Press Release
June 29, 2009

DZMM interview with Senator Chiz Escudero on Poll Automation

Gerry: Nakusap ho namin si chairman Melo kanina, nabalitaan nyo na ho ba yung pag atras daw ng TIM?

FGE: Napanood ko sa ANC Gerry.

Gerry: Naku, paano ho yan Sen. Chiz?

FGE: May mga legal na option ang Comelec kung anong gagawin nila, sana pag-aralan nila ng husto. Pero ang tingin ko dito Gerry dapat malaman natin, ano bang issue at hindi nagkasundo ang TIM at ang Smartmatic? Magandang marinig natin ang magkabilang panig para po maintindihan natin ang nasa likod ng kanilang hindi pagkakasundo. Kung mag-aaway rin lang at hindi sila magkakasundo, maganda na rin siguro malaman natin ng ganito kaaga kaysa naman sa gitna ng eleksyon pag nag o-automate na tayo ay doon pa sila di magkakasundo at mag-aaway.

Gerry: Ay tama ho yun. Kaya lang Sen. Chiz, yung pinapangarap nating automated election ay nabibingit ngayon. Ang sabi ni chairman Melo, ang nakikita nilang option, pag-aaralan nila yung legal aspect ay kung pwedeng yung Smartmatic at ang Comelec na mismo ang magpatupad ng automation?

FGE: Hindi ko alam kung pupwede yun pero magandang tingnan at pag-aralan ng Comelec yan. Pero babalikan ko Gerry yung posisyon ko kaugnay naman talaga nito. Kung hindi pwede at kung sumasabog sa mukha na natin ganito palang kaaga, eh dapat naman siguro magdahan-dahan tayo at tigilan na ng Comelec ang pagmamadali nila kaugnay ng automation. Pangalawa, kung talagang ang option ay talagang hindi sila magkakasundo na, balikan natin yung sinasabi ng batas. Ang sabi ng batas Gerry, mag pilot test tayo sa dalawang highly urbanized city at dalawang probinsya na Luzon, Visayas at Mindanao bago yun ipatupad sa buong Pilipinas. Yun ang nakalagay sa batas na matagal ko ng sinasabi at hindi pinapansin ng Comelec at nagsusulong ng automation minsanan sa buong bansa agad.

Gerry: Meron palang ganong batas Senator?

FGE: Oo Gerry, meron ganong batas sa poll automation law. Nakalagay dun na bago mag automate sa buong bansa pilot test muna tayo, Tinuturo ng Comelec lagi yung ARMM. Ang problema, Mindanao lang yun at wala pang pilot test sa Visayas at Luzon. Pangalawa, Gerry yung ginamit na equipments diyan sa Mindanao hindi yun ang gagamitin ngayon. In other words, hindi pa rin natetesting talaga maski na saang parte ng Pilipinas itong sistema na kung tawagin nila ay PCOS. Siguro dapat tignan din ng Comelec yun bilang pagsunod sa tinatalaga talaga ng batas.

Gerry: Kung yun ang sinasabi talaga ng batas. Pero panghuli nalang Sen. Chiz, sa nangyayari ngayon sa pag-atras ng TIM, ano sa tingin ninyo, ibalik nalang sa mano-mano kaysa sa ipilit pa itong poll automation?

FGE: Sa akin Gerry mas maganda ng malaman na may ganitong problema habang makaka-adjust pa ang Comelec kaysa mangyari itong problema Disyembre, January o Marso kung saan medyo magkakagulo at gulo yun kapag ka dun nangyari ang hindi pagkakaintindihan sa pagitang ng mag joint venture.

News Latest News Feed