Press Release
May 21, 2009

Statement of Senator Richard J. Gordon at the hearing
 of the Senate Committee of the Whole

Gusto ko lang pong ipaalam doon sa mga nanonood sa atin na ito pong ginagawa natin ay tungkol sa ethics.. Hindi po pag-iimbestiga ng isang miyembro ng Senado para gumawa tayo o makatulong sa gagawin nating batas. Ito po ay pag-iimbestiga ng kamalian ng isang senador na ayon sa ating patakaran kung ano ang dapat uliran na asal ng isang senador ay susuriin natin.

Ang isyu po dito ay 'yun bang ginawa ng nasasakdal ngayon ay sang-ayon sa ating ginawang mga patakaran ukol sa ating tinatawag na ethics or uliran na conduct. Kaya nga po kung hindi siya sisipot, wala po tayong magagawa doon dahil ayon sa batas, binigyan na siya ng pagkakataong sumipot at talagang kanyang ginawang desisyon ng nasasakdal na hindi po siya sisipot.

Pero hindi po nangangahulugan na wala sa batas ang ginagawa natin. Ibig lang pong sabihin ipinauubaya niya rito at wala na siyang pakialam kung anong gagawin natin dito at dinadala niya sa larangan ng public opinion�Pero mali o tama ang ginagawa niya ay wala rin po tayong magagawa doon.

Ang magagawa po natin dito ay i-assure ang madla na kahit wala siya dito o nandito ang nasasakdal, magiging parehas po ang imbestigasyon. Magiging nasa batas po ang imbestigasyon ayon sa tinatawag na quantum of evidence o yung karampatang evidence na tinatawag nating substantial o talagang malawak at credible at kapani-paniwala na ebidensiya para sa ganoon ang nanonood, talagang sila mismo makukumbinsi na walang ginawang masama o may masamang ginawa ang nasasakdal.

Kaya napakaganda po nito sa demokrasya. Natutuwa po ako at nagpapasalamat po ako na nasa telebisyon sapagkat ito po ay isang pader ng demokrasya na ini-imbestigahan ng isang senado ang asal o gawain ng isang senador kung ito ay tumatama sa standard ng pagiging isang senador. Lahat po ng senado sa buong mundo o parliament sa buong mundo ay merong patakaran ukol sa ethics, ukol sa ulirang pamumuhay o pag-aayos ng isang mambabatas. Kung ikaw ay lumabag doon, pwede kang dalhin po sa criminal courts, ibang usapan po yan.

Dito po ang nakataya, tama ba ang ginawa mo, naaayon ba sa pag-uugali o pag-aasal na nararapat bilang isang senador yung ginawa mo? Yun lang po ang lilitisin dito at makaka-asa po ang madla na ako mismo po, bilang isang senador at isang abugado, ay gagawin ko po kung ano ang itinuro sa akin sa law school, kung ano ang itinuro sa akin ng konsensya ko, yun po ang aking gagawin. Wala pong pamumulitika, sapagkat balang-araw, hindi po ninyo masabi, ay isa po sa kasama natin o ako mismo, ay haharap din dito. Ang pag-asa lamang po natin ay yung tapat na pagsisilbi ng kapwa natin senador na kapag humarap dito parehas po ang magiging batayan ng paghuhusga sa mga nasasakdal.

Ito po, sa mga kababayan po nating nanonood at nakikinig, ay ukol sa pag-uugali, sa pag-aasal ng isang senador at gumawa po tayo ng batayan bilang isang senado na dapat susundin ng lahat ng senador. Yun lang po ang ating hinuhusgahan dito. Yung iba pong kaso na ipa-file sa kanya nasa sa ibang tao ho yun. Kung nakita ninyo na may labag sa batas natin ang ginawa, pwede pong dalhin sa Ombudsman yan. Pero dapat igalang ng lahat ng mamamayan, lalo na ng isang senador, ang ating batas na ginawa sapagkat noong Senate President po ang nasasakdal, meron din po tayong Committee on Ethics. Meron na po iyan. Noon pong Senate President si Sen. Angara, si Sen. Pimentel, si Sen. Puyat, noong araw pa po, mga Senate president, sina Tolentino, lahat po yan ay may Committee on Ethics.

Yan po ay angkop lamang sa isang lugar ng mga mambabatas na dapat sundin ang patakaran na sinisingil sa bawat senador na karampatang aksyon bilang ulirang mambabatas. Labagin ng isang senador yan o ng sinumang mambabatas, siya ang haharap, kahit malaki siya o maliit dito sa Senado, at yun lang po ang ating tatalakayin. Parehas po ang mangyayari dito. Kung hindi po tayo parehas ay talagang mawawasak ang tiwala ng tao sa ating mga mambabatas.

Mr. President, I vote yes. Although we are all friends in the Senate and that we ought to treat each other as honorable and with candor and respect, upon serious perusal of the presentation of the facts, as well as the laws that had been quoted, it would appear that there would be a prima facie evidence against Senator Villar.

At the very least, I think, the public must be given an adequate explanation as to what actually happened. I believe the proper forum should be here in the Ethics Committee because here, we respect one another and we will judge one another in accordance with the evidence presented.

I think it is not right, although it is his prerogative, to go to the public and make his statement thereat because I think what is important here is to follow the rules. We live by the rule of law and the rules had been adequately presented here and, therefore, I believe, that we should really conduct ourselves here in the Ethics Committee with utmost responsibility to the public to be able to come out with the right decision in accordance with our conscience and with the law.

News Latest News Feed