Press Release
July 10, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' press briefing at the Senate Media Office

On Pharma Conspiracy

MAR: July 10 ngayon. Isang buwan na ang nakalipas mula nung ipinadala at natanggap ng Pangulo itong sulat mula sa DOH na nagmumungkahi na ipatupad na ang murang gamot. One month na. June 10 ipinadala ito, July 10 na ngayon. Magmula noon, ang Pangulo nakapag-biyahe na sa kung saan-saan. Ang pangulo ay nakapag-self-quarantine na sa ospital, siguro naman ay natanong niya dun ang presyo ng mga gamot. At ang pangulo ay nagkaroon ng panahon para makipagkita sa mga pharmaceutical companies nitong nakaraang Miyerkules na ito. Pero hanggang sa ngayon hindi pa naipatutupad itong Executive Order na naglalagay o nagtatakda ng Maximum Retail Price para sa mga gamot. Gamot na pangangailangan natin, gamot na iniinom ng ating mga kamag-anak, kapamilya, kapuso. Gamot na napakamahal, sobrang mahal ang singil dito sa atin.

Ginang Pangulo, gawin niyo po ang inyong trabaho. Pirmahan niyo na po itong executive order. Isakatuparan na po natin ang matagal na nating inaantay, ang matagal na nating pangarap na ibaba ang presyo ng gamot dito sa ating bansa. May panahon po kayo para makipagkita sa mga pharmaceutical companies. Bakit po ba, nila-lobby po ba nila na iwasan ninyo ang pagpapatupad ng batas na ito? Ano ba ang hiningi nila sa inyo? Ano ba ang kapalit nitong hiningi nila sa inyo? Ginang Pangulo, inaantay ito ng ating mga kababayan. Marami po, lalong-lalo na iyong mga senior citizens, lalong-lalo na po iyong mga umiinom ng maintenance medicines, araw-araw na pangangailangan na inumin itong mga gamot na ito. Batas po ito, gawin po natin kung ano ang dapat. Gawin po natin kung ano ang tama. Ibaba po natin ang presyo ng gamot.

Q: Taga-Malacañang din po ba ang inyong source tungkol dito sa meeting?

MAR: Iyong meeting ginanap sa Malacañang, Nandun si Secretary Duque at dun alam ko, nireklamo ng mga pharmaceutical companies itong EO na ito. Ayaw nila, nirereklamo nila 'yung pagpirma ng pangulo nitong EO na ito. Sang-ayon sa batas, dito mismo nakasabi dito sa sulat ni Sec. Duque - yours truly, Francisco Duque at lahat ng kanyang mga staff pumirma dito, authentic ito - sabi dito: 'The imposition of Maximum Retail Price pursuant to RA 9502 is being invoked in order to improve the health and productivity of Filipinos. DOH is respectfully endorsing favorable action ... The list and criteria were drawn up after technical studies and series of consultations with various stakeholders. And this list and the criteria have already been presented to the Advisory Council for Price Regulation made up of DOH, DTI, Intellectual Property Office, BFAD, Philhealth.' 'Yung private sector, 'yung PHAP (Pharmaceutical Association of the Philippines), 'yung DSAP (Drugstore Association of the Philippines), 'yung Filipino Pharmaceutical Laboratories, etc. Civil society - Oxfam, 3CPNET, etc - lahat po nakonsulta na po lahat bago pa naipadala itong sulat na nagmumungkahi na itakda na iyong Maximum Retail Price. Ito: 'Indicators of market failure.' Ibig sabihin, ang DOH nagsasabi may pagkukuntsaba, may indicators of market failure ... ibig sabihin ng market failure, 'yung inaasahan na kumpetisyon na siyang magpapababa ng presyo, hindi umaandar, nagkakakuntsabahan sa presyo kaya sobrang mahal ang singil dito sa atin. Nakikita natin ... By the way, ito ang presentation ng DOH, kanila ito. By Secretary Duque, June 8, ito ang pinresent niya dito sa Senado. Sila mismo nagsasabi. Halimbawa itong Norvasc, ang presyo dito sa atin P44.50. Ang kanilang MRP is P22.50. Ano pa ang inaantay ng Malakanyang? Department of Health na ang nagsasabi sobra ang singil dito sa atin. Pinagsasamantalahan tayo, inaabuso tayo. 'Yung market mechanism, 'yung kumpetisyon na tinatawag, hindi umubra, hindi umaandar, na-aberya dahil nga sa pagkukuntsaba. Nakikita natin na doon sa hearing mismo, ang DOH nagsabi na sobrang mahal ang singil dito sa atin, June 8 iyon. June 10, ginawa ng DOH ang ipinangako nila dito sa Senado, ipinadala na nila sa Malakanyang ang sulat. July 10 na ngayon, one month na ang nakalipas, one month anniversary. Hindi ba nababahala si Pangulong Arroyo sa sobrang mahal ng presyo dito sa atin? Hindi ba niya naiisip 'yung sobrang ibinabayad natin dito sa mga gamot? Nung nandun siya nagpa-confine sa Asian Hospital, hindi ba niya tinanong ang mga botika dun, sa pharmacy? Hindi ba niya tinanong dun sa mga kasama niyang pasyente kung magkano ang ibinabayad nila? Hindi ba niya naitatanong sa kanyang security, diyan na lang sa Malakanyang, sa mga PSG na kanyang security: Bumibili ba kayo ng gamot? 'Yung magulang ba ninyo nangangailangan ba ng maintenance? Hindi ba niya alam kung gaano natin inaantay itong murang gamot na ito?

