Press Release
July 28, 2009

Transcript of the Majority Leader's interview

Cue: Do you think the president should state na hindi na siya magra-run?

SJMZ: Ah hindi na kailangan. Nakita naman natin sa body language niya kahapon nag-wave siya goodbye na hindi daw siya tatagal sa term niya ng 2010. Sabi niya she will step down when her term ends next year. So that is technically in 2010. So ako ay naniniwala na baba naman si pangulo. Kausap ko iyong mga anak niya at sabi ng mga anak niya hindi naman sila tatagal doon na kapit tuko. So iyon po ang binabalita ko sa ating mga kababayan ngayong araw na ito.

Cue: mentioned bills na gusto niyang tutukan and she asked personally ba for the help of the Senate?

SJMZ: there are some measures na matutulungan po natin siya. Pero iyong iba doon kasi revenue measures, so kung revenue generating measure galing po sa House of Representatives iyan pagdating po noon dito sa atin tayo po ay pag-uusapan natin iyan depende sa chairman ng mga committee, or Sen. Ping Lacson kung aaprubahan niya. For example iyong SNITS measure ni presidente ay tied to our Panay-Paglaum fund, the Panay Rehabilitation Fund iyong mga natamaan sa Typhoon Reming. So kailangan po natin maasikaso iyan. But the other measures we still have to study rin but definitely mabigat po iyong mga binanggit niya kahapon na mga batas na hinihingi niya. For example additional policemen. Kailangan natin madagdagan ang pulis ng ating bansa. Puwede natin iyan sa pagdagdag po ng pondo ng PNP pagdating sa budget hearing. Iyong napaka-importante pong legislation na ita-tackle natin between now to September will be CARP approval and the national budget. Iyong national budget ang pinakamabigat kasi halos naubos na rin naman lahat ng hiningi po ng ating pangulo at ang hinihingi po ng ating mga kababayan in terms of legislation. Ito nga ang dami kong ipapasa, ia-approve for third reading halos apat na pages po ang ia-approve namin into third reading hopefully today and tomorrow.

Cue: Ilang measures iyan?

SJMZ: Dami e, maraming local, maraming national.

Cue: kalian mata-tackle iyong CARP?

SJMZ: Iyong CARP ang hingi po ni Sen. Honasan iyong ating chairman ng panel for the bicameral conference committee by next week kasi may inaayos pa daw silang mga terminologies. Pero sa susunod na linggo sa tingin ko mara-ratify na po natin iyong Comprehensive Agrarian Reform extension.

Cue: Na-impress po ba kayo?

SJMZ: Na-impress ako dahil palaban. Na-impress ako dahil palaban siya. Alam niyo naman si Pangulo kapag binatikos niyo siya hindi naman siya nagsasalita kaagad tahimik lang siya. Ngayon lang niya yata nilabas lahat ng galit niya kaya medyo exciting iyong speech niya kahapon. I will not say impress but I'll just probably used the language na very exciting speech. Buhay na buhay po iyong speech niya. At alam mo valedictory speech na po niya and she's entitled to it. Tao lang naman siya, tao din naman po siya so she's entitled to her comment.

Cue: Kakayanin naman iyong mga measures? In terms of time?

SJMZ: Iyong measures na?

Cue: Iyong mga hinihingi niyang mga ...

SJMZ: Alam mo kaya pa naman e. Ang problema lang natin kapag nag-umpisa na by October, November iyong rally season na. So, medyo paikot na po iyong ating mga kandidato but from now to October kaya pa natin. We can do it. With the record of the Senate has shown kaya natin i-approve ito.

Cue: ?????

SJMZ: That's why nga it all depends kung ilalabas ng mga chairman ang committee report. Kung hindi nila ilabas for example hindi pumayag si Sen. Lacson na aprubahan itong revenue generating measures wala po akong magagawa. As Senate Majority Leader my hands are bound by the chairmen of the different committees kasi sila ang mag-sponsor.

Cue: Agapan ng Malacanang pagsa-submit ng proposed budget?

SJMZ: Ako ay pabor din . Ako ay sumasangayon sa panukala ni Sen. Pimentel na mas maaga ang pagbigay ng national budget. Up to know wala pang national budget. And ang plano natin ngayong sabi ni Sen. Angara isabay ang hearings ng ibat-ibang departamento sa House of Representatives. Hindi lang po natin ia-approve ang national budget hanggang matapos ang House of Representatives at ma-transmit sa atin pero puwedeng isabay iyong hearings. So, we're looking at hearings to be conducted between August and September. So lahat ng national agencies babalik dito. Gugulo na naman tayo dito sa Senate.

Cue: So ibig sabihin habang pinapatawag sila sa House, ipapatawag niyo na rin sila dito? Magkaiba lang ng oras?

SJMZ: Oo sabay na. magkaiba lang ng oras baka Monday sila doon kasi Department of Environment, puwede sila Wednesday dito.

News Latest News Feed