tulong mula sa Millennium Challenge Corp. dahil sa korapsyon. Itong pera na ito supposed to be anti-corruption ito. Binawi nila ang ating accreditation. Bakit? Kung magpadala daw sila ng pera dito sa atin napupunta lang sa korapsyon. Kahiya-hiya ito. So whether it's the Department of Justice, it's the Ombudsman, it's the President, dapat aksyunan ito. Ang nagiging takbuhan ang media, ang Senado, ang Kongreso dahil hindi ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya ang kanilang trabaho. Ang kakulangan dito, ang kapalpakan dito, ang kawalan ng delivery dito, ay ang mga ahensiyang ito na hindi ginagawa ang kanilang pangunahing trabaho, responsibilidad at obligasyon.

News Latest News Feed