Ginang Pangulo, nasa batas po ito. Gawin po ninyo ang batas. Papasalamatan po kayo ng taumbayan.

Q: Sir, sino iyong presidential adviser na nag-facilitate nung meeting?

MAR: Isang problema ni Pangulong Arroyo, nakikinig kasi siya sa mga presidential adviser, presidential assistant na may conflict of interest. 'Yung kanyang executive director ng International Board of Advisers ay si Ginoong Roberto Romulo na siyang chairman din po ng Pharma Zuellig. Ang Zuellig iyan po ang may hawak ng 8% ng wholesale pharmaceutical market dito sa ating bansa. Ginang Arroyo, Madam President, huwag po kayong makinig diyan sa mga nag-a-advise na huwag niyong pirmahan ito. Dinadala po kayo sa alanganin niyan. Gawin po natin kung ano ang inaantay ng ating mga kababayan, gawin po natin kung ano nasa batas, gawin po natin kung ano ang tama. Tama po na pababain po natin ang presyo ng gamot.

Q: Nag-I-isyu naman ang mga pharma companies ng mga discount cards ...

MAR: Nagpapatunay na puwede naman palang ibaba ang presyo, bakit hindi na lang nila gawin? Una. Pangalawa, bakit hindi na lang ipatupad ng Malakanyang ang batas na ito? Bakit nila pinababayaan na maging discount-discount pa ito? Itong mga discount cards, mga sulit cards, masama ito, huwag tayong madadala dito. PR propaganda lang po ito.

Bakit ito masama? Una, anti-mahirap po ito. Bakit? Sino ba ang nabibigyan ng Sulit card? Mga mayayaman, 'yung mga nakakapunta sa doctor kasi iyong distribution ng Sulit card, through the medical profession. Eh kung mahirap ka, wala kang pera, wala kang panahon para pumunta sa doctor mo, paano ka makakakuha ng Sulit card? Anti-mahirap itong Sulit card na ito.

Pangalawa, anti-SME ito, Small and Medium Enterprise. Bakit? Sino ba ang binibigyan ng card reader? Lahat itong Sulit cards na ito dumadaan di ba sa parang mekanismo na card reader? Sino ba ang nabibigyan nitong mekanismong ito? Itong malalaki: Mercury, Watson, 'yung malalaking drugstore chain. Paano 'yung maliliit? 'Yung mga walang card na pambasa nitong card na ito? Eh di hindi sila pupuntahan nitong mga merong Sulit card. Eh di anti-SME, anti-Small and Medium Enterprise ito, anti-maliliit na botika ito.

