Press Release
March 4, 2009

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Ngayon lang na-convene ang oversight committee sa automated election system, unang pagdinig at marami pang katanungan na dapat sagutin at may ilang proseso na dapat liwanagin, hindi lamang dito sa senado, pati sa ordinaryong botante. Halimbawa maraming mga guro na nakausap ako na ang alam kapagka automated na wala na silang papel sa election at hindi na nila kailangang mag-election duty, kailangan ipaliwanag natin ito sa kanila. Pangalawa paano tayo makakatiyak na hindi ito magiging Mega Pacific Part II kung saan P1.3 billiion yon, ito P11.3 billion, nais naming matiyak na ito ay hindi na muling mangyayari yon, hanggang ngayon nagbabayad pa rin tayo ng 3 milyon kada buwan sa stoarge ng 1,300 machines, ito 80,000 machines, so i-times 80 nyo yon ganon ang gagastusin natin kung pumalpak o kung sakali sumablay na naman ito. Pangatlo garbage in, garbage out ang mangyayari kapagka hindi na natin nilinis ang voters' list bago tayo mag-automate, yung patay, yung puno at bato baka makaboto na naman at automated na ang ginawa mo, so from manual cheating baka automated cheating naman tayo, huwag naman, nais naming tiyakin ang lahat ng bagay na ito at nais naming ipaliwanag ito sa sambayanan para maintindihan at tumaas ang kumpiyansa kaugnay sa sistemang ito.

On the assurance that the procurement will be transparent at bidding...

Ngayong active na ang oversight committee, may papel na gagampanan ang oversight committee para maging present tuwing mayroong bidding o anumang trabahong gagawin ang Comelec kaugnay sa bagay na ito. Pangalawa siguro yung transparency mahalaga pagdating don sa pagbibilang kung saka-sakali pagtransmit ng balota at ng mga CoC, yun siguro ang marapat na tingnan natin. Ang automation nga kumbaga parang basketbol ngayon, bibilangin ng ring kung ilang beses pumapasok yung bola don pero hindi mo alam kung ilan talaga ang score, malalaman mo na lang kung tapos na ang game dahil kapagka pinasok mo ang balota sa loob ng OMR, siya na ang magbibilang ng sarili at ipapadala na lang sa yo kung ilan ang total, hindi mo makikitang naglalamangan o nagtataasan.

On motion time and motion study regarding voting hour...

Hindi pa nagagawa ng Comelec yung motion time and study dahil iko- collapse nila yung limang prisinto sa isang prisinto na lamang. Isang libong botante ang boboto ngayon sa isang polling place dahil yon lang ang kaya nating bilhing OMR sa ngayon. Isang libong tao ang gagamit ng OMR sa kada polling place. Tinanong ko sila kung nag-time in motion na kayo kaya bang matapos ang eleksyon baka mamaya mas tumagal ang botohan mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng lokohan sa botohan o dayaan sa botohan at baka abutin ng gabi yung pagboto ng mga tao dahil sa bagal na pagpuno ng balota at paghulog ng balota sa OMR. Simple lang naman yon di ba? Natesting na ba, kung hindi pa natetesting sa loob ng isang kuwarto gusto na nating gawin agad pikit mata sa buong bansa. Testingin muna natin sa isang kuwarto, gawin natin sa dalawang kuwarto, tingnan natin kung tatakbo at uubra yung time and motion nitong sistemang ito.

Question (inaudible)

Sa totoo lang tinutulak namin ang Comelec kung mago-automate nga talaga tayo pede bang paghandaan na natin ito, 2006, 2007 pa ang batas, mahigit dalawang taon na ang batas na ito sana pinaghandaan ito bago pa man upang hindi tayo gahol sa oras at naghahabol ngayon, hanggang ngayon wala pang terms of reference ang Comelec, wala pang disenyo kung ano ang irerequire sa mga bidder na ipripresenta para piliin natin kung sino ang pinakamura at pinakamagaling, magbibigay na kaagad tayo kung saka-sakali ng awtoridad at pera sa isang bagay na hindi pa natin alam.

