Press Release
February 16, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW
AFTER THE KAPIHAN SA MANILA HOTEL FORUM

On the NIA anomaly

Q: What can you say about the NIA equipment acquisition anomaly?

MAR: Isa na namang halimbawa ito ng katiwalian, ng anomalya na laganap dito sa administrasyong ito. Lahat nitong mga bidding na ito ay may kasamang anomalya na kung saan overpriced at mas pinili ang mas mahal kesa dun sa mura. Eh bakit pa tayo nagbi-bidding kung ang pipiliin naman, kung mamane-obra-hen naman ang mga patakaran para makabili ang gobyerno ng mas mahal? Sobrang laki ang nawala ditto sa atin. At ito'y halimbawa na naman ng katiwalian na laganap dito sa administrasyon.

Q: Ano po ang gagawin ng Senado dito?

MAR: Ito po ay papa-imbestigahan natin nang sa ganun malaman kung ano talaga ang nangyari dito. Utang ito ng ating gobyerno at babayaran natin ito. Bakit binili ang mas mahal na equipment? Bakit pinili 'yung mas mahal kung ikumpara doon sa pangkaraniwan?

Sa ngayon, ang isang tao maaaring pumasok sa kahit anong sales office at mamili nitong mga equipment na ito na mas mura kesa doon sa ibinayad ng gobyerno. Saan ka nakakita na mas mahal ang maramihan kesa sa tingi? Talagang mabaho itong transaksyon na ito at hahalungkatin natin ito.

Q: Anong mga equipment ito?

MAR: Mga earth-moving equipment, mga bulldozers...mga earth-moving equipments na ginagamit sa pagpapa-ayos ng irigasyon.

Ngayong umaga lang ay nakita natin na mababa ang produksyon ng palay at bigas sa ating bansa. Paano natin mapapakain ng maayos ang sarili natin eh isa mga kailangan dito ay ang irigasyon? Subalit kung gagamitin naman ay iyong mga overpriced, iyong mga hindi naman dapat, kawawa naman tayo. Tayo na naman ang magbabayad nito. Babayaran natin, una, 'yung ibinili nitong mga equipment na ito. Pangalawa, magbabayad muli tayo sa matataas na presyo ng bigas. Tayo palagi, ang pangkaraniwan na tao palagi ang kawawa sa mga anomalyang nakikita natin sa administrasyong ito.

Q: Magkano iyong involved dito?

MAR: Bilyon eh. Mahigit isang P1 bilyon ang halaga nito, 2 tranches po ito. At makikita na itong binili ng gobyerno, ng National Irrigation Administration ay mas mahal kesa dun sa pangkaraniwang mga equipment

Q: Overpriced po ito?

MAR: Aalamin natin sa administrasyon. At nakikita natin na 'yung number 1 and number 2 na supplier, iyong 2 na pinakapopular na nagbebenta sa pribadong sector ay itinabi, hindi isinama sa qualified bidders. Talagang ginawa ang lahat, inayos, minanipula ang mga patakaran para ma-etsa-puwera 'yung mga lehitimong nasa negosyong ito, para mapaboran ang mga favored na mga kontratista.

Q: This was when?

MAR: A few months ago.

Q: Overpriced ba sir? Magkano?

MAR: Ang aking estimate mga P200 million to P300 million. Malalaman natin sa imbestigasyon. Lahat ito malalaman natin sa imbestigasyon. Makikita natin na 'yung ibinayad ng gobyerno ay mas mahal, na bumili siya ng maramihan, kesa tingi, kesa sa mga lehitimong suppliers na ito.

Q: Sir, 'yung P200 million to P300 million, 'yun ba ang lalabas na tong-pats?

MAR: Opo, pero pero hindi pa iyan ang resulta ng imbestigasyon kaya nga magpapa-imbestiga pa tayo.

Q: Paano na-diskubre?

MAR: Ito po ay nakita natin sa bidding, may mga nag-reklamo, umalingawngaw. Pina-imbestigahan natin. Nagpadala ako ng staff para magtanong kung magkano ba itong mga equipment na ito, 'yung normal lang, 'yung sa mga pribadong kumpanya, 'yung sa mga construction companies, eh nakita ko ang report, mas mura kesa dun sa ibinayad ng gobyerno.

Saan ka nakakita na ang gobyerno ang laki-laki ng perang ginagastos niya para sa mga equipment, mas mahal pa ito kesa sa pangkaraniwan na isahan o dalawahan na galing sa pribadong sector. So iyan ang nagbigay sa akin ng pruweba na dapat buksan ito at imbestigahan.

Q: Hawak na ba ng NIA ang mga equipment?

MAR: Nagsimula na. Na-award na ito.

Q: Kelan na-purchase?

MAR: About a few months ago...

Q: This matter has been brought to the attention of the Ombudsman?

MAR: Hindi pa, ngayon pa lang natutuklasan ito. In fairness, hindi pa ito alam ng Ombudsman. Pero nagpapakita ito na dito sa National Irrigation Administration, ginagawa din nila ang ginagawa din nila ang nangyari sa fertilizer kung saan binibili nila ang mas mahal kesa dun sa pangkaraniwan.

Q: Anong committee ang mag-iimbestiga sa NIA irregularity?

MAR: Ang aking hinihingi ang blue ribbon kasi katiwalian ito. Hindi sa Department of Agriculture or irrigation, incidental lang, Katiwalian ang puno't dulo nito.

Q: Ito kaya ang dahilan ng ating mga rice problems ngayon?

MAR: Umaamin mismo ang ating Department of Agriculture na ang produksyon ng palay sa bansa natin ay nagkukulang. At bagama't nag-e-export sila ng 2 milyon toneladang bigas kukulangin pa rin ito at magta-taas pa rin ang presyo.

