Press Release
April 15, 2009

Transcript of Ambush Interview of Senator Mar Roxas
after the Commemoration of the 61st Death Anniversary
of the late President Mar Roxas at the North Cemetery

On Charter Change

MAR: Itong Cha-Cha na ito ang nagsisilbing instrumento para sa pagkakawatak-watak ng ating bansa. Hindi pa ba natuto si GMA sa nangyari sa Thailand? Kung saan nakita natin ang nangyayari sa isang lipunan na nawawasak dahil lamang ang mga pinuno doon ang iniisip ang mga pansariling interest. Dapat iwasan natin ito para sa ating bansa, lalong-lalo na ngayon sa panahon ng taghirap.

Itong Cha-Cha na ito hindi ito para sa atin at hindi ito ang sagot sa ating mga problema.

Q: (inaudible)

MAR: Itong mga ispekulasyon kung ano ang dahilan kung bakit isinusulong itong Chacha na ito ay nagpapakita na sobrang baba ng tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa Pangulo. Kaya nga hindi magtatagumpay itong Cha-Cha na ito. Walang dahilan para isulong ito. Dapat tumutok na lang siya sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

On World Bank controversy

Q: Sen. Santiago has threatened to go to the Supreme Court to question (inaudible)� if Blue Ribbon committee proceeds with its investigation?

MAR: Napagkasunduan namin sa Senado na kung meron mang mga kasalanan, mga violations ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nakapaloob dito sa World Bank scandal na ito, ang tamang komite na mag-iimbestiga nito ay ang Blue Ribbon committee. Tinalakay namin ito at sinuportahan ko ito. Tinalakay ito ng Committee on Economic Affairs dahil may impact ito sa economic development ng ating bansa, lalong-lalo na ang pagpopondo ng ating mga kalye, ng mga imprastraktura na nanggagaling sa World Bank. Pero sa wrong-doing mismo, sa katiwalian, sa anomalya na nakapaligid dito sa bidding na ito, sa blue ribbon po ito para ma-tingnan ang mga violations ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Q: Kung si Sen. Santiago mismo ang mag-stop sa investigation ng blue ribbon committee?

MAR: Dedesisyunan po iyan ng buong Senado.

Q: What will happen if (inaudible)...

MAR: Kapangyarihan at karapatan ng bawat senador na isulong ang kanyang plano.

Q: Sinabi ni Sen. Santiago na wala namang evidence implicating FG?

MAR: Eh di dapat wala siyang dapat na ikatakot. These are all speculations. She will do this if that or do this if this. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari dito. Ang punto dito ay dedesisyunan ito ng buong Senado.

On Oil Price Hike

Q: Kailangan daw imbestigahan ang oil companies for the continued hike on prices?

MAR: Natutuwa ako na sinamahan na nila ang matagal ko ng sinasabi na dapat ay bulatlatin ang libro ng mga oil companies na ito. Dahil nakikita na sa presyo ngayon sa international,, 1/3 na lang, from $147/barrel ngayon ay nasa humigit-kumulang ay 1/3 na lang, halos $50/barrel na lang ngayon. Pero ang singil nila dito sa atin sa bawat litro ay hindi pa rin 1/3. Bakit ganun? Bakit ang Department of Energy ay hindi binubulatlat ang mga libro ng mga kumpanyang ito? Bakit ang ating gobyerno hindi ginagamit ang kanyang kapangyarihan na ipinag-kaloob natin sa kanila para makasiguro na hindi tayo pinag-sasamantalahan. Natutuwa ako na dumarami na ngayon ang nananawagan na buksan ang libro nitong mga oil companies na ito.

Q: Based on your studies,hindi sila dapat nagtaas ng piso sa presyo ng gasoline?

MAR: Matagal ko ng sinasabi na dapat mas lalo nilang binabaan ang presyo ng kanilang mga produkto. Nung panahon na ang presyo ng krudo ay $37/barrel, pero sila hindi sila nagbaba. Ngayon na tumaas, sumasabay silang nagtataas. Bakit noong bumababa, hindi sila sumabay na bumaba? Matagal ko ng sinasabi ito, halos isang taon ko ng sinasabi ito. Natutuwa ako na dumarami na kami ngayon.

Q: Will you push for immediate investigation into this?

MAR: Matagal ko na ngang sinasabi iyon

On PMAR's Death Anniversary

MAR: April 15 is the death anniversary. Namatay siya sa Clark Field, habang nagbibigay ng talumpati, sa kalagitnaan ng re-construction ng ating bansa, matapos ang digmaan. Noong 1948 siya namatay, 1946 siyang naging pangulo. Sa kabila ng napakaraming trabaho, napakaraming pangangailangan na kailangang bigyan ng atensyon ay inatake siya sa puso.

Q: What was your grandfather's greatest legacy?

MAR: Para sa akin, ang nakikita ko, unang-una ang kanyan tuwid at tapat na pamamahala. Walang mantas, walang bahid ang kanyang pangalan, ang kanyang mahabang serbisyo sa ating bansa. Pangalawa, sinikap niya para mabuo ang ating bansa. Pangatlo, ipinaglaban niya ang ating independence magmula pa noong panahon ng Commonwealth hanggang sa naging independent tayo. Siya nga po ang nag-taas ng bandila ng Pilipinas habang ibinababa naman ng Commission on General ng Amerika ang kanilang bandila noong July 4 na siyang ating independence.

News Latest News Feed