Wil you require them to submit a study?

Kaya at feasible mag-automate sa 2010 at gusto ko rin yon, gawin lang natin ng tama. Para itong namamalengke at at gusto mong magluto ng kung anumang putahe. Ang ignagawa ngayon ng Comelec pupunta sa palengke at titingnan kung ano mayroon don, kung ano lang ang mayroon doon yong lang ang bibilhin at iuuwi, hindi ba dapat pagpunta mo sa palengke alam mo na kung anong putahe ang lulutuin mo, alam mo na ang mga rekado mo bago ka umuwi at iluto kung ano man ang gusto mo, hindi naman pwede na pupunta ka sa palengke at titingnan mo kung ano ang nadoon at depende sa makuha mo yun ang iluluto mo pagdating mo sa bahay.

Question (inaudible)

Sabi ko sa Comelec para hindi sila maantala, pede silang i-exempt ng government procurement board don sa 45-day notice requirement for bidders, kung isasapubliko na nila ngayon yung terms of preference sa potential bidders bagaman wala pang budget at bagaman wala pang bidding talaga at award para tumatakbo na ang panahon at hindi masayang ang oras nila, hindi naman bawal yon, tutal naman maramin ng bidders na alam rin naman yung terms of reference eh, pinagkakatago-tago pa nila eh lumalabas na ngayon palang, eh di level the playing field, ipagbigay-alam na natin sa lahat ng bidders ano ba ang gusto nyo, para malaman na din natin yung binabanggit ko ano bang rekado na gusto ng Comelec para makaluto sila at para makapangasiwa sila ng magandang eleksyon. Pangit pala ang gamitin ang salitang lutuin ang eleksyon.

Okay lang may TOR na kahit wala pang budget...

Ito yung gusto nilang mangyari ngayon, ito yung ipinasa ng Kamara, nagpasa ng budget, blank check, ng wala pang TOR at ni hindi alam kung ano ang bibilhin.

How the senate committee approach this?

Hindi ko alam, mga katanungang ito na hindi masagot ng Comelec sana masagot ng senado bago ito talakayin o aprubahan.

Sir are you bringing out also your concern also as a potential candidate for 2010?

Bilang botante at bilang Filipino. Concern ng bawat Fipilino dahil hindi naman kayang bantayan ng kandidato ang resulta ng halalan, concern ng bawat isa ito. At bilang Filipino at botante dapat lahat tayo ay concern dito... tanungin nyo yung mga deklaradong kandidato.

Sir na-move sa Nov. 30 yung filing ng Certificate of Candidacy...

Requirement yon for automation, kung mag-o-automate man tayo kailangang gawin yon.. yung maaga dahil kailangan nilang alamin kung sino ang mga kandidato para ma-print, kailangang ma-print kasi, so dapat lang kailangang maaga dahil kung hindi kailangang mabalik yun sa mga tao kung hindi kung wrong ang spelling ng pangalan mo eh di wrong na yon.

Are you satisfy sa desisyon ng Comelec?

Ganoon ang batas na sina-cite nila eh, hindi ako komportable pero ganoon yung batas na napasa noon eh... wala akong rason para pagdudahan ang Comelec kaugnay ng integridad halimbawa ni chairman Melo, ang concern ko kabisado at alam ba nila yung kanilang binibili, alam ba nila patakbuhin yung sistema o hindi, mahirap naman kung hindi alam ng Comelec yon, paano natin maasahang malaman pa ng iba.

Si Gr. Gus Galman nagpresent kanina sa hearing regarding sa OES...

Hintayin namin yung kanyang actual na presentasyon sa oversight committee bago ko siguro husgahan dahil kinuwento lang naman nya yung ideya at pamamaraan nila.

News Latest News Feed