At panghuli, itong Sulit card na ito, anti-generics company ito. Bakit? Lahat ng datos na nakukuha nila diyan sa pagsa-swipe ng Sulit card na iyan, napupunta sa mga proprietary pharmaceutical companies, hindi na-she-share iyan, hindi public domain iyan. So iyong buying patterns, iyong pangalan kung sino-sino itong mga makakabili napupunta lamang dun sa mga may-ari ng Sulit cards na ito, sa malalaki, sa mga dambuhala, sa mga big-time na pharmaceutical companies. Kaya itong Sulit card na ito, propaganda ito para lamang mawala ang atensyon ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas. May batas po tayo, pwede po, nasa kamay po ng gobyerno na pababain ang presyo ng gamot. Gawin po natin kung ano lang ang tama.

Q: Impeachable ba kung hindi naipatupad ang batas?

MAR: Impeachable iyan, pero hindi na tayo darating diyan, wala ng impeachment-impeachment. Ang punto dito, Madam President, huwag niyong gawin ito kasi takot kayo sa impeachment. Gawin niyo po ito dahil tama po ito. Gawin niyo po ito para nandun po kayo, kumampi po kayo sa ating mga kababayan. Laban po ito laban sa mga big-time na pharmaceutical companies na sinasakal tayo. Ilang taon na ito, ilang dekada na ito, nakikita po natin kung gaano kalaki ang kanilang singil.

Dito po, may Caldis, ang presyo po dito P50. Ang MRP niya P22.25 ... lahat po ito, 22 medicines po ito, rekomendado po ito ng DOH. Iyong DOH sumunod po sa batas, gumawa po ng Council, gumawa po ng Research at nakita nila na hindi maganda, hindi maayos ang kumpetisyon dito kaya sobra ang singil, inaabuso po tayo. Kaya sinunod po ng DOH ang batas, nag-rekomenda sila sa Pangulo. Nasa pangulo na po ito.

Ang punto ko po dito ay one month na po ito ... ang daming panahon ni Pangulong Arroyo para gawin kung ano-ano. May panahon pa nga siya para makipag-usap sa mga pharmaceutical companies eh. Hindi ba niya naiisip na sa bawat araw na hindi naibababa ang presyo ng gamot, bawat tableta -- halos P22 ang nawawala sa Norvasc? Hindi ba niya alam na sa lahat ng umiinom ng Lipitor, anti-cholesterol po ito - P30 ang nawawala sa bawat Pilipino na umiinom ng Lipitor. Sa bawat araw na hindi po niya napipirmahan iyan, dito po sa diabetes, itong Diamicron, ang singil po ay P7.35; P14.75 ang nasa botika, P7 bawat tableta ang nawawala.

May panahon pa po kayo Ginang Pangulo para harapin itong mga pharmaceutical companies, harapin po ninyo ang ating mga kababayan. Sila po ang nangangailangan, may batas po tayo, ipatupad po natin ang batas na ito.

Q: May invitation for GMA to attend oversight hearing on Monday?

MAR: Sa kadahilanan nga na nagkaroon ng miting dun sa Malakanyang at hindi natin alam kung ano ang napag-usapan, baka nagkaroon ng aregluhan, baka nagkaroon ng sabwatan kung ano na ang mangyayari dito sa batas, nagtakda tayo ng oversight committee hearing dito po sa pagpapatupad nitong batas. Inimbitahan po natin ang DOH, ang representatives ng pharmaceutical companies, at nagpadala po tayo ng notice to the president para magpadala ng representative. Para malaman po natin ang katotohanan: paano nangyari itong miting na nito? Sino ang humingi nitong miting na ito? Kelan hiningi itong miting na ito at kelan pinag-bigyan, bakit nagkaroon agad ng schedule itong miting na ito? Makikita natin sa mga record. Malalaman natin ngayon kung ang gobyerno pa tumatayo para sa interest natin o tumatayo para sa interest nitong malalaking kumpanya na ito.

