Press Release
August 3, 2009

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW OF SEN. MAR ROXAS

On Telcos hearing

Q: On the per-second billing...

MAR: Ang magandang nangyari sa hearing natin kanina ay nireport ng NTC na 'yung walong taong stalemate sa pagitan ng NTC at ng mga telcos ay isinantabi na nila at magsisimula sila sa isang proseso na kung saan 'yung singil ay hindi na para sa isang minuto pero anim na Segundo na lamang. Ang kakailanganin nila ay tatlo hanggang apat na buwan para yung mga teknikal na aspet at ang mga software at iba pang kakailanganin na gawin ay maisagawa nila. Sinabi nila na ngayong taon na ito, hindi na tayo bawat minuto ang singil kundi anim na segundo. Ibig sabihin nun, sa gitna ng tawag natin, halimbawa ang tawag natin ay kalahating minuto lang, hindi isang minuto ang sisingilin sa atin pero 30 segundo lang.

Q: Meron daw flag down rate?

MAR: Magkakaroon daw ng flag-down rate, parang taxi iyan. Sa ganung paraan ma-re-recover ng telcos 'yung pinaka-basic cost dun sa aktuwal na gamit natin ng sistema. Lahat naman ito ay isa-submit pa ng mga telcos sa NTC at pagpapasyahan pa ito ng NTC. Ang pinaka-mahalaga dito ay hindi na tayo sisingilin para sa gamit na hindi naman natin kinukunsumo. Kahit kalahating minuto lang, o kaya kahit na drop call, hindi pa isang minuto ang gamit natin sa celfone pero isang minuto na ang singil sa atin. Iyan ang kagandahan nito.

Q: Hindi pa masasabi ang rates?

MAR: Hindi pa masasabi ngayon. Pero sinimulan na ang proseso at malalaman natin ito sa loob ng isang buwan.

Q: Are you asking kung dapat uniform sa lahat ng telcos ang pricing?

MAR: Hindi. Ang pricing, diyan sila mag-ko-compete ngayon, pagandahan ng mga presyo. Ang sinabi ko lang kanina dito sa mga promo ng telcos, dapat magkaroon ng isang patakaran na isusulong ng NTC na madali nating mga mamimili na makita, ano ba talaga ang ibinabayad natin dito? Sa dami-dami ng mga features ng bawat promo, hidni na natin alam alin ba ang mas mura, alin ba ang mas abot-kaya, alin ba ang may value for money. Kasi, naloloko na tayo, kung ano-ano ng features ang ipinapasok diyan, hindi na natin alam kung ano ang sinisingil sa atin.

Kaya iminungkahi ko sa NTC, at pag-aaralan nila ito, na magkaroon ng isang pamamaraan para mas lalo nating matimbang at makita kung ano ba ang produkto o ang promo na siyang pinaka-mabuti para sa atin.

On demise of Cory Aquino

Q: Meron kayong resolution for Cory Aquino Day?

MAR: Ito'y isang joint resolution na isinulong together with the House of Representatives na magkaroon ng Corazon C. Aquino Day na gaganapin tuwing January 25 bilang pagganap sa selebrasyon sa buhay at sa serbisyo ng yumaong dating Pangulong Corazon C. Aquino. Ito'y joint resolution with the House of Representatives at inaasahan natin na agad-agad na ipapasa ito dito sa Senado.

News Latest News Feed