Press Release
March 2, 2009

Ambush interview of Senator Chiz Escudero

On the filing of impeachment complaint against Ombudsman Gutierrez...

Kung away magbitiw ni Ombudsman Gutierrez yan ang legal at tamang paraan para managot siya at kung saka-sakali mapaalis sa puwesto. Ilang ulit naming ginawa yan noon noong ako'y kongresista laban kay pangulong Arroyo na isang constitutional officer din at naniniwala ako sa prosesong yan bilang mapayapa at legal na paraan para mapanagot ang mga opisyal.

May mga question kung uusad daw yun sa Kamara considering na may mga congressman na may pending case sa Ombudsman...

Kaya hinihiling ko kay Ombudsman Gutierrez matagal ilabas, huwag yung mga kasong pending sa Sandiganbayan, ilabas nya ang mga kasong pending sa kanyang tanggapan para makita natin sino sino ba nag may mga kaso dyan para mag-inhibit kung saka-sakali at sino sino ba nag may kaso dyan na ilang ulit nang nag-birthday sa kanyang lamesa.

Ano ang chance nito para umusad nag kaso?

Ayokong pangunahan nag Kamara de Representantes dahil sa inter-chamber courtesy at kung makakarataing yan sa senado uupo kami bilang mahistrado at huwes sa kasong yan.

Sir dapat magresign na lang si Ombudsman Gutierrez...

Kahapon pa, hindi bukas, hindi sa makalawa, hindi sa darating na linggo, sana kahapon pa, pero resignation is a voluntary act at kung ayaw nya may mga legal na proseso ng impeachment lamang ang available para sa ating mga kababayan.

Pero naniniwala ka na may basis yung impeachment complaint...

Ayokong sabihin muna baka sabihing pinangunahan at na-prejudge ko yung kaso. Nais ko lang sabihin siguro na karapatan at may karapatan ang sinumang naghain ng impeachment complaint laban sa kanya para mapanagot siya at mapagpaliwanag siya.

Mayroon ba siyang dapat mapanagutin?

Again prejudgment na yan kung saka-sakali at ayokong pasukan sa puntong ito pero may basehan palagi nag pagsampa ng impeachment complaint na dapat timbangin ng mga miyembro ng Kamara de Representantes. Ang hiling ko lang sa ngalan ng transparency ilabas ng Ombudsman yung mga kasong pending sa kanyang tanggapan, huwag yung pending sa Sandiganbayan, pede nating kunin sa sandiganbayan yon. Nag hinahanap at dapat makita ng publiko ano-ano ba nag mga kasong pending sa kanyang tanggapan, laban ba ito kanino at sino ang naghain at gaano na katagal na yan sa kanyang tanggapan.

Kaya nga dapat mayroong transparency sa mga kasong pending bago paman magsimula ang pagdinig o usapin kaugnay sa impeachment complaint na ito para malaman at makita ng publiko sino ba ang may kaso at dapat mag-inhibit at hindi pedeng bumoto dahil nga may kaso.

Pede bang magkaroo ng preventive suspension...

Walang ganoong proseso sa ilalim ng batas, walang preventive suspension na pedeng ipataw ang House of Representatives o ang senado dahil ang pananaw ng Constitution kapagka ikaw ay isang constitutional officer marapat at dapat taglay mo ang mga katangian ng pagkakaraoon ng integrity, competence at probity na rason kung kayat siguro sinasampa ang impeachment complaint dahil hindi na nila nakikita itong na taglay ng Ombudsman.

May necessity ba na special session para sa supplemental budget para sa automation

Hindi ko alam, desisyon ng Kamara, ang hindi ko lang maintindihan sa Comelec sa ngayon ipaliwanag muna nila yung sistema, hindi porke't nacomputerize automatic malinis na ang eleksyon. Kung dati limang daliri ang kailangan para mandaya baka pagcomputerize isang daliri na lang ang kailangan mandaya. Ipaliwanag sa publiko ano baa ng paggagastusan ng P11 bilyong ito dahil nong unang tinangka yan ng Comelec P1.3 billion pa lang ang involved don, pinawalang-bisa yan ng Korte Suprema. Baka ganito na naman ang mangyari at nais natin ang kasiguruhan na hindi ito mauulit muli. Hanggang ngayon pinagbabayaran pa rin natin ang bodega kung saan naka-store ang mga counting machines at hanggang ngayon hindi pa rin natin nababawi yung binayad doon sa contractor o doon sa supplier matapos ang desisyon ng Korte Suprema na ito'y walang bisa.

Sabi ni Senate President Enrile kung hindi mae-ensure ng Comelec ang sistemang ipapatupad mas mabuti pang mag-manual na lang daw.

Sang-ayon sa batas na umiiral ngayon, kailangang magpilot area muna tayo sa dalawang highly urbanized city at dalawang probinsya sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao bago ipatupad nationwide ang automated election system. Hindi ka alam kung natupad na yan o na-accomplish na yan ng Comelec sa mga nagdaang eleksyon. Nakasaad din sa batas ngayon na bago magpatupad ng automated election system kailangan natest na yan sa mga nagdaang eleksyon. Hindi ko rin alam kung na-comply na yan ng Comelec sa iba't-ibang parte ng Pilipinas maliban sa ARMM.

News Latest News Feed