Press Release
February 10, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW AFTER THE HEARING PRE-NEED INDUSTRY HEARING OF THE SENATE TRADE
AND COMMERCE COMMITTEE

MAR: Agrabyado talaga rito ang ating mga kababayan, lalong-lalo na ang mga magulang na nagnanais na ma-secure ang mga edukasyon ng kanilang mga anak. Nakita natin dito na lantaran, mas napaboran ang mga interes ng mga kumpanya, ang interes ng mga katulad ni Delos Angeles kesa sa interes ng mga planholders o mga depositors.

Ang ating mga ahensiya ay sobrang hina, masasabi na criminally negligent sa pagbabantay, sa pagganap ng kanilang mga tungkulin bilang bantay ditto sa pera ng ating mga kababayan. Ilan taon nang nakalipas na alam ng Bangko Sentral, alam ng SEC, ng PDIC, Office of the Insurance Commission, ibig sabihin lahat ng mga nagre-regulate sa financial system, alam nila sa kanilang regular na pagpupulong, na may trobol talaga itong Legacy group na ito. Samantala, ilang taon ang nakalipas, pinabayaan nila na magpatuloy sa pagnenegosyo.

Ilang deposito kaya ang sana nailigtas kung nalaman ng publiko na natro-trobol na pala ang bangko na ito? Ilang magulang ang hindi na sana nakabili ng mga plano kung alam nilang bulok naman pala talaga itong mga planong ito. Ilan kaya ng ating mga retired school teacher o pulis na sana nailigtas nila ang kanilang retirement at hindi na nila ibinili ito dun sa mga produkto na sobra naman, double your money, triple your money, na mga raket, o parang pyramiding ng produkto na mga ito.

Kawawa ang ating mga kababayan. Nakikita ditto na dapat mas maging masigasig ang implementasyon. Ang mga batas ay nandiyan na. Pero parang takot, hindi agresibo ang pag-implement ng mga regulasyon na ito.

Pangalawa, ditto naman para hindi lalahatin, maganda din na magkakaroon ng date na specific na kung saan mas magiging malinaw sa ating mga kababayan. Malalaman sino at ano sa mga kumpanya na ito sa pre-need ang magpapatuloy sa kanilang pagnenegosyo. Sino sa kanila ang maglalabas ng bagong pera para maging mas matatag 'yung sistemang pinansiyal ng kanilang mga kumpanya. Ito ay sa loob ng 2 or 3 buwan, between the SEC at mga kumpanya, malalaman ito ng ating mga kababayan. Sa ganung paraan ay malaking serbisyo ito para sa kanila.

Pangatlo, nakita natin at nakumpirma ang ating unang nakita sa first hearing na itong Gawain ng Legacy plans ay isang malawak na panlilinlang, isang scheme to defraud the public. Kung ano-anong instrumento ang ginamit, 'yung pre-need, bangko, card, investment plan, iba-ibang mga pangalan ito. Pero ang puno't-dulo nito, amin ang pera mo at pangako ko sayo, lalaki ito, dodoble ito, tri-triple ito. Tapos binalasa ang perang ito, pinaikot sa kanyang sistema, hanggang dumating na lang tayo sa ngayon, nung Disyembre, lumapit si Delos Angeles sa SEC at sinabi na hindi ko na makakayanan ang lahat ng itong suma total na mga pangakong ito.

Bilyon-bilyon ang perang naipit dito. 'Yun ang mga natuklasan natin ditto sa hearing na ito.

Q: Anong plano sa mga properties?

MAR: Ang mga properties na ito ay dapat na ma-sheriff, ma-attach. Kung ayaw ng SEC humakbang, at mukhang ang bigat ng puwet nila, ang bigat ng paa nila, ay binigay ko ang impormasyon sa mga biktima nang sa gayon, sila, bilang interested party, ay makapag-file sa kinauukulang korte na ma-attach itong mga assets na ito. Napakaraming assets na sinabi ni Delos Angeles mapupunuan niya ang kakulangan sa pre-need at sa iba pa. Kaya dapat ang mga perang ito, itong fruits of his enterprise, ay dapat mapunta sa mga pre-need plan holders.

Q: Bukod sa Pryce, meron pang 3 pre-need plans in trouble?

MAR: Nadidinig ko din 'yun pero hindi dapat na sabihin kung wala naman akong pinanghahawakan na pruweba.

Q: Should the SEC announce?

MAR: Para sa akin, information is one of the best tools, 'yung transparency na tinatawag. Kung tinatago ito ng SEC, maaari na mamili pa ng mga bago o kaya magbayad pa 'yun pala na-trobol na 'yan.

Ihalintulad natin ito dun sa gatas na may melamine. Eh alam naman pala ng SEC na may lason na itong gatas na ito, bakit pinapayagan pa nila itong mga kumpanya na ito na magbenta? O di kaya, kung ayaw nilang ibulgar na nasa trobol itong mga kumpanya na ito, eh di temporarily suspended muna sila, huwag muna sila magbenta hanggang ma-clear up ang kakulangan diyan sa inyong trust fund na 'yan. O kaya naman, sa bawat pagbenta ninyo ng inyong trust fund, lakihan ninyo ang nilalagay ninyo sa trust fund. Sa ngayon kasi, sa bawat P100 na bayad ng plan holders, P5 lang ang pumapasok sa trust fund, napakaliit. Eh kung sabihin ng SEC na sige maaari na kayong magpatuloy pero lakihan ninyo ang dapat mapunta sa trust fund para mas mabilis na lumaki ang trust fund. Pwede naming gawin ito ng SEC eh. Ang nakikita natin ay parang wala...hindi naman masabi na katamaran ito, na katangahan ito, na kapabayaan ito. Dahil ang tagal na nilang alam ito. Talagang nangingibabaw dito, pinapaburan dito 'yung interes ng mga kumpanya.

