Press Release
January 26, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' interview in Unang Hirit
with Arnold Clavio

On the Pre-need code

Q: Sakaling magkakaroon ng imbestigayon ng Senado, saan ito sesentro?

MAR: Titingnan natin ito kung may problema ba o wala. E papaano tayo hahakbang kung hindi natin alam kung may problema nga? Pero ang mahalaga dito, mukhang nagpabaya ang SEC. Matagal na ang problema na ito. Kung maaalala natin noong mga nakaraang panahon, yung CAP nagkaproblema. Tapos yung iba pang Pre-need companies nagkaproblema, nagsara. Ngayon yung Legacy nagsara na rin. Pero hanggang sa ngayon ay wala pang hakbang, wala pang hinabla, wala pang kinulong itong SEC na ito dahil dito sa masasamang practice nitong mga kumpanyang ito.

Q: Ibig sabihin laging naiiwan sa pansitan itong mga pre-need plan holder?

MAR: Tama. Kawawang-kawawa itong mga nagtabi ng pera para sa edukasyon ng kanilang mga anak, pero hindi naman pala ligtas. E ang ahensya na supposed to be na nagbabantay dapat ditto e itong SEC. Yung naiiwan sa pansitan ay yung SEC mismo dahil matagal na itong masasamang practice na ito. Matagal nang isinusugal ng mga kumpanyang ito ang pera ng planholder, pero hanggang sa ngayon, wala pa ring kinakasuhan itong SEC na ito.

Q: Sinabi ni Atty. Vasquez na hindi sila humihingi ng bailout?

MAR: Well, maganda yan, dahil ibig sabihin hindi nangangailangan ng dagdag na pera. Pero ito ang dapat alamin ng SEC--ano ba talaga? E kung ako, isang magulang na nagtabi ng pera--isang taon akong nagtabi ng pera para sa edukasyon ng aking anak--makita ko itong balitang ito, aba'y ninerbyosin ako, hindi ba? E hindi naman nagsasalita ang SEC.

Palagay ko, tanggalin na natin sa kamay ng SEC ito. Wala namang ginagawa ang SEC dito. Gumawa kaagad ng isang task force ang Department of Finance. Ito naman talaga ang sumusubaybay sa SEC at alamin talaga ano bang problema nito. Kasi ang sabi ng Department of Finance hindi tayo apektado nitong global financial crisis.

At itong mga pre-need companies supposed to be hindi nag-iinvest diyan sa mga toxic assets diyan sa international. So paano silang maaapektuhan? So mahalagang alamin natin ang kabuuan nito nang sa gayon ay makabuo tayo ng tamang sagot.

Q: August last year sila sumulat pero ngayon lang lumabas ang dokumento. Between August and ngayon, ano bang ginagawa ng SEC? Sapat po ba ang kapangyarihan ng SEC para proteksyunan ang ating mga holders?

MAR: May sapat na kapangyarihan ang SEC pero katulad ng ibang gawain ng gobyernong ito, ayaw nilang gamitin itong mga tools, itong mga regulasyon na nasa kamay na nila.

Iyan ang nakikita natin dito sa administrasyon ni Gloria. Na kung saan meron naman silang mga kapangyarihan, meron naman silang mga batas o reglamento pero ayaw lang nilang gamitin dahil siguro takot sila sa mga lobbyists, siguro takot sila sa mga negosyante, siguro takot sila na pairalin ang tama. At ang naiiwan, ang mga kawawa, ang mga inosenteng planholder at ibang kababayan natin.

Q: Kelan nakatakda ang inyong hearing?

MAR: This week or next week.

News Latest News Feed