Press Release
June 23, 2009

Transcript of press briefing after the consultative meeting
on poll automation

Sir yung sa authentication ng dokumento...

It is not something that they cannot remedy, but you have to bear in mind also in previous qualification procedures of the bids and awards committee, they disqualified bidders for far less, for far less, and in fact they even disqualified some because of the authentication problem of the absence of authentication. Hindi ko alam kung ano ang magiging pasya ng sbac tungkol dito pero gaya ng nabanggit ko, nag-hearing kami matapos mag-award para hindi kami mapulaan o masabihang pinapakialaman yung bidding o may pinapaboran. Ngayong may nanalo na gusto lang namin na bigyang linaw nya lahat ng mga bagay na ito at pagdududa para wala tayong makitang lubak o hindi nating malampasang harang.

Are you confident on the poll automation?

I am confident in the concept of the automation, naniniwala ako sa automation pero gusto kong paniwalain ako ng Comelec na kaya talaga nilang gawin ito nang walang kapalpakan at nais kong kumbinsihin tayong lahat ng Comelec na alam talaga nila ang ginagawa nila dahil lumalabas sa mga pauna pa lamang gaya ng sinabi ni Sen. Gordon masyado sialng maraming pinapalampas at hinahayaan na lamang dahil sa kagustuhan mag-automate tila willing na silang kalimutan at talikuran ang ilang mga legal na requirements at ialng detalya na dapat sana ay alam nila o inaalam nila.

Pede ba nating maconsider na valid yung mga document na na-submit...

No. valid lamang yun sa punto de vista ng batas natin at ng gobyerno kapagka ang authentication ay tama, so pero procedural yon pede namang i-correct at iwasto yon pero sa ngayon sa palagay ko hindi katanggap-tanggapa ng dokumentong yon dahil magulo na nga sa dokumento ng Comelec, ano ba ito Smartmatic Group ang ginamit na pangalan nang magpakita ng track record, Smartmatic Barbados nang nakipagkasundo sa TIM, yung local company, Smartmatic Netherlands nong pinakita nila yung nakipagkontrata sa eleksyon sa Amerika, tapos Smartmatic International naman ang sinasabai nilang bumili ng isang kumpanya sa Taiwan. Tapos meron ka pang Jarltech na kumpanya sa Taiwan na binili nila dalawang linggo bago sila magbidding at sasabihin nilang may ISO certification sila dahil don. Dahil kuwestiyonable at nais kong malaman sino-sino ba ang nasa likod nito, marapat at dapat lang yung authentication ay tama at accurate.

Layering ba ang tawag don sir?

Layering, sell company o ibat-ibang modus ng mga abogado na itago kung sino man ang tunay na may-ari nasa interes ni Juan dela Cruz, alamin sino ba ang may ari nito para kung pumalpak at nakita natin sa dilim alam natin kung sino siya at ano ang gagawin natin, hindi yung hindi natin kilala kung sino ang may kagagawan ng kaguluhan dito dahil sa isang palpak na halalan.

Question is inadidible

I will let the lawyers decide that in the court if at all decide that should the case be brought before the court . Ayokong panghimasukan sa ngayon ang validity or invalidity sa ngayon ng kontrata dahil sa ngayon ang komite nagrereview sa oversight function nito at binibigyan ng suhestiyon ang Comelec kung paano iwasto ang mali, kung paano idiretso ang baluktot at kung paano tuparin ang batas ayon sa intensyon ng Kongreso.

Question is inaudible...

I don't think so, my opinion i don't think so but comelec is free to decide what it wants to do and we cannot order them around.

May power ba yung oversight to revoke the contract?

No, none.

After this hearing are you are you convinced the Comelec can really automate the elections?

No. for the simple reason that they don't have a plan as of yet and the details are "to follow." Iaasa na nga sa To Go yung pagpapadala yung detalye pa "to follow." Hihintayin namin siguro na malaman lahat bago kami makumbinsi, ikanga ni sen. Gordon kanina at senator Enrile paano yung malalayong ibat-ibang lugar ng Pilipinas ni hindi pa alam ng Comelec kung papaano at ang sagot ng Comelec "obligasyo na po ng bidder yan at nang magbid sila nangako sila na gagawin nila yan." Sigurado ba kayo na gagawin nila eh kung hindi po nila ginawa yan dedemanda po natin sila at hindi natin sila babayaran. Ikanga ni sen. Enrile paano na wala na tayong gobyerno hindi na natin alam ang opisyal natin at baka nagkagulo na. hindi na mahalaga siguro yung hindi babayaran, idedemanda, ang mahalaga kaya ba talagang gawin yung pinangakong gawin o hindi, yun ang nais naming marinig mula sa kanila.

So we run after a (inaudible)....