Q: Is it because Delos Angeles is enjoying some protection?

MAR: Maaari. Marami tayong nadidinig na ispekulasyon na malalakas ang backer ni Delos Angeles. Dati-rati ay banned na iyan from the banking system dahil tinakbuhan niya 'yung bangko na dati niyang pag-aari. Tapos nakabalik, paano nangyari 'yan? Hindi ko alam. Tanong ninyo sa Bangko Sentral 'yun.

Pangalawa, matagal ng alam ng mga regulators na marupok o ampaw ang nilalaman ng kanyang financial institutions. Dalawa o tatlong taon ang lumipas hanggang hindi na nga umaksyon ang mga regulators eh. Pinabayaan. Hinantay na mag-close down bago umaksyon ang mga regulator.

Ang puno't dulo nito, kawawa palagi ang publiko. Dapat hindi magpatuloy ito.

Q: Protectors equally liable?

MAR: Absolutely. Lahat naman ito kawing-kawing yan eh. Paano nangyari ito?

By the way, iyong ari-arian ni Mr. Delos Angeles dapat ina-attach na iyan ng SEC, Bangko Sentral, ng PDIC o di kaya ng Department of Justice. Kasi 2 ang isyu ditto. Una, pagbabalik ng pera sa mga planholders, sa mga depositors. Pero pangalawa, merong krimen ditto eh. "yung defrauding the public. Maaari na lahat ito i-attach ng gobyerno, kung talagang pursigido ang gobyerno na hintuin itong panlolokong ito sa pera ng taumbayan, maaari nilang gawin ito. Walang hadlang. Ang tanong ngayon, gagawin ba ito ng gobyerno o hindi?

Q: 'Yung backer, mataas na public official?

MAR: mataas iyan. Anong klaseng backer kung mababa iyan, di ba?

Q: in the case of pre-need companies about to collapse, anong protection ngayon ng public?

MAR: Dun sa investing public, ang protection nila 'yung 60-day na palugit kung sakaling hindi sila magbayad sa takdang panahon o schedule, meron silang 60 days na palugit. Maaari na bantayan nila ang sitwasyon, subaybayan nila ang sitwasyon para hindi naman matapon ang good money.

Kung hindi nga nagsalita...ang problema sa SEC, ayaw niyang sabihin kung may natro-trobol. Pati 'yung matitibay natro-trobol na din. Matagal na nating sinabi na dapat magbitiw na eh, o magkarun ng revamp sa SEC.

Kawawa ang tao ditto. Dapat maproteksyunan ang mga inosenteng savers, mga inosenteng nagnais lamang na masiguro ang kanilang kinabukasan. Nakikita natin na may may sabwatan, either by omission or commission, at ang interes ng taumbayan ang siyang nakakalimutan.

Q: Kailangan ba talagang habulin itong mga assets na ito?

MAR: Oo, lalo na inamin niya kanina na yung mga kotse, kanya pa rin, na 'yung bahay sa Cebu sa kanya pa rin, na 'yung yate sa kanya pa rin. Sinabi nga niya Sto. Domingo, kung saan nakaparada 'yung barko na 'yun. 'Yun lang ang nakarating sa kaalaman ko.

Q: Magkano 'yung mga assets? Way short of what Delos Angeles needs?

MAR: So far, it's about a P100 million. Ang laman ng trust fund, P300 million, sabi nila, hindi natin alam 'yan. Eh dun naman sa pre-need plan, sa pre-need lang, hindi kasama ang bangko, higit na P1 billion ang liability eh.

Q: May lumalabas linking Delos Angeles to Vice President Noli de Castro?

MAR: Tatanungin natin sa susunod.

Dito ngayon makikita ninyo ang kahayupan ng plano. Dahil tingnan ninyo, sino ang magbabayad nitong lahat? Taxpayer. Bakit? Higit sa P10 billion, more than P10 billion manggagaling sa savings ng lahat na ibinabayad natin sa PDIC. In other words...niratsada nila ang pera ng banking system. Nilagay sa kung ano-ano, tapos nung tapos na, kumbaga sa musical chairs, tapos na 'yung musika, nakuha na nila ang gusto nila, surrender, sino magbabayad? PDIC. Ito ngayon ang kahayupan nitong lahat. 'Yung kita nasa kanila, 'yung good time nasa kanila. Anuman ang ganasiya nasa kanila. Pero ngayon na na-trobol na, tayo, taumbayang bayan, mga ordinaryong depositors ang siyang magbabayad kasi PDIC ang magbabayad ng lahat nitong mga nagdeposito sa bangkong ito. Ang pera ng PDIC, galing sa lahat ng depositor sa buong Pilipinas. Talagang super scam ito. Ang laking pera. Ang gaps sa regulation, ang kahinaan ng mga regulators, 'yung kawalang interes ng mga regulators na maging masigasig, lahat ito ginamit. They used credit card, pre-need, banking system, they used investor securities lahat ito ginamit, kinonek lahat ito para halos bilyon, palagay ko P20 billion ang suma total ng lahat na ito.

News Latest News Feed