Press Release
May 28, 2009

Transcript of interview with Senator Pia S. Cayetano
Chairperson, Senate Committee on Social Justice
President, Committee of Women Parliamentarians,
Inter-Parliamentary Union (IPU)

Topic: Senate public hearing on sex video scandal "One on One with Igan" hosted by Mr. Arnold Clavio Unang Hirit, GMA 7

Arnold Clavio (AC): Kailangan ho ba talagang makialam ang Senado sa sex video scandal na ito, Senadora?

SPSC: Dun sa tanong mo na yun, yes kailangan naman kaming makialam kasi mayroon talagang mga batas na kailangang palakasin, in fact bagong batas to be sure na ma-penalize ang mga ganitong klase ng activities. So to the extent na may pakialam kami, oo. Pero kung tatanungin mo ko ng mas detalye, halimbawa, kung kailangan ba naming panoorin yung video, medyo dun ako naiiba sa pananaw ng ibang mga kasamahan ko. I think, though, kasi nagbasa ako ng dyaryo this morning and mukhang nag-iba na rin ang pananaw nila, kasi naniniwala ako na kaya naming gawin ang tungkulin namin na gumawa ng batas na hindi kailangang panoorin ang video na yun. Kailangan naming panindigan na hindi tama ang nangyari, ito'y pagpapakita ng kawalan ng respeto sa kababaihan sa pagpapanood nito, and we don't have to be part of that.

AC: Nakausap ko si Senador Miriam Defensor-Santiago, may panukalang batas sya na may committee report na senadora...

SPSC: Exactly, that is also my position Igan. In fact, ako may finile akong panukalang batas, na yun yata ang ihi-hearing nila. Pero in fact, si Senator Miriam may una na syang batas na finile na na-hearing na, so ang panawagan ko nga kahapon ay gawin na lang basehan ang bill na finile ni Senator Miriam, and then yung pinagkaiba nun sa finile ko o kung may iba pang suggestion ang mga kasamahan ko, derecho na naming gawin yun sa floor sa period of amendments. So hindi na daraaan sa hearing process. Ang diperensya lang naman nun ay hindi deretsong makakapagsalita ang mga witness na tatawagin namin [kung may hearing], pero pagka ganun naman na nasa gallery sila, natatanong naman sila nung nagiisponsor. So yun ang gusto ko.

AC: So mamaya senadora ano ba ang aasahan ng publiko, ito ba ay public hearing o executive session?

SPSC: Well ang pagkaintindi ko, it's a public hearing pero they'll call an executive session for those who requested it. So uumpisahan yung hearing na public, and then kung may mga parts dun na in private, mag-eexecutive session sila.

AC: Kasi sa loob ng tatlong linggo na ito'y laman ng dyaryo, radyo at telebisyon, parang ano pa ang gustong malaman ng publiko? Parang mas alam na nila e?

SPSC: Well yun nga ang sa akin Igan, I feel na partly, mas mase-sensationalize pa nga ito and that since ang dami na ngang nanood nito out of curiosity, the Senate must take the high moral ground and not do anything that will perpetrate this, itong pagpapanood, itong interes dito, sana deretso na lang sa trabaho. Having said that, syempre walang problema na hingin ang opinyon ng DSWD, OMB, walang problema yan.

AC: Kumbaga, kung talagang gusto nating matulungan itong mga personalidad na ito, tama na lang na imbitahan yung DSWD, OMB, yung commission on cyber...ano natin. Hindi yung mga personalidad na ito dahil at their expense, parang nalalagay na naman natin...

SPSC: Parang nae-exploit pa sila di ba? Ang akin nga po, kung kailangan namang makita yung background of the case, sa akin po pwede namang hingan ng affidavit si Katrina di ba? Kasi I feel na, you know like a rape victim, I'm sure Igan marami ka nang na-interview nyan, napakahirap humarap sa publiko, napakahirap humarap sa huwes at ulitin mo [ang naging karanasan]. I understand na ready raw sya [Katrina], pero alam mo yung bugbog na sa emotions yung taong yun, dadalhin nya yan e, even though meron sigurong nag-convince sa kanya na "do this [testify in Senate] as part of your [quest for justice]," I don't think she has to do it.

AC: At saka Mam pag harap nya dun, hindi lahat ng lalaking titingin sa kanya ay naaawa...alam nyo yun?

SPSC: Yun na nga po, yun din ang pakiramdam ko. Pag pumunta sya dun, kahit kaharap nya yung mga kasamahan ko, ano ang tatanungin sa kanya, bakit ka nandon? Ano'ng ginawa mo dun? Ano pa bang kailangang tanungin para mabuo namin ang batas na yun di ba? And it speaks for itself na e, alam natin na nangyari yan so yung safeguards, siguro naman creative na kami enough to think of the proper safeguards without having to hear it from her, na dalawang linggo nang nasa news ang balitang ito.

AC: At least nagkakaparehas tayo ng nasa isip natin. So kayo na po ang magbantay na pag nakikita pong parang Startalk na kayo dun, e baka pwedeng paki-pukpok na at awatin ninyo yung mga kasamahan ninyo...

SPSC: Actually Igan meron akong kasabay na hearing, yung Senate Electoral Tribunal...

AC: O dun na lang kayo um-attend! (laughs)...

SPSC: Yun na nga po, kaya wala na rin akong magagawa kasi one month ago pa na-set yung hearing na yun. Eto yung hearing dun sa electoral case nina Migz Zubiri and Koko Pimentel...

AC: Alam mo naman...eto nasulat ko na rin sa column ko e, ang aabangan ng publiko dyan, yung tingin ni Katrina kay Dr. Hayden...

SPSC: Yun na nga...kung kailan sila magtatapat, hindi po ba?

AC: O yung bangayan ni Nanay Lolit [Solis] at nanay ni [Dr. Kho]...

SPSC: Tapos yung reakson nila sa statements ng isa't isa...at the very least...hindi mo maiiwasan e...so ako talaga dapat the Senate should take the high moral ground, sa umpisa pa lang, hindi na pinagtagpo ito, hindi na tinawag itong mga ito, magbigay na lang ng affidavit di ba? And pwede naman naming interviewhin kung gustong interviewhin ng chairman one-on-one itong biktima. Pwede naman pong gawin yun. So I regret na madadagdagan ang sensationalisation ng issue na ito sa ganitong paraan. Pero kung talagang nandyan na, hindi ko na yan mapipigilan, one hearing na lang and then tuluy-tuloy na...

AC: ...Tapos na, mapagbigyan lang yung mga in aid of re-election...(laughs)

SPSC: I really feel that this could have been done without having to go through this process, Igan.

AC: At least sensitive po kayo sa ganung issue, Senadora salamat ha!

News Latest News Feed