Sa akin hindi na nga mahalaga yon eh, it should not fail, if we will do it, it should not fail. If we cannot do it we should also admit that fact. Yung kung sino ang hahabulin, sino ang idedemenda ang tanong may korte pa ba tayong pagdedemendahan sa kanila at may gobyerno pa ba tayong maghahabol sa kanila dahil sa kaguluhang idudulot ng kawalan ng maliwanag at klarong nanalo sa halalan. But to answer your question if at what will be sued will be the JVC, the joint venture company, principally Smartmatic Barbados and TIM, the Filipino counterpart and partner.

Sir anong dokumento yung na-authenticate ng ating consul general sa Washington?

Ang na-authenticate niya ay yung secretary certificate ng Smartmatic Barbados na nagbibigay ng kopya sa comelec ng articles of incorporation and by-laws. Ito yong dokumentong nagsasabi sino ba itong Smartmatic Barbados, sino ba ang nasa likod nila, ano ba ang capitalization nila, ano ba ang network nila. Yun yung ino-authenticate na dokumento non kaya importante at mahalagang dokumento yon na hindi lamang binabalewala dahil yun yung parang letter of introduction ng smartmatic sa ating pamahalaan at bansa. Sir it should be the faith and confident in Caracas (inaudible)...

Well for DFA memorandum according to the information i got 7-06 since May 2006, it should already be in the embassy in Caracas, Venezuela and not the consulate in the District of Columbia in Washington D.C.

Whether it is sufficient or not the fact remains they're wrong.

Is it the first time you know that To Go will be involved in the poll automation?

Yes, officially. Because during the bidding process, it was supposed to be part of one of the bidders, but apparently they did not push through and it is the first time at all we're hearing that the plan presented to us Comelec is actually based on the proposal of To Go and not based on smartmatic on plan, not based on comelec's own study and plan as well.

Sir how about the Bicol hub?

Know they just said Bicol, they did not even know where, they committed to submit it to us but ang problema ko don mas basis eh, bakit To Go ang magsasabi sa atin kung paano, bakit hindi ang comelec ang nag-aral, nag-isip at nagplano na ganito dapat ito base sa karanasan namin halalan, tapos sinabi nila sa bidder oh ito dapat yung mga lugat na jump off points ninyo, they're relying completely on most of the things on the bidder, they're outsourcing the entire elections essentially at ang gagawin na lamang ng comelec magbibilang ng boto sa araw ng halalan but all the rest they're giving and rolling it out to third parties without any plans coming from comelec itself and they are relying solely on the expertise of the winning bidder.

Pede pa ba silang habulin kahit na nagkapirmahan na...

Definitely anything the comelec does can be questioned in courts by any interested party with standing, para sabihing kulang to, mali to, tigilan to, lahat yon pedeng gawin sa korte pero hindi marahil manggagaling sa komiteng ito, ang objective namin sa komiteng ito bantayan at tiyakin na kung mag-o-automate tayo maayos at tama ang automatino at kung hindi man marapat din nating malaman paano, kailan, saan para sagayon mapagbigay-alam sa taong bayan. Hayaan na natin yung mga natalong bidder siguro, yung ibang mga NGO at PO na magjuwestyon sa korte nito pero hindi manggagaling sa komite mismo.

Ano ang epekto non made-delay ang process....

Labas naman na sa kamay natin yon, depende kung mag-iisyu ng TRO ang korte kung may preliminary injunction, lahat yon labas na sa kamay ng senado, labas sa kamay ng komite at wag nating pangunahan ang pedeng gawin ng senado kung saka-sakali.

Sir ilang pahina ang balota?

Isang pahina, back to back, ang haba at humigit-kumulang ay 30 inches, o tatlong shor bond paper ang sinasabi nilang haba ng balota.

Ilang pangalan ng mga kandidato?

Humigit-kumulang 360 pangalan ang isisiksik nila sa ganong uri ng balota na hindi pa rin naman pinal eh kasi wala pa namang kontrara eh, pero roughly ang estimate nila 30 inches ang haba. Back to back, may nakalagay na this side up para yung pasok tama, baka mali ang pasok. 10 ang font, aton sa terms of reference.

Sir do you think deliberate yung error na with respect to the authentication o misinformed lang ang opisyal...

Hindi lang talaga ginawa ng Comelec ang homework nila kaya hindi nila alam kung tama o mali, tinanggap na lamang nila yung sinabi ng smartmatic barbados, tinanggap nila yung advise ng kanilang law firm at hindi na nagresearch pa, ang dali lang namang tawagan sa telepono, ginawa ko yon kaninang umaga, tumawag lang ako ito nga ba ang may sakop don dahil hindi ko alam, una kong narinig yung barbados, so tinanong ko, sana ang comelec nagtanong din. Again tutok, homework, due diligence at sana wag silang magyadong relax pagdating sa pagpapatupad ng automation.

Ito ni hindi iniinspeksyon ng comelec ang planta eh kung saka-sakali gagawin pa lamang nila. Halalan ng bansa ang pinag-uusapan, sana naman kaunting homework, kaunting due diligence, kaunting pag-alam at pagtiyak na yung mga sinasabi ngaba nila ay totoo, dahil authentication pa lamang ng articles of incorporation nila hindi na totoo, lalo na siguro yung mas malalaking bagay, dapat sana tinututukan nila.

