Press Release
January 26, 2009

Transcript of interview (excerpts) with Sen. Pia S. Cayetano
DZBB, 'Imbestigador' with Mr. Mike Enriquez

Topic: Senate labor committee inquiry on deaths at the Hanjin shipyard, Subic

Sen. Pia S. Cayetano (SPSC): Noong nag-hearing kami sa Subic (Note: April, 2008, on environmental regulations in relation to the construction of two condominium buildings by Hanjin at the Subic rainforest), may mga namamatay nang mga workers. In fact, kinausap ako ng asosasyon ng mga manggagawa noon. Pero hindi ako ang labor chair kaya sabi ko, ipapaalam ko. After ng hearing, sunud-sunod pa rin ang mga namamatay kaya ako nag-file ng resolution para isalang sa committee on labor, about all these deaths. Then after that, lumabas ang isa pang problema sa Subic, involving Koreans also, tungkol naman sa casino kung saan may mga inilabas na concerns si Architect (Felino) Palafox na hindi rin nasusunod ang environmental concerns.

Ang akin lang naman, there are a lot of concerns now on the violations of various laws, environmental and labor laws. Itong mga resolutions na ito, nakasalang na sa kanilang respective committees sa Senate. And then, nakatanggap ako ng sulat, naka- copy furnish ako, this was addressed to the Senate President. Sulat ito galling sa ambassador of Korea, kung saan basically sinabi niya, and I quote, "the tremendous political influence of the senate means that its actions may have fatal effect to the existence of an actor in the private sector."

Mike Enriquez (ME): Fatal? Ang ginamit na salita fatal? Nakamamatay?

SPSC: Nakakamatay daw ang investigation ng Senate. "The possibility that the HHIC Philippines�" ito pong yung Hanjin, "may be an object of a Senate inquiry could generate substantial and negative repercussions." So ang tanong ko nang magbigay ako ng privilege speech, I posted the question: Should we now be dictated by a representative of a foreign country as to what we should and should not investigate? Kasi mula ng maging senador ako, ang pagkakaalam ko trabaho namin ang mag-imbestiga kung ano man ang anomalya in aid of legislation.

ME: Senadora, alam naman natin na ang mga Koreano, isa po iyan sa mga bansa na maraming negosyo ang tinatayo dito, maraming puhunan ang pianapasok dito sa lipunan, na in turn, ay nakakalikha ng maraming trabaho na kailangan na kailanagan ng mga kababayan natin lalo na ngayon na nagkakatanggalan kung saan-saan. Nagsisiuwi ang mga OFW dahil nasisibak sila sa trabaho, yan naman ang kailangan timbangin, paano ba iyan?

SPSC: I totally agree with you. In fact sa privilege speech ko, sinabi ko I have nothing against foreign investments and nothing against Koreans per se. In fact masaya ako na meron tayong investments in the country. But I believe that it's the government's responsibility to create an atmosphere that encourages business investments, but at the same time enforce strict compliance with our laws, both on Filipinos and foreigners. Tama po bang sabihin natin na masaya tayo dahil may mga trabahong pumapasok, pero sa bawat isandaang trabahador na pumapasok, dalawa d'yan mamamatay? Acceptable ba iyon? Hindi. It's the government's obligation to set that standard. Eto ang mga standards natin, siguraduhin n'yo na wala sa panganib ang mga manggagawa namin. Pwede namang mangyari yon. Kasi in other countries hindi sila makakalusot. Bakit dito papayagan natin na we look the other way?

ME: Sa ibang bansa, welcome mamuhunan ang mga dayuhan pero kailangan susunod sila sa alituntunin, pero kailangan susunod sila sa batas. Kung ayaw ninyo, umalis kayo.

SPSC: Ang sa akin naman, this is a mutual win-win solution. Kung ayaw ba naman dito ng Koreans, dadalhin ba nila yung mga kamag-anak nila dito? Magpapatayo ba sila ng mga community dito? They obviously like the working environment in this country. And we welcome them, pero kailangan sumunod tayo pare-pareho sa batas. Hindi ko sinasabing istrikto ang standard sa kanila at maluwag sa iba. Pantay-pantay lang po.

ME: Ano na ba ang status nitong panukala na magsagawa ng imbestigasyon sa kompanyang Koreano, partikular sa Hanjin sa Subic?

SPSC: Ito pong sa labor issue, naka-set na ito sa committee on labor, on Wednesday, 1 pm. (Note: The public hearing has reportedly been postponed to Feb.4, according to the committee secretariat.) Sa environment issue, nagpasabi ang bagong chairman ng committee na pinag-aaralan pa niya kung magkaka-hearing.

Ang concern ko rin, mabalik tayo sa environment, nung nag-express ng hesitation ang bagong chairman ng committee on environment dahil concerned siya na baka political issue lang ito, sabi ko, bakit hindi kayo magpadala ng representative to look kung talagang may endangered species diyan or may matatanda nang puno? Kasi kung mangyayari sa atin ay gaya ng nangyari doon sa dalawang condominium ng Hanjin, naitayo na bago masilip ang violation, and so we will live with those condominium forever. Let's just say na ang magiging desisyon ay dapat pala hindi ito naitayo, wala na tayong magagawa dahil 12 storeys high na yung isa, 19 storeys naman yung isa. Ipagigiba mo pa ba iyon? Iyon ang gusto kong maiwasan doon sa bagong casino project na itinatayo sa Subic. Pwede bang silipin muna natin? Ano ba naman yung isang araw para imbestigahan, bago natin sabihin na walang kaso.

News Latest News Feed