Press Release
June 4, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On Con-Ass

Q: Do you want the Senate to intervene on the petition filed by Oliver Lozano with the SC?

MAR: Sa totoo lang, hindi pa ito ang tamang panahon dahil wala pang justiciable issue. Subalit itong I-finile ni Atty. Lozano, tulad ito ng kanyang pag-file doon sa impeachment: isang perder na kaso ito. Kaya mahalaga na mag-appeal din ang Senado para magkaroon ng matibay na depensa dito. Iyong mga argumento na nakapaloob doon sa I-finile ni Atty. Lozano, palagay ko ang disenyo nito ay para matulungan iyong mga nagsusulong ng Chacha. Eh kami talagang tutol kami sa Chacha. At para sa akin, talagang dapat na magpresinta na ang Senado ng aming mga depensa.

Q: Ano ang nakikita niyong motibo ni Lozano kung bakit siya nag-file ng kaso sa SC?

MAR: Hindi ko masasagot iyan, si Atty. Lozano lang ang makakasagot niya. Pero para sa akin ay nakita ko iyong laman ng kanyang I-finile na impeachment case laban kay GMA at mahinang-mahina ito, ampaw ito. Palagay ko iyan ang dahilan kung bakit I-finile niya ito sa Korte Suprema, hindi para hadlangan itong con-ass na ito pero para lalong makatulong, para sa mabilis na panahon ay makarating na ito sa Korte Suprema at mahatulan na ito.

Q: Naniniwala ba kayo na kakatigan ng SC iyong petition ni Lozano?

MAR: Baka I-dismiss. Dapat I-dismiss ng Korte Suprema ito ... hindi pa nagpapatawag ng constituent assembly ang Kongreso. Maaari na ang interpretasyon nila sa ipinasa nila ay katulad lamang ng iba pang mga resolusyon o House bills na ipinapasa nila na nangangailangan ng aksyon ng Senado bago maging batas o bago magkaroon ng saysay. So, para sa akin hindi pa justiciable, hindi pa napapanahon ang pag-akyat nito sa Korte Suprema.

(Interview with DWIZ)

Q: On Oliver Lozano's petition

MAR: Kitang-kita natin sa isinumite na petisyon ni Atty. Lozano na mahina talaga ito, ampaw talaga itong petition for rejection na ito. Ang kanyang petition is for the Supreme Court to reject. Ngayon, kung sabihin ng Korte Suprema na, Atty. Lozano, walang saysay itong isinabmit at nirereject namin itong appeal na I-reject namin iyong 1109. Ang implikasyon nun ay mukhang lehitimo iyong 1109. Kasi kahit hindi hinatulan ng tapat ng Korte Suprema ito, kung hindi hinatulan ng diretso iyong 1109, ang implikasyon in rejecting the petition ay baka magmukhang legitimate iyong 1109. Kaya mahalagang-mahalaga para sa akin, at iminumungkahi ko, na kami sa Senado ay magsampa na kami ng aming position paper na matibay at talagang nilalaman ang mga tamang depensa, ang mga tamang probisyon nang sa ganun ay hindi basta-basta na mababalewala ito.

Q: Sa magaganap na caucus ngayon, hihimukin niyo ang inyong mga kasamahan na mag-file na rin ng inyong petition sa Supreme Court?

MAR: Kung wala itong Oliver Lozano na petition na ito, hindi pa talaga napapanahon eh. Bagamat nandiyan na iyan, kailangan patibayin namin iyan. Para sa akin Trojan Horse ito eh. Ang layunin nito ay para matalo nang sa ganun ay ma-legitimize iyong 1109. Kaya para sa akin nandiyan na iyan, parang taktika ito, dapat patibayin natin sa pamamagitan ng pag-file ng Senado ng aming sariling matibay at may saysay, makabuluhang petisyon sa Korte Suprema.

Q: Hindi kaya ng bawang ninyo itong ConAss na ito kaya kailangang dumulog pa rin kayo sa Korte Suprema?

MAR: Nakakatulong ang bawang nang sa ganun ay lalong tumibay ang aming loob at tumibay ang lakas namin para mahadlangan itong kaaswangan nitong 1109 na ito.

Q: So ang bawang dito, ang Korte Suprema na?

MAR: Katulong sila.

Q: Hindi niyo ba bibigyan ng bawang si Atty. Lozano?

MAR: Palagay ko hindi na tinatablan yun eh. Nakita naman natin na nung I-finile niya iyong impeachment, mahina, walang saysay. Sa palagay ko mga taktika lang ito para sa totoo lang mukha na humahadlang pero sa totoo ay tumutulong talaga sa pagsulong nitong conass na ito. Planted ito.

Q: Palagay niyo ang Malakanyang ba ang nasa likod nitong si Atty. Lozano?

MAR: Ang Malakanyang ang nasa likod nitong lahat, hindi mangyayari ito, hindi magpupuyat ang mga kongresista hanggang midnight, hanggang alas-dose ng gabi na ipasa ito, na isantabi ang iba pang mas mahahalagang panukala para isulong itong con-ass na ito kung walang utos mula sa Malakanyang. At kumpirmado iyan ni Speaker Nograles. Siya mismo ang nagsabi na napag-usapan ito sa harap ng pangulo noong pagsanib ng Partido Lakas at Kampi o PALAKA.

Q: Kailangan maagapan na po iyan, di ba?

MAR: Dapat. Iyan ang aking imumungkahi.

Q: Bakit planted si Oliver Lozano?

MAR: Kasi malinaw na pang-perder itong petisyon na ito eh, mahinang-mahina. Ang design nito ay para I-reject ito ng Korte Suprema tapos ang larawan ngayon na lalabas, komo nireject itong petisyon na ito ay legitimate ang 1109 kahit pa hindi naman iyan ang sinabi ng Korte Suprema.

Q: Bakit Con-Asswang?

MAR: Dahil sa mga kaaswangan na nangyayari dito sa Con-Ass na ito, kaya Con-Asswang. Kaya dapat bawang ang panlaban dito.

On arrival of Mancao

Q: Sinasabi na baka magamit lang daw si Mancao sa politics. Anong masasabi niyo dito?

MAR: Para sa akin kung ano ang dapat na mangyari, gawin na. Kung magfa-file sila ng kaso, gawin na. Hindi maganda itong parang strip tease na ito na unti-unti lumalabas itong mga detalye na ito at hindi natin alam kung ano talaga ang patutunguhan nito. Kung ano ang nilalaman ng affidavit, kung ano ang nilalaman ng testimonya, ay gawin na ng DOJ kung ano ang kanilang dapat gawin. Nang sa ganun, kung sinuman ang kanilang fa-file-an ay makapag-depensa din.

Q: Ano ang tingin niyo dun sa paulit-ulit na pagdadawit kay Erap at kay Ping?

MAR: Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ko na gawin na nila ang dapat nilang gawin. Ito ay nagiging trial by publicity na kung saan wala namang ipina-file na kaso, wala namang malinaw na hakbang na isinasagawa ang DOJ natin, pulos paratang lang atsaka mga hints at haka-haka. Eh di gawin na nila ang nararapat para kung sinuman ay makapagdepensa.

News Latest News Feed