Press Release
February 25, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR GORDON
ON RIGHT TO REPLY

GORDON: Kase binabaril na ang media. I stand up here all the time. Binabaril ang media and its time that media organize itself and regulate itself. Saka marami na akong nakikita na masyado nang kontrolado ng PR ang ilang mga media. Kapag gusto kang banatan, in my entire career, babanatan ka at ang media ay sumasama doon sa mga PR na ganuun pero Ilan lang naman. So kailangan may right to reply.

Q: pero yun mga concern na niri-raise...?

GORDON: Pero mabuti nang nadi-debate yan sapagkat I have always been for free speech and free press. My whole record in the whole country from the very beginning ang record ko ay papasukin ang media at transparent tayo. I was about to file na hindi dapat nali-libel ang media.. Kaya kung hindi mala-libel ang media, ayoko naman na kapag binanatan ka ng media unfairly ay hindi ka makasagot. Kase yun iba sasabihin kumuha ka na lang ng PR. Paano kung mahirap ka lang at wala kang PR at nadaanan ko na ang ganyan. Nakalaban ko yung pinakamamalaki ditto noong nasa Subic ako...kailangan kong bumuga pero hindi ako makabuga so I can tell you na ang media ko ay earned media. Wala akong PR eh.

Q: So you support the bill?

GORDON: I will support the bill. To me I am only support on this as a wake up call to our media, not all but to some who are PR controlled. Kase kapag tinarbaho ka, lalabas muna sa tabloid, makikita mo mayroon mga usual suspects na limang kolumnista na pare-parehong ang babanat syo. Meron sa radio. Meron talagang para din wolf pack. Kung may wolf pack sa kaso ni Bolante ganuun din ditto sa media. Now gusto ko malinis ang media because sa akin ang pinakamataas ngayon sa panahon ito ay ang media. Yan ang nagdadala ng opinion ng tao.

Q: Hindi ba pwedeng self regulation na lang.

GORDON: We are on self-regulation. Hindi ba noong araw self regulation tayo. I would prefer that but just to tell you I am part of the debate only to make this a wake up call. I am not really sure whether we can have free space because there is only limited space, there is only limited air time but I want to use this forum. I want to use this opportunity to say, if we are trying to clean government we can clean it faster with a better media. With a better quality of media that is principled. Dapat ang mga media ay bayaran ng maayos ng mga may-ari ng media lalo na't mayayaman naman ang mga may-ari ng media na yan. Kung babayaran nang sapat o mataas ang media, malayo siguro sila sa temptasyon. Masarap mabira kung totoo ang bira. Masarap sumagot kung makakapasok ang sagot. Pero kung hindi babayaran ng sapat ng may-ari ng media ang mga mamamahayag, ang mangyayari ay talagang PR-controlled media palagi ang nangyayari and I don't like that because my father was victimized by that, my mother was victimized by that and sometimes I am victimized by that and I don't want to be a victim...we want to change and we want to fix problem.

News Latest News Feed