Press Release
July 27, 2009

Transcript of Sen. Manny Villar's press conference

Q: Ano ang dahilan ninyo sa di pagpunta?

Villar: More or less naman ay alam ko na yung maririnig natin doon na sasabihin ng pangulo, ang kanyang nagawa sa nakaraang walong panahon. Bahala na ang mamamayan kung sila ay sasang-ayon o hindi doon sa sasabihin ng Pangulo.

Q: Last SONA na ng pangulo, paano nyo siya ige-grade?

Villar: Sa akin, ang kalagayan ng isang bansa ay nakikita sa kalagayan ng pinakamababang bahagi ng ating lipunan. Sa palagay ko lalong naghihirap ang pinakamababang bahagi ng ating lipunan kaya hindi maganda ang magiging rating natin. Kung ano man ang mga kadahilanan, syempre titingnan mo ang resulta but in the end alam natin na dumami ang mas mahirap ngayon. Iyon ang pinakamagandang basehan ng performance ng isang namumuno ng bayan.

Q: Si Congresswoman Villar pupunta ho ba?

Villar: Baka hindi din, pareho kami.

Q: Ang Nacionalista?

Villar: Baka mag-meeting ang Nacionalista Party mamaya. Pag-uusapan namin kung ano ang mga gagawin. Meron kasing sariling grupo ang NP at ito ang nagmi-meeting kung ano ang aming gagawin hindi lamang sa araw na ito, kung hindi sa mga darating na panahon.

Q: What time po?

Villar: Pagkatapos siguro ng SONA.

Q: Ano ang agenda?

Villar: Assessment. Regular naman kaming nagmi-meeting ng partido pero ngayon ay mas importante dahil importanteng araw ito sa maraming nanunungkulan sa SONA.

Q: Convinced ba kayo na tuloy na ang elections sa Pilipinas?

Villar: Umaasa ako na tuloy pero hindi ko masasabing siguradong tuloy ang eleksyon sa 2010. Mahalaga rin kasi na lahat tayo ay gumagalaw para tuloy-tuloy na iyan. Mahirap yung parang maraming tao ang hindi maniniwala na hindi tuloy iyan, baka lalong hindi ituloy. Basta ang assumption dapat tuloy ang eleksyon. Syempre anumang hakbangin na pipigil sa eleksyon ay lalabanan natin.

Q: Sabi ni Senate president, no cha-cha during SONA...

Villar: Hinahangaan ko si SP Johnny Ponce Enrile sa kanyang sinabi. Tama naman iyon. Talagang dapat naman ay ipaglaban ng Senado ang kanyang kalayaan o independence.

Q: Doon sa IBON survey, no.1 kayo...

Villar: Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan sa ratings na ibinibigay sa atin sa mga surveys. Kapag ganyan, ang masasabi mo lamang ay makapagpasalamat at lalo naman nating itutuloy ang ating mga ginagawa na trabaho. Kasi tayo naman ay trabaho lamang nang trabaho. Ayoko nung salita nang salita, napakaraming dapat gawin sa ating bansa. Napakaraming kababayan tayo ang humihingi ng tulong at nagpapatulong umahon sa kahirapan. Sa palagay ko doon lamang tayo dapat mag-ubos ng oras. At iyan ang aking ginagawa sa ngayon.

Q: May meeting ang minority bloc ng Senate?

Villar: Umattend ako, meron kaming meeting nila Sen. Pimentel. Pinag-usapan lang namin ang pagkakaisa namin sa anumang programa ng bansa, magkukunsultahan lamang kami. Sa Senado, wala pa kaming napag-uusapan masyado.

Q: May bagong survey ang SWS na tumaas ang bilang ng nagugutom...

Villar: Totoo iyon. Kasi hindi mahalaga kung ano lamang ang nagyayari sa ating ekonomiya. Mahalaga rin iyan pero hindi iyan ang pinakaimportante, na kung ano ang nangyari sa ating ekonomiya o kung ano ang nangyari sa top 25% ng ating populasyon, kung hindi kung ano ang nangyari sa last bottom, yung pinakahuling bahagi ng ating lipunan. Kung dumadami ang nagugutom, hindi natin pwedeng sabihin na naging maganda ang performance ng sino mang namumuno. Iyon sa palagay ko ang basehan. Tingnan muna natin ang kalagayan ng bottom 25% tsaka natin tingnan ang ekonomiya sa kabuuan at yung top 25%.

Q: Noong Saturday, nagbigay kayo ng bahay at lupa

Villar: Patuloy naman tayo sa pagtulong sa mga OFW. Narinig nyo naman na talagang nakakaawa naman talaga ang kanilang karanasan. Ako ay natutuwa at nagkaroon ako ng pagkakataon na makatulong sa kanila.

Q: Pero iyong ibang senador, binibigyan nila ng kulay...

Villar: Sa akin, basta masaya ang mga OFW wala naman akong pakialam sa sasabihin nila.

Q: May comment ho ba kayo sa pag-iimbita ni Sen. Jamby ng 22 witnesses...

Villar: Hindi naman kasi kami kasama diyan. Hindi naman namin pinag-uusapan ang mga bagay na iyan. So far ang masasabi ko lang, halos isang taon na iyan wala pang nangyayari.

Q:Inulit ng administrasyon ang posibilidad na ikaw ang maging standard bearer...

Villar: Basta lahat naman ng nagsasabing kinu-consider tayo na standard bearer, syempre nagpapasalamat ka rin diyan. Dangat nga lamang, sinasabi ko rin na tayo ang pangulo ng NP at tayo ay tatakbo sa ilalim ng NP.

Q: Na-open na naman ang C-5 controversy...

Villar: Sa palagay ko naman hindi matatapos ang controversy na iyan hanggang 2010. Palagay ko matatapos lang yan sa May 2010.

Q: Marami daw witnesses na naka-lineup?

Villar: Ang magandang witnesses diyan ay ang anim na milyong taga-Cavite, Las Pinas, Paranaque, na magbe-benefit dahil malapit nang magbukas. At iyong mga another 6 million din na magbe-benefit mula Quezon City na pwede nang pumunta ng Cavite. Kapag nag-open iyan, sila ang magandang witness kung tama ang project na iyan o hindi.

Q: Sabi ni Sen. Jamby hindi naman daw kayo genuine opposition?

Villar: Wala pa namang magandang sinabi sa akin si Jamby pero hindi naman ako galit sa kanya.

News Latest News Feed