Q: Are you saying it was Roberto Romulo who arranged the meeting?

MAR: Ang punto ko dito, ang pangulo kasi may mga adviser. Hindi ko sinasabi na siya ang nag-arrange ng meeting. Ang pangulo nakapaligid sa kanya mga adviser ... baka hindi niya alam, chairman ito ng Zuellig Pharma na may hawak ng 80% ng wholesale pharmaceutical market dito sa ating bansa.

Kaya nagpatawag tayo ng hearing. Sa Lunes aalamin natin ito.

Q: Iyon ba ang conflict of interest ni Romulo dun?

MAR: Oo. Adviser siya at Zuellig siya. Ang punto ko dito, 'yung mga adviser ng pangulo, dapat ilahad nila kung ano ang kanilang mga interest na nilalakad nila. Ano ba ang mga kumpanya na nilalakad nila?

Q: Iyong meeting prior to the signing of the EO, meron ba iyong nilalabag na batas?

MAR: Puwede naman makipag-miting. Ang sinasabi ko lang dito, okay miniting niya iyong mga pharmaceutical companies. Mi-miting-in ba niya iyong mga may sakit, iyong mga kababayan natin na araw-araw nagbabayad ng sobra-sobra?

'Yung Department of Health nagbigay ng rekomendasyon. Eh kung hindi niya tatanggapin ito, aba dapat ay mag-resign na lang lahat sila sa DOH. Ano pa ang silbi nila kung hindi naman tatanggapin ng pangulo ang kanilang rekomendasyon? Sila na mismo ang nagsasabi ... sumunod kami sa batas, sang-ayon sa batas ito, ginagawa namin 'yung probisyon ng batas. Kinunsulta namin ito sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, pati sa private sector. At nakita namin indicators of market failure, ibig sabihin hindi umaandor, hindi maayos ang kumpetisyon dito sa atin. Kaya sobra, abusado ang singil dito.

Q: Kelan iyong meeting?

MAR: Wednesday, nitong nakaraang Wednesday. Nadinig ko ito Wednesday night, chineck ko kung totoong nagkaroon ng miting kaya ngayon nandito ako, nananawagan ako sa pangulo: Huwag po kayong makinig diyan. Nagla-lobby lang po ang mga iyan. Huwag po kayong makinig sa mga adviser ninyo, nagla-lobby lang po iyan. Panigan po ninyo, tayuan po ninyo, tindigan po ninyo, ang interest ng ating mga kababayan.

Q: Agenda noong Wednesday? Talagang bina-block nila iyong MRP?

MAR: Sinabi nila dun sa miting. Hindi maayos ito, hindi maganda ito, iligal, kung ano-ano ang sinabi nila. Sinasabi nila, ayaw nila na pirmahan ito ng pangulo.

Hindi ko bibitiwan itong isyu na ito. Nasa batas na ito. Ang tagal na nating ipinaglaban ito. Ngayong nasa batas na ito, wala ng dahilan kung bakit hindi na mangyari ito kung hindi na lang iyong kagustuhan ng pangulo.

Q: Ano itong mga pharmaceutical companies na ito?

MAR: Ayaw ko ng magbanggit kasi hindi kumpirmado. Sa Lunes malalaman natin. Pero sigurado Nandun ang Pfizer, nandun ang PHAP, Pharmaceutical Association of the Philippines, nandun ang iba pang kumpanya.

Q: Ayaw daw ni GMA ang MRP kasi ito daw ay Mar for President?

MAR: Huwag na nating lagyan politika ito. Hinihintay ng ating mga kababayan iyong mababang presyo. I-anunsiyo niyo na po sa SONA ninyo, sa inyo na po ang credit, kayo na po ang bida dito, Ginang Pangulo. Pero ibaba po ninyo ang presyo ng gamot. Hindi na po importante dito kung kanino ang credit, ang importante po dito ay maibaba ang presyo ng gamot.

