Press Release
February 11, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' ambush interview before the Senate session

On the appointment of a Special Prosecutor

MAR: Kinakailangan nating magkaroon ng special prosecutor na indepenyente mula sa administrasyon. Dahil higit na nakararami sa mga anomalya ay ginagawa ng administrasyon mismo. Ano ang tiwala natin na ang mga kawani, ang mga kasama ng administrasyon ay mag-iimbestiga sa kapwa nila ka-administrasyon? Nakita natin ito sa Ombudsman na hindi naman inaaksyunan ang mga bagay na ito, itong mga nakikitang anomalya, itong mga nakikitang pagnanakaw sa pera ng taumbayan. Kailangan sundin natin ang halimbawa sa ibang bansa. Meron silang special prosecutor, independiyente, merong sariling budget, may subpoena powers, may kapangyarihan na magpatawag, magpa-subpoena ng mga dokumento at mga tao nang sa ganun ay malaman ang buong katot0hanan dito sa mga anomalyang ito. Sa Amerika ginawa ito para kay Clinton at dun pa sa ibang opisyal. Nakikita ko dito sa atin, para mahinto ang pagnanakaw sa pera ng tao, ay dapat gawin din natin.

Q: May chance ba ito under the present political set-up?

MAR: Well, mahirap ito pero kelangang isulong natin ito dahil nagnanais tayo na magkaroon ng tapat at tuwid na pagserbisyo dito. San ka nakakita na dito mismo sa session hall ng Senado inamin ng isang heneral na siya ay nagkamali? Na siya mismo walang otorisasyon kinuha niya 'yung P10 milyon. Nagsinungaling siya mismo sa kanyang Customs form at inilabas niya ito. Hanggang sa ngayon wala pa ring kaso. San ka nakakita na ang fertilizer scam, na ang COA na mismo ang nagsasabi over-priced, ghost delivery, diluted, at mali 'yung binili. Hanggang sa ngayon wala pang kaso. Kaya hindi natin maaasahan na ang mga ahensiya, lalo na ang Ombudsman at Department of Justice na supposed to be sila ang nagbabantay ng kapakanan ng taong bayan ay gagawin nila ang kanilang trabaho. Kinakailangan magkaroon tayo ng special prosecutor. Gawin man ito, suportahan man ito ng administrasyon o hadlangan, isusulong natin ito kasi ito ang kailangan ng ating bansa.

Q: Paano po ang pag-appoint?

MAR: Maaaring ihalintulad natin ito sa Judicial and Bar Council na kung saan 'yung legal profession mismo ang pumipili at nagre-rekomenda kung sino ang magiging mga Associate Justice. Ang pinakamahalagang katangian nito ay independiyente. Nang sa ganun ay makasiguro tayo na ang buong katotohanan ay lalabas.

Q: Ano ang pinagkaiba sa posisyon ngayon ni Dennis Villa-Ignacio ngayon?

MAR: Ang office ni Villa-Ignacio ay sinusubaybayan ng Ombudsman. Pero kung 'yung Ombudsman hindi naman nito gagawin ang kanyang trabaho, eh wala ring mangyayari. Ilang kaso na ba dapat ang fina-file na nitong Ombudsman na ito? Eh hanggang ngayon wala pa din eh.

Malinaw na malinaw na ang Ombudsman, Department of Justice, at iba pa, ay pinagtatakpan lang nila itong mga anomalya na ginagawa ng mga kasama nila sa administrasyon.

Q: Ginaya ito sa US? 'Yung bill kontra sa immunity na privilege ng pangulo?

MAR: Oo, ginaya sa US. Hindi naman ang pangulo ang target dito. May immunity pa din. Ang importante dito na 'yung mga gumawa nitong mga anomalyang ito ay ma-file-an ng kaso at makalaboso.

Walong taon na itong administrasyon ni GMA. Hanggang sa ngayon wala pang nakakalaboso, wala pang na-fa-file-an ng kaso. In fact, napapawalang-sala. Eh palpak ang laro ng Ombudsman. Nag-file sila ng kaso na merong kahinaan. Napaka-basic na pagkakamali ang ipinasok nila dun para ma-dismiss eh di tapos na 'yung kaso.

Q: Meron ng Special Prosecutor. Kailangan tanggalin na ba ito sa Ombudsman?

MAR: Maaari na nandiyan pa ang Ombudsman pero magagamit ito bilang pandagdag na bantay sa pera ng tao.

On warrant of arrest against Jimmy Paule

Q: Nag-sign po ba kayo dun sa warrant of arrest? Bakit three days lang?

MAR: Pumirma ako. Pinauubaya natin sa wisdom ng chairman kung ano ang karapat-dapat.

Q: Pwede na siyang palabasin in three days?

MAR: Hindi. Pakakawalan lang siya after he purges himself of the contempt.

On Stanley report of 3.3% GDP growth?

MAR: Ang nakikita natin ramdam ang kahirapan, ramdam ang kagutuman, at libo-libo ng ating mga kababayan ay nawawalan ng trabaho. Ito ang kailangan nating bantayan at inaaksyunan ng g0byerno. Ang nakikita lang natin sa gobyerno ay itong propaganda, photo op, walang malinaw na hakbang para matulungan ang ating mga kababayan.

News Latest News Feed