Press Release
July 27, 2009

SENATOR MAR ROXAS' SPEECH BEFORE TINDIGNATION RALLY ON SONA:

"Nandito tayo para ihiyaw na gutom ang taumbayan. Nandito tayo para isigaw at marinig naman sa batasan, na wala tayong trabaho. Nandito tayo para sabihin, bulok ang gobyerno ni Gloria.

"Ang pag-uusapan doon sa SONA ay tungkol sa nakaraan. Isang nakaraang inimbento lang at nilagyan ng palamuti. Isang nakaraan kung saan pinagparte-parte nila ang kayamanan ng ating bansa.

"Nandito tayo para panindigan ang ating malalim na paniniwala. Na tayo ay isang marangal na lahi. Tayo ay nararapat na magkaroon ng tuwid at tapat na gobyerno na siyang tutulong sa atin.

"Nandito tayo para ipakita na ang sambayanang Pilipino, hindi papayag na manatiling alipin dito sa ating sariling bansa.

"Noong nakaraang mga taon, ako, bilang isang kinatawan na pinadala ninyo doon sa Senado, nandoon sa loob para makinig sa SONA.

"Pero hindi na po. Pagod na rin ako sa mga pagkakasala na nangyayari. Pagod na rin ako sa nakikita kong pang-aapi dito sa ating bansa. Pagod na rin ako na matinik na realidad na araw-araw nating nararanasan dito.

"Kasama ninyo ako na naniniwala na, ang pag-asa natin ay nasa ating kamay. Huwag po tayong matatakot. Sama-sama po tayo. Lalaban po tayo."

News Latest News Feed