Signing na on Friday

It is scheduled to be signed on Friday, ang hiningi ko sa comelec kanina isang araw man lang para tingng ng senado, ng oversight committee ang kontarat dahil baka may suhestiyon pa kami pero may komentaryo man kami o wala, sundin man nila o hindi, finish or not finish pass your paper pa rin yon. Ibig sabihin korte pa rin ang magdedesisyon nyan sa dulo dahil walang kapangyarihan ang senado o ang oversight committee turua, orderan at pagsabihan ang comelec, recommendatory lamang kami.

Sana i-review nila dahil yung 60-40 na lang mali na yon eh, bakit may veto power yung foreign company na 40% lang, bakit may posibilidad na deadlock sa pagitan ng dalawang kumpanya, yun ba yung hindi poag sircumbent don sa 60-40 requirement? 60-40 ka nga, majority ka nga na Pilipino pero kailangan mo pa rin ng isa sa kanila, medyo mali yata yon. Yung funding ganundin, kanino ba galing yung pera, yung inisyung guarantee, letter of credit, line of credit ay para sa kanialng dalawa, hindi ba dapat yung 60% galing sa bulsa ng Pinoy, yung 40% galing sa bulsa ng dayuhan, yung inisyu nilang credit line in favor of the two of them, what preventing smartmatic from saying "bata ako ng bahala sa lahat ng capital requirement basta ako ang masusunod ha, sana tinitiyak yon ng comelec at sinisigurado para hindi tayo maunsiyami sa dulo.

Yung mga supply ng mga machine imamanufacture pa lang...

Kabibili pa alng nila, kabibili pa lang nong kumpanya, at yung machine na gagamitin natin inamin naman ng comelec eh, hindi pa naman yon natetesting dito eh, ARMM sila ng ARMM, iba naman ang ginamit nila sa ARMM, hindi naman ito eh, ang ginamit nila sa ARMM was OMR, optical media reader at yung sa computer ka mismo pipindot. Ito ay hindi pa nagagamit sa Pilipinas, unang beses itong gagamitin sa Pilipinas kaya hindi nila huwag nilang ipagmalaki anumang tarck record non dahil mag-eekspremento at wag lang sana mukhang pinageeksprementuhan tayo nitong mga ito.

What Comelec should do?

Again admit, if they can do it and if it can be done make sure they can do it. If they cannot admit and accept that also and act accordingly, partial or full automation or manual desisyunan nila, ultimately they are responsible for it.

Sir wala kang duda doon sa Aboitiz, yung sa To Go?

Ang problema nga, hindi pa na-engaged ng smartmatic ang aboitiz, not yet ha, pero ang planong na-persent ng Comelec galing sa kanila, paano nangyari yon, yung comelec yung nagsasalita kanina si Tolentino akala mo lahat yon galing sa kanila, apparently hindi kinopya lang nila sa proposal ng smartmatic, nakakataas b ng kumpiyansa yon? Mulat-mula sinasabi ko, hindi ko lang sila mapatawad, pero hindi nila alam ang ginagawa nila at bulag silang sumusunod sa anumang binibigay o sinusumite sa kanila. Sana kaunting tutok, hindi yung patulog-tulog sila at tinatanggap nila anumang binibigay sa kanila.

Wala bang problema sa kanila yung puhunan nila, maliit yung puhunan nila.

Magandang tanungin sa Comelec yan later, P7.2 billion ang kontrata, 1.5 billion ang puhunan, ibig sabihin non parang gigisahin tayo sa sariling mantika, wala naman silang nilabas na pera kung magkano yung ibabayad natin sa kanila, yun din ang gagamitin sila sa paggawa nito.

Basically sa hearing parang napatunayan na hindi pa ganon ka-prepared yung comelec?

Hindi pa dahil hindi pa nila masagot lahat ang tanong, puro gagawin pa lang yung service, magmamapa pa lang kami, papagawa pa lang yung makina, magte-train pa lang kami, yung warehouse rerentahan pa lang namin, lahat puro to follow eh.

Hindi pa rin nila kaya sa mga province?

Hindi pa natin sigurado, yun yung nais nating alamin.

Hindi pa daw makagalaw kasi wala pang pera eh...

Kaya nga dapat may financial capability sila para makagalaw sila.

On swine flu...

Hindi ko alam kung may contingency ang senado pero tulad ng binabanggit ko hindi lang reactionary, dapat sana preventive medicine at care ang ginagawa ng department of health, kung saan ibaba at idownload sa mga barangay health centers ang kanilang mag gamot at kaalaman, hindi yung DOH lang ang may alam dahil sa ngayon pag ikaw ay may H1N1 DOH ka lang pupunta, sana hanggang sa lokalidad alam sana nila ihandle ito at paano i-identify ito.

News Latest News Feed