Q: Hindi ka natatakot dun sa buwelta ng multinational firms?

MAR: Gawin na ng multinational firms kung ano ang gagawin nila. Hindi ako aatras. Hindi ko sila aatrasan. Sampung taon na tayong naglalaban dito. Makakarma din sila.

Hindi ba nahuli na sila dun sa Kongreso? Nung nag-lobby sila na ma-adjourn na para hindi magkaroon ng botohan dun sa bill? Natawid na natin 'yung hamon na iyon. Nagkaroon na tayo ng batas. Ngayon nagla-lobby na naman sila sa Malakanyang. Pambihira talaga itong mga kumpanyang ito. Ayaw nilang isuko ang napakalaking kinikita nila. Sila na mismo ang umamin: 'yung sinisingil nilang P40, pwede naman nilang singilin ng P22 sa Sulit card. Bakit hindi na lang nila ibaba ng P22?

Q: Anong companies ang nagpunta sa miting sa Malakanyang?

MAR: Malalaman natin sa Lunes mula dun sa official guest list, public record iyan eh.

Q: Kung ayaw ibigay?

MAR: Aba, may tinatago sila. Kung lehitimo naman ang miting, anong itatago nila? 'Yung pagmimiting by itself, walang mali iyon. Ang punto dito, ano ang pakay ng miting? Iba ang miting na, 'Mam, nagpunta po kami dito bilang isang industriya dahil kinokotongan kami ng Customs..' Okay iyan. Iba naman 'yung miting: 'Mam, nagpunta kami dito kasi ayaw namin 'yung batas.' Aba, iba naman iyan.

OTHER ISSUES

On bombings

MAR: Maraming mga haka-haka tungkol dito sa mga bombings na ito. Hindi alam nga kung bakit nangyayari ito. Tuwing SONA nagkakaroon ng pag-init sa ating security situation. Napakalaki ng budget ng gobyerno. At pinagmamalaki ng pangulo na strong republic, matindi ang kanyang security team. Eh di alam nila kung bakit nangyayari ito. This is a law enforcement problem.

On Poll Automation

Q: Reaction on petition with SC blocking signing of automation agreement today?

MAR: Pabor ako sa automation. Hangad nila, pangarap natin, malinis at credible na halalan para sa lahat ng sa ganun ay magkaroon tayo ng stability sa ating demokrasya. Para sa akin 'yung automation, hindi man perfect ito, pero automation malaking hakbang ito para mapabilis ang pag-report ng resulta at mabawasan ang pagkakataon ng pagpapalit o pagbabago ng resulta.

On Telcos

Q: Kailangan bang maibalik 'yung 12% tax sa telcos?

MAR: Ito lang ang masasabi ko. Dito sa mga telco: Dapat ihiwalay natin iyong kita dun sa nakaw. Iba naman iyong lehitimong kita eh, lahat naman pwedeng kumita. Iba naman iyong nakaw. Ano ba itong nakaw na ito? Ibig sabihin ng nakaw, anong halimbawa? Magbabayad ka ng 1 dosenang itlog, 3 itlog lang ang ibigay sa iyo. Ganun din sa celfone. Magbabayad tayo ng 1 minutong gamit ng celfone kahit kalahating minuto lang ang ating paggamit. Iba iyon. Iba naman iyong kita, lehitimong kita. Nag-invest ka, maganda ang negosyo mo, nag-click ang produkto mo, kikita ka. Okay lang iyon.

Ngayon, nasa gobyerno, nasa NTC, nasa pagbabantay ng gobyerno iyong pag-proteksyon sa ating interest. Huwag nating payagan na nakawan tayo. 'Yun ang nangyari sa pre-need, 'yun din ang nangyayari dito sa sobrang singil sa gamot, 'yan din ang nangyayari dito sa telco. 'Yung pagbabantay ng gobyerno, hindi ginagawa. 'Yung dapat na nagbabantay ng interest natin, sumurender na dun sa binabantayan nila.

News Latest News Feed