Press Release
June 16, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' interview with Ted Failon at DZMM
before the Senate trade and Commerce committee hearing on the 'Disappearing Load' controversy

On Telcos Hearing

MAR: Inimbitahan natin ang mga telcos - Smart, Globe at Sun para una, ipaliwanag nila ang sistema nila ng paniningil sa ating mga kababayan. At irereklamo natin sa kanila itong mga nawawalang load, itong mga biglaan na lang ay hindi na malaman kung bakit nabawasan ang mga load ng ating kababayan.

Q: Merong resource persons for technical aspects, not from telcos but third parties or one with independent opinion?

MAR: Iyong National Telecommunications Commission, tagasubaybay ng industriya na ito, ay inimbitahan din natin at supposed to be ay sisipot din sila. 'Yung resource person sa technical ay sa kanila manggagaling, pangbungad pa lang naman ito.

Q: Anong aasahan natin dito? May pupuntahan ba ito?

MAR: Ang pinakamahalaga dito ay malalaman natin, ano ba talaga? Halimbawa, kung may magpadala ng mga ring tones at iba pang mga promos, sino ba talaga nagbabayad niyan? At ano ang mga hakbang na ginagawa nila para maproteksyunan 'yung mga subscribers na hindi nababawasan ng load dahil lamang nakatanggap ng promo na ito.

Q: Kapag nawalan ka ng load, how do you prove that? Paano ka magrereklamo sa Globe or Smart na nawalan ka ng load? Technically, how do you say that?

MAR: Inaasahan natin na isa sa kalalabasan ng hearing na ito ay malalaman natin kung nasaan ang mga help desks nila, paano ang sistema ng singil para kung halimbawa ang isang subscriber, nawalan siya ng load, nanakawan siya ng load, paano siya magrereklamo dito, paano ang sistema ng patunay kung ito nga ay ninakaw o ito ay ginamit ng tama o hindi lang nabilang sa pagtawag. Pangalawa, 'yung sistema din ng paniningil. Halimbawa, kung ang tawag ninyo ay 30-seconds lang, ang bawas ba ay 1 minuto o 30 seconds din? Malalaman natin 'yang mga 'yan nang sa gayon ay mapako din natin sila sa kanilang mga sinasabi at makakasingil tayo ng tama kung ano ba ang serbisyo na dapat nilang ibinibigay.

Q: Paki-banggit na lang po. Nitong mga nakalipas na araw, halimbawa kung ang gamit mo ay Globe at tatawag ka na ang gamit naman ay Smart, ang sagot sa iyo ay parang 'the line is disconnected.' Pero kung ang gamit mo ay Globe to Globe, nakakalusot ka. Parang ang inter-connection ay may problema pa rin...

MAR: Itatanong din natin 'yan. Pati na rin yung halimbawa, magkapatid nag-te-text lang, piso lang iyan. Pero kung ang isa sa kanila nagpunta sa Cebu o sa Davao, piso pa rin ba iyan o iba na ang singil? Sa dami kasi ng promo ay naguguluhan na ang ating mga subscribers. At baka sa kaguluhang ito ay nagkakaroon ng sobrang kita itong mga kumpanyang ito. Kaya aalamin natin ang mga bagay na ito para maabisuhan ang ating mga kababayan at malaman nila kung ano ang kanilang dapat bantayan.

Q: Ito ay napala-inam, nakakapagbigay ang mga bagay na ito ng edukasyon sa atin...sana ay hindi kayo maapektuhan ng impluwensiya nitong mga dambuhalang kumpanyang mga ito...

MAR: Maraming salamat. Maaasahan ninyo na kung anumang pagsisikap ko dun sa Legacy para malaman ang katotohanan, para mahabla ang mga dapat managot dito, ganun din po ang gagawin ko dito.

On Legacy

Q: Ano na ang latest? Nasan na ang kaso? Tapos na ba ang hearings?

MAR: Nasa Department of Justice ang mga kaso. At sa totoo lang, parang naka-stuck up dun eh. Itong Department of Justice natin ay kung ano-anong inaatupag. Pero 'yung mga talagang pangangailangan ng ating mga kababayan na makahanap ng hustisya ay parang nakalimutan na. Ayaw nilang ibaba ang kanilang mga fees, so 'yung mga nagrereklamo ay nahihirapan. Ninakawan na nga ng pera, ninakawan na ng kasiguruhan nila. Ngayon kailangan pang maghanap ng pera para lang makapag-file lamang ng reklamo. Sa Korte Suprema ay nag-cha-charge din sila ng sarili nilang mga fees para sa pag-file ng reklamo. May sulat na tayo, may resolusyon na tayo, may pag-dulog na tayo diyan sa Korte Suprema at hiniling natin sa kanila na babaan nila ang kanilang mga fees.

Q: Ang mga kaso pending pa din kay Prosecutor Emmanuel Velasco?

MAR: Opo. Ang alam ko ay pinalitan na si Prosecutor Velasco, may iba ng nakaupo diyan. At nakabinbin pa rin lahat sa DOJ. Pinupukpok natin sila para umaksyon na dito. Pinoproteksyunan nila dito si Celso eh. Ang bagal-bagal ng aksyon nila.

Q: Nangako dati si Prosecutor Velasco na mamadaliin niya ito eh...

MAR: Tama ka dun. In fact, ayaw kong I-bring up ito but on the very morning na nangyari iyong trahedyang iyon, ininterview mo ako nun tungkol dito sa pre-need. Pero magmula nun hanggang ngayon, pinupukpok natin ang DOJ para mag-file na ng kaso.

On Korina

Q: Ano ang pakiramdam ng namamanhikan?

MAR: Siyempre, ninerbiyos, sobrang nerbiyos. Namamawis ang palad ko, pati ang kili-kili ko. (Laughs) Pero siyempre, kailangan kong gawin ito. Buo ang loob ko dahil ito talaga ang gusto ko. Nagpapasalamat naman ako sa pagtanggap ni Korina at ng kanyang pamilya sa aking marriage proposal.

Q: May petsa na ba?

MAR: Si Ate Korina ang tanungin mo. Maraming seremonya iyan eh. May feng shui, may numerology. At sabi nga sa akin ni Korina, 'Mar ipaubaya mo na sa akin iyang kasal, ako na ang bahala sa lahat ng detalye. Total, panghabambuhay ako naman ang magdurusa sa iyo.'

Q: Marami ang nagmamasid sa inyong buhay-personal. Iyong ibang nakausap ko, kanino ba hahantong si Mar Roxas...at the end of the day, ang tanong ng lahat: Bakit si Korina Sanchez? Anong meron siya?

MAR: Araw-araw kayong magkasama. Kilala mo naman si Korina. Sa kabila ng kanyang pagiging matapang na advocate sa karapatan ng mamamayang Pilipino, ay siya rin po ay babaeng-babae, nagmamahal.

Parang namanhikan din naman ako sa iyo. Patay na ang kanyang mga magulang at para ka na rin niyang kapatid.

Ted: 19 years kong nakasama si Korina. Nakita ko na siyang tumawa, ngumiti at pati umiyak. Ang aming pinagsamahan professionally at ang pagiging mag-kumare at kumpare namin, Senador Mar, coming from a brother, please take care of her.

MAR: Hinding-hindi kita bibigyan ng dahilan na magalit ka sa akin dahil napalungkot ko si Korina.

News Latest News Feed