Press Release
April 13, 2009

Transcript of interview on DZMM with Mr. Neil Ocampo
with Senator Manny Villar

Q: Ano po ba ang pulso ng ating mga kasamahang Senador dyan sa Senado dito sa Charter Change?

Villar: Sa Senado hindi papasa yan. Yun naman ay alam ng nagpa-plano ng cha-cha ay nalalaman naman na hindi papasa sa Senado yan. Kaya kung magkakaroon man ng ganyang mga hakbang, ang magiging strategy niyan ay ipasa sa Mababang Kapulungan na may sapat na boto na hindi na kailangan ang Senado . Walang Supreme Court ruling.

Q: Paano po ang mangyayari kung ganon po ang gagawin nila?

Villar: Unang-una hindi magiging madali yan, pero dyan nga magkaka-problema dahilan sa sistema na yan. Pag pinasa yan dun merong 75% na boto, tapos hindi namin ipapasa. Magdedesisyon ang Supreme Court ngayon at mapupunta sa kanila ang desisyon kung ito ay magiging legal o hindi.

Q: Yung Economic amendment kakayanin pa kaya, may sapat pa bang panahon para pag-usapan yan kung sakali man?

Villar: Well, yun ang gusto ni Speaker Nograles at yan para hindi siguro masyadong magalit ang tao dun sa Cha-cha, subalit yan ay depende pa rin kung gaano kalakas itutulak ng Pangulo ang Cha-cha kung itutulak niya. Kasi sa ngayon ay wala pa akong nakikitang desididong signal, meron lamang gumagapang sa ilalim. Subalit ngayon ay napakahalaga, dahil sa June 6 ay mag-aadjourn na kami ng pinal para sa taon at ang resumption namin ay halos Agosto na, kaya pag nilabas na yan ng June 6 ay masasabi natin na humirap masyado ang Cha-cha kaya palagay ko yung nagpa-plano nyan ay gagawa ng isang hakbangin ngayong bago mag-adjourn.

Q: Ano ang priority bills ng Senado ngayon sa muling pagbubukas ng sesyon?

Villar: Ang sakin palagay ko naman economic measures pa rin, syempre mahalaga at ako'y magtutulak niyan . Sa ngayong panahon mahalaga na bigyan namin ng prayoridad ang mga panukala na tutulong sa pagsukol ng kahirapan. Dahil kahirapan naman talga ang ididnadaing ngayon ng lahat ng ating kababayan at palagay ko ay dapat tingnan nating lahat.

Q: Senador, makikibalita kami sa mga tinutulungan ninyong mga OFWs abroad. Sa haba daw ng pila at sa dami ng humihingi ng tulong sa inyo, first come, first serve na lang at yung iba at dapat maghintay dahilan sa napakaraming mga humihingi ng tulong na sila'y mapagbigyan. Paano ninyo nireresolba yan?

Villar: Meron namang tumutulong sa aming mga foundation, ang gobyerno naman ay tumutulong din. Subalit triniple ko na yung aming staff dyan at yung ating resources natin dyan, yung budget ay itinaas din natin para mas maraming matulungan. Dahilan sa dumarami ang suliranin natin, dahilan siguro dito sa world crisis dumadami ang tumatawag sa amin kaya lalo naming pinatibay at pinalaki pa yung programa . Isa pa yan sa tinutulak ko sa Senado na yung permanenteng solusyon sa problemang ito, dapat ding gawin ng ating pamahalaan at itong ginagawa naming ito ay para aming sarili lamang na pagtulong. Hhindi mo masasabi na napakatagal at nagiging permanente, ang gusto ko sanang solusyon ay permanente, subalit ako naman hanggat makakaya natin ay gagawin natin ang pagtulong natin sa mga OFW.

Q: Paano maaabot o matatawagan si Senador Manny Villar lalo na yung sa mga malalayong lalawigan na may problemang tulad nyan?

Villar: Tumawag lamang sa aking helpline 0917-4226800.

Q: Tapos kung pupunta sa mismong tanggapan?

Villar: Meron kaming tanggapan dito sa Nacionalista Party headquarters sa Starmall Shaw or sa opisina ko sa Senado.

News Latest News Feed