Press Release
August 13, 2009

Transcript of Kapihan sa Senado with Sen. Escudero

On the statement of Atty. Macalintal immoral daw yung media na nag-e-air ng ads ng mga presidentiable...

Bilang mga opisyal ng gobyerno dapat matuto kaming lahat na sumagot sa anumang tanong, ipaliwanag ang anumang isyu at harapain anumang batikos, hindi tama na ibabalik doon sa nagtatanong, hindi tama na babatikusin yung bumabatikos dahil una nasa gobyerno kami at sila naman ay wala. Panagalwa kayo nagpapasahod sa amin, hindi naman kami nagpapasahod sa inyo. At pangatlo utang namin na bigyang-linaw anuamng pagdududa meron ang sambayanan, dahil kung wala kang tiantago wala kang dapat katakutan. Sa mga sagot na binibigay ng gobyerno sa mga batikos sa kanila, maliwanag na waal sialng plaiwanag, takot sila sa paliwanag at wala sialngmasagot sa tanong.

It's not the government official himself or herself, inutusan lang yung abogado, yung abogado ang nagsalita non...

Napanood ko yun dahil nakalagay sa telebisyon abogado daw ni Pangulong Arroyo, pagsinabai mong abogado ahente yan ng principal, anuamng sinabi ng ahente para na ring sinabi ng principal. Maliban na lang kung sasabihin ng principal o amo hindi ko siya inawtorisa na sabihin yan, mali ang sinabi niya at hindi ako sang-ayon dyan. Lilipas na ang 24 oras mamayang hapon at mamayang gabi para marahil baliktarin at sabihin hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang kinatawan. Kung talagang hindi yon ang nasa isip niya may pