Press Release
February 24, 2009

Transcript of interview in RMN with Sen. Manny Villar

Q: Nagpalabas na po ng rekomendasyon ang Senate Blue Ribbon Committee ditto sa fertilizer scam na alam ko isa rin ako sa nagsimula nito noon sa pag-iimbestiga. Ano po ang masasabi ninyo rito Senator?

Villar: Mabuti naman at nagpalabas. Titingnan natin itong mabuti. Actually dalawang beses nang naglalabas ng report ang Senado. Noong una ay panahon ni Sen. Jun Magsaysay at Sen. Arroyo. Pangalawa na itong kay Sen. Gordon. Nagpapatunay lamang na maganda ang nagiging resulta ng mga imbestigasyon. Bagaman ina-analyze ko pang mabuti iyong report na lumabas kung ito ay tunay na nagbibigay ng tabla na resulta sa imbestigasyon dahil talaga naman kailangan ay mahanap natin ang ulo ng gumawa nitong fertilizer scandal na ito. Kung sa bagay doon sa unang report pa lamang ay inaakusahan na ang matataas na tao, kasama na ang Malacanang, dito sa fertilizer scandal na ito.

Q: Plunder po ang rekomendasyon kay Jocjoc Bolante at iba pa?

Villar: Mabigat iyon subalit sabi ko nga, gusto kong malaman sana kung sino ang nag-utos kay Jocjoc Bolante.

Q: Samantala Senator, katatapos lang ng napaka-successful na Villards Cup sa Baguio kung saan itinanghal ang iniidolong si Django Bustamante.

Villar: Natutuwa naman ako sa patuloy na pagsulong ng Villards Cup sa iba't ibang parte ng ating bansa at parami nang parami ang naeenganyong sumali rito. Siyempre nagpapasalamat tayo sa mga sikat na bilyaristang Pinoy na Efren 'Bata' Reyes, Djago Bustamante, Ronnie Alcano, Dennis Orcollo, Alex Pagulayan, Gandy Valle, Warren Kiamco, Lee Van Corteza, Ramil Gallego at Roberto Gomez sa patuloy nilang pagsuporta sa palarong ito. Lalo nating pasisiglahin ang Villards Cup sa mga darating pang araw. Naniniwala ako na ang bilyar, kung saan ang Pinoy ang namamayagpag, ay kailangang suportahan. Alam kong marami pang katulad ni Efren Bata sa ating mga kabataan. Gusto kong maging instrumento ang Villards Cup na matuklasan sila at mabigyan ng pagkakataon na makilala din.

Q: Talaga namang puspusan ang inyong pagtulong sa OFWs at may 31 OFWs ang inyong pinauwi mula sa Middle East. Isa daw po sa napauwi ay ang asawa ng waiter na humingi ng tulong sa inyo.

Villar: Alam mo naging kaibigan ko na si Roger kasi siya ang laging naa-assign sa akin na waiter kapag nagagawi ako sa Manila Polo Club. Ang huli kong punta roon ay anibersaryo ng isang kumpanya, Ubix. Lumapit sa akin si Roger at humingi ng tulong na mapauwi ang kanyang asawang naninilbihan sa Riyadh. Alalang-alala si Roger noon pati na ang lima nilang anak sa kalagayan ni Neneng doon. Nalaman kasi nila na nagkasakit si Neneng dahil sa bigat ng trabaho. Pinwersa siyang magbitbit ng mabibigat na bagahe paakyat sa third floor ng bahay at hindi pa siya pinapakain sa oras. Kaya agad kong tinawagan ang staff ko sa OFW Helpline 09174226800. Dito sa ating problema na tumutulong sa mga nagigipit na OFW, binibigyang prayoridad natin ang mga menor de edad, kababaihan at iyong may sakit. Natutuwa naman ako na sa tulong embahada natin sa Riyadh ay kasamang napauwi si Neneng sa 31 na dumating last week.

Q; Tuloy-tuloy pa rin po ang ating pag-alalay sa mga OFW?

Villar: Oo, lalong dumadami nga at ako ay natutuwa dahil 31 ay sinalubong ko at pinauwi ko. Meron pa akong natitira na anim na binilhan ko na ng tiket pero hindi nakakuha ng exit visa. Sila ay pina-follow up ko at baka iyong iba pang nakakulong ay puntahan ko sa Middle East.

News Latest News Feed