Press Release
August 11, 2009

Transcript of interview with Sen. Manny Villar - Senate Media

Q: Nagpalabas daw kayo ng maraming Villar-Bongbong stickers?

Villar: Wala pang slate ang Nacionalista Party. Wala pa kaming kandidato for vice president. In fact, pina-finalize pa namin ang senatorial slate ng NP. Dito sa pinapalabas na Manny Villar for president, Bongbong for vice president, wala pa naman kaming desisyon sa mga bagay na ito. Although, si Bongbong naman ay isang magaling na kandidato pero to be fair, he has not indicated na he would be interested in this. Kaya hindi sa amin ito.

Q: Are you interested in having Bongbong as VP?

Villar: Hindi pa siya nagsasabi sa akin, to be fair. Palagay ko meron siyang ibang interest na posisyon.

Q: Pero ikokonsider ninyo siya as VP?

Villar: Lahat naman iko-consider ko sa vice president. Sabi ko nga wala naman akong hindi kino-consider. Ito ay isang bagay na titingnan natin ang lahat ng bagay-bagay, maaring isang senador. I think he would be a good senator for example.

Q: May propaganda laban sa inyo?

Villar: Hindi naman laban. Kaya lang, one thing is clear, ako hindi naman ako nasisira dito. Ang sinasabi ko lang ay hindi sa amin galing ito.

Q: Ano kaya ang purpose?

Villar: Ewan ko. Nagtataka nga ako kung sino ito. Definitely hindi amin ito. Wala pa kaming vice president. Siguro mga bandang October, November pa kami pipili.

Q: May kinakausap ka na for VP?

Villar: Wala pa kasi ang problema, hindi pa natin alam kung sino talaga ang tatakbong president and vice president.. Alam naman natin na maraming tumatakbong president na maaring in the end ay maging vice president, iyong iba nga baka maging senador. Until such time na maliwanag na iyong mga posisyon, hindi natin malalaman talaga kung ano an gating magiging slate.

Q: Pero you said tatakbo kang president diba?

Villar: Definite naman ako. Ako palang ang definite. Pero hindi pa ako officially nagde-declare. Ang official declaration ay iyong merong konting seremonyas syempre.

Q: May resumption ng ethics committee hearing bukas.

Villar: Hindi naman kami kasali doon.

Q: Nag-declare na syang magpe-presidente pero siya pa rin...

Villar: Sabi ko na kasi all along na talagang balak lang niyang mag-presidente. Pero ayoko din namang makipag-away. Ang sinasabi ko lang kung magpe-presidente ang mga tao, magkampanya na lang sa labas at huwag nang gamitin ang Senado.

Q: Nagsabi po ba si Secretary Recto na magbibitiw siya?

Villar: Siguro siya na lang ang tanungin ninyo. Ano man ang gawin ni Sen. Ralph Recto ay aking iginagalang bilang isang kaibigan. I am sure kung may gagawin siya ay pinag-aralan niya iyan.

Q: Kinunsulta po kayo?

Villar: Hindi niya naman kami kailangang kunsultahin. I'm sure si Ralph naman ay pinapag-aralan ang kanyang mga galaw kung siya ay magre-resign. Palagay ko ay may kadahilanan iyan at iiwanan ko na lang sa kanya ang kadahilanan na iyan.

News Latest News Feed