Halimbawa na naman ito ng kakulangan ng gobyernong ito. Last year pa natin sinasabi ito na dapat tulungang makabili ng mga fertilizers ang ating mga magsasaka. Yung fertilizer na dati-rati ay P600 per bag ay pumatak na ng mahigit sa P2,000 per bag. Of course, bawas din ang kanilang binili, bawas din ang application ng fertilizer sa taniman nila. So of course, bawas din ang makukuha nila sa kanilang mga anihan. Ang resulta, sa pag-ani, kulang ang palay at bigas na aanihin.

So tayo mismo ang sanhi, ang pinagmulan ng ating sariling problema, ang kahinaan ng Department of Agriculture na makita ang sitwasyong ito. Bagamat nung nakaraang taon pa na sa sobrang mahal ng fertilizer, hindi na kinaya pa ng ating mga magsasaka.

Q: Ano ba ang problema, fertilizer o irrigation?

MAR: The report now is fertilizer but irrigation is part of this. Lahat ito patong-patong para sa kakulangan ng palay at bigas.

On World Bank controversy

Q: Ano na ang decision ng Senate sa WB officials?

MAR: 'Yung committees na sumusubaybay sa World Bank ay economic affairs, public works at blue ribbon. So iyong mga chairmen, among themselves, pwede na nilang pag-usapan 'yan. Kasi dito po sa economic affairs atsaka sa public works, ang posibleng batas na maaaring pag-usapan nila ay iyong sa procurement. Dun naman sa blue ribbon, yung katiwalian mismo ang iniimbestigahan. So iyong tatlong chairmen ay mag-usap-usap para malaman talaga kung anong direksyon ang patutunguhan nito. Tungkol ba ito sa mga katiwalian, sino responsable? O dun sa procurement law o di kaya sa DPWH?

Q: Were you satisfied last hearing?

MAR: Ito'y mga preliminaries, ito'y laying down the ground rules. Sa susunod na mga hearings, maaasahan na matatanong itong mga kasama o nabanggit sa report, o kaya madedesisyunan ang sitwasyon ni FG.

Q: May report daw ang World Bank na kini-clear si FG?

MAR: Hindi ko alam iyan.

Q: Have you seen the report? May kopya ka ba ng report?

MAR: Nakita ko iyong sinabmit ni Merceditas nung hearing but this was just a summary report, hindi ito ang kabuuan ng report. Nakita ko din sa Internet iyong halos 200 plus pages na back-up at detalye ng World Bank. At doon nakasalaysay talaga ang lahaty, dun nagbigay ang lahat ng mga kontratista ng mga testimonya ng kanilang mga karanasan, ito ang mga nangyari sa kanila.

Kaya hindi kapani-paniwala na ang ating Ombudsman basta-basta ganun na lang, wala silang nagawa. Kung ganito ka-detalye ang testimonya, obligasyon ng Ombudsman na isa-isa tingnan ito hanggang sa dulo, habulin ito hanggang sa kung anuman ang lalabas dito. Let the axe fall where it may. Pera natin ito. Itong pagsasabwatan ng mga kontratista, ni FG at ng DPWH at kung sinuman ang nabanggit dito, ay dapat na ma-imbestigahan, ma-prosecute at makalaboso kung sinuman ang dapat.

Q: You are not buying the arguments of the Ombudsman?

MAR: 'Yan talaga ang mahirap gisingin, ang nagtutulog-tulugan. Ang talagang ayaw gawin ang trabaho niya, lahat ng dahilan mahahanap niya at gagamitin niya. Pero iyong pursigido naman , bubuksan ang lahat, aalamin ang lahat.

On VFA/Smith rape case

Q: Are you supporting the positions of Senators Arroyo and Santiago to terminate the VFA?

MAR: Para sa akin ang dapat umiral dito sa ating bansa ay ang ating batas. Humusga na ang ating Korte Suprema. Kung hindi pa ito susundin ng ating gobyerno, kung hindi pa ito i-e-execute ng ating gobyerno, kung hindi i-im-implement, para na lang tayong banana republic. Ano ba tayo? May isang independiyenteng republika ba tayo na may isang batas na kinikilala or lokohan na lang ito? Dapat maasahan natin na kapag humusga ang ating Korte Suprema, ang buong gobyerno ay susunod at gagawin kung ano ang sinabi ng ating Korte Suprema.

The government ought to implement the decision of the Supreme Court. If the government does not implement this, para que pa at may treaty-treaty pa tayo? Para que pa at may kasunduan tayo kung hindi naman pala gagawin sang-ayon sa ating batas? Kung ang masusunod lamang dito ang kagustuhan ng mga dayuhan, ng mga ka-treaty natin, eh bakit pa tayo nagra-ratify? Bakit pa tayo nag-che-check and balance dito? Ang punto dito, humusga ang ating Korte Suprema at hanggang ngayon hindi pa sumusunod ang gobyerno natin dito.

Q: This is another embarrassment to the country?

MAR: Ang punto dito ang gobyerno natin mismo ang siyang nagbibigay ng kahiyaan sa ating republika. Supposed to be they should implement the laws. Ang Korte Suprema nga ang pinaka-mataas na korte dito sa atin at ito ang magde-desisyon. Eh humusga na nga ang Korte Suprema nga, dapat sundin ito ng gobyerno. Walang mas mataas sa batas.

Q: Balikatan na naman, may mga takot na mangyayari uli itong nangyari kay Smith?

MAR: Test case, itong mangyayari kay Smith. Kung hindi naman masusunod ang batas sa ating bansa, baka nga kailangan na i-kansela na nga ito.

News Latest News Feed