Press Release
July 29, 2009

Transcript of interview with Sen. Manny Villar

Q: On the presidency

Villar: Ako ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party. While we are open to possible alliances, while we are welcoming members to the party, kami ay nakahanda na maglagay ng kandidato for President down to the local officials, mayors, councilors.

Q: May binabanggit si Mikey Arroyo na meron daw presidential aspirant na bumabanat sa Nanay niya pero nagba-backchanneling through her allies para humingi ng support.

Villar: Mahirap naman akong mag-komenta doon dahil unang-una, sigurado namang hindi ako iyon kaya lang mahirap din namang magkomenta ako sa iba naming colleague. Hindi ko rin naman alam kung totoo iyon o hindi. Siguro hanapin nyo na lang kung sino iyon.

Q: Hindi ninyo alam kung sino?

Villar: Hindi ko alam. Tatanungin ko rin kayo.

Q: Is it wrong to ask for support or endorsement?

Villar: Wala namang mali sa lahat ng tao na tumulong kaya lang, syempre meron tayong mga programa ng gobyerno, meron tayong mga patakaran, meron tayong mga linya. Syempre iyon ang una mong bibigyan ng pagpapahalaga sa hihingan mo ng tulong. Syempre titingnan mo rin ang motibo ng hihingan mo ng tulong kung merong pangangailangan nga siya ng tulong.

Q: Hindi asset ang endorsement ni PGMA?

Villar: Mahirap magsabi ng ganyan kasi ayaw kong husgahan ang kapasyahan ng kung sino man iyon kung meron mang ganun.

Q: Si Congressman Garcia, nagpu-push pa rin ng charter change?

Villar: Hindi pa naman talaga mawawala iyan. Habang may mga session pa, meron pa ring magpu-push ng cha-cha. Mananatiling buhay iyan pero naniniwala ako na habang lumalapit ang Nobyembre, lumiliit nang lumiliit ang posibilidad ng tagumpay ng cha-cha. Kung wala pang mangyayari sa darating na linggo, wala na sigurong mangyayari.

Q: Sabi ni VP de Castro, tatakbo siya as president hinihintay lang ang basbas ni GMA...

Villar: At least maliwanag si VP Noli at honest siya sa kanyang hangarin na iyon talaga ang hinihintay niya. Wala namang masama doon dahil kalinya naman talaga niya ang pangulo at wala naman akong nakikitang masama doon.

Q: May letter ang former Arroyo officials kay Obama, reminding him na marami siyang sins dito.

Villar: Sa akin naman, hindi natin alam kung ano ang pag-uusapan nila. Walang masama na ang dalawang head of state ay mag-usap. Walang masama sa ating pangulo na siya ay kausapin ng pangulo ng Amerika, depende na lang kung ano ang sasabihin ng Amerika sa pangulo natin. Baka naman maganda rin ang sasabihin sa kanya na maganda sa ating bayan. Palagay ko malalim ang kaalaman ng Amerika dito sa Pilipinas at hindi naman nangangailangan ng payo iyon sa bagay na iyan. Nalalaman ng Amerika ang kanilang posisyon tungkol sa Pilipinas. I'm sure iyong kanilang intelligence officials have briefed him properly on the situation now in the Philippines.

News Latest News Feed