Press Release
April 30, 2009

Interview with Sen. Alan Peter Cayetano re Lozada in Umagang kay Ganda

Pinky Webb: "Senator, Ako po'y nalilito sapagkat sa pagkakaintindi ko si Jun Lozada ay nasa kustodiya ng Senado at kinuha po siya ng MPD. Kinuha po siya ng MPD kahapon.Meron ho bang problema dito?"

Sen. Alan Cayetano: "Nung Senate President si Senator Villar at Chairman ako ng Blue Ribbon Committee, ang usapan namin kapagka siya'y inaresto or tangakin arestuhin dadalhin namin siya sa Senado at ipapaliwanag na dahil arestado na siya at siya'y nasa kustodiya namin eh i-susurrender lang namin sa korte kapag may mga hearings, tapos balik din sa'min. Walang kaibahan 'to Pinky na kung kami, may gusto kaming witness na nasa� let's say nasa Bilibid, hindi naman kami puwede sumugod dun at arestuhin siya. We have to coordinate with the DOJ, and say na may Congressional hearing and eto yung oras, puwede ba naming hiramin siya 'nu?"

Pinky Webb: "So kapag meron na kayong, kunwari po ako nasa custody ninyo, hindi na po ako puwedeng kunin ng pulis. Ganun ho ba yun?"

Sen. Alan Cayetano: "Well, yun ang paniniwala namin at that time, pero nga medyo naiba dahil inorderan nga ng Senate President na pagka naaresto na eh mag-pull-out yung mga taga Sergeant of Arms nu. That's why ang panawagan ko sa Senado ay pagmeetingan namin 'to, isantabi muna yung gulo tungkol sa ethics, sa pulitika, sa 2010, at kasi Pinky, pati ung imbestigasyon parang natigil eh. Remember si Jun Lozada maraming gusto diyan na manahimik 'yan, bakit? Ok, tapos na ung ZTE or patapos na siya konti na lang ang impormasyon na kailangan, pero yung North Rail at South Rail at napakaraming pang ibang project na dumaan ng NEDA,alam ni Jun yung sistema, at ang pondo dito hindi lang daan, milyon, bilyon-bilyon ang pondo. So, ang point sa akin bilang former chairman nga of the case, number one: paano ba tratuhin ng Senado ang witness niya? Puwede bang pagka, parang tissue paper na pag may sipon ka kelangang kelangan mo, hahanapin mo yung tissue paper, pag nasingahan mo na itatapon mo na lang nu? So hindi naman puwedeng hindi natin protektahan just because tapos na at hindi na uso yung hearing na yan."

Pinky Webb: "So dapat ang pag-uusap na 'yan talaga Senator ay manggaling sa inyo mismo?"

Sen. Alan Cayetano: "Yes, sa Senado talaga. Sa probe. So in fairness kay Chairman Gordon, he made a statement yesterday na witness pa rin namin si Jun but this is the time that the institution stand up�and not only in this administration, sa 2010 - God, willing, matutuloy ang eleksyon, pano kung may witness ulit against cabinet secretaries, against the President, etc� Hindi ba natin gusto na may sistema na ang Senado, how to handle witnesses, kasi Pinky�"

Pinky Webb: "�at para hindi rin mailto ang mga witnesses Senator."

Sen. Alan Cayetano: "Kaya nga tawag namin virtual martial law hindi martial law talaga. Kasi martial law, dadamputin ka, walang kaso, wala ka sa korte. Ngayon hindi ka naman dadamputin na wala kang kaso pero katulad ni Jun labing-anim na kaso and if you remember the day na nag-witness na siya eh yung NBI wala pang warrant sumugod dun sa opisina ni Jun sa Forestry and Corporation naghalungkat ng dokumento at sinabing kakasuhan siya. So hindi ko naman nilalahat 'nu, that was only one team of the NBI but ang sinasabi ko Pinky hindi kapani-paniwala na walang kinalaman ang pagwiwitness ni Jun sa ZTE at hindi kapani-paniwala na hindi 'to message sa lahat ng whistleblower. Pag kayo nag-whistleblow, pag kayo nagtestify, ganito aabutin niyo."

Pinky Webb: "Ayun ang tanong ko Senator, kasi hindi ho kaya dagok ito dun sa mga darating o susunod na mga witnesses ng Senado whether for or against the administration sa nakita nilang nangyari kay Jun Lozada: naiwan sa La Salle, inalagaan ng mga madre doon, ng mga pare, pagkatapos tumira sa isang napakaliit na kwarto tapos ngayon ay nakulong.? Siyempre puwede naman siyang magpyansa Senator pero ayaw niya."

Sen. Alan Cayetano: "Two points dyan Pinky 'nu, maging makapangyarihang pulitiko o negosyante na merong kapit sa gobyerno parating merong ano yan, may padrino yan. So halimbawa katulad sa nangyayari sa Legacy o sa ibang mga pre-need 'nu, may kapit din sa gobyerno yan e, so it's not only to business deals ng gobyerno pati sa ibang anomalyang nangyayari sa ating bansa this is a message na kapagka ikaw ay mag-wiwitness, delikado ka, number 1. Number 2, ang hawla, ginto man hawla pa rin. So hindi ko masisi si Jun na ayaw niya mag-bail kasi para na rin siyang nakakulong sa La Salle eh. Of course bantay siya ng mga pari't madre pero mga anak niya parating may threat, muntik nang makidnap na rin before, asawa niya sunod-sunod ang kaso, wala silang normal na buhay, sinong mag-hihire kay Jun sa trabaho na baka sindakin naman ng gobyerno, etc� So for Jun, whether sa Manila Police District, sa City Jail o sa La Salle, nakakulong parin siya so ang appeal niya sa ating mga kababayan ipagdasal siya, pag-isipan yung issue, at ang issue dito talaga ay yung pagiging whistleblower at yung dapat gawin ng Senado para panindigan ang kanyang mga witnesses."

Pinky Webb: "Last question sir, meron ho ba kayong planong iakyat ito sa korte suprema, yung ganitong klaseng conflict?"

Sen. Alan Cayetano: "Well, its really� ang kailangan muna kasi manindigan ang Senado eh. So kung hindi manindigan ang Senado, anong aakyat sa Supreme Court 'nu? And what I'd like to see really is yung ibang mga hearing na witness si Jun, makapagwitness na siya dahil ito din magpoprotekta sa kanya. Pero habang napakarami niyang alam, na ayaw pa namang mag-hearing o wala pang hearing, eh baka sabihin naman naaksidente lang yan, nasagi lang yan, or whatever. So appeal ko lang na let's pray for Jun and sana for the senate na magkaisa kami sa issue na 'to."

Pinky Webb: "Ngayon ang meeting sir?"

Sen. Alan Cayetano: "Wala pang meeting eh, that's why I'm raising the alarm bells and asking the senate, kalimutan muna natin yung 2010. kalimutan muna natin yung away away sa Senado. Unahin natin yung crisis na nangyayari dito sa pig swine, ang nagyayaring eto kay Jun Lozada, kasi one year to go Pinky maraming iwas-pusoy o gigitna muna eh. Kasi mabigat yung issues na 'to but there are so many more that we have to investigate."

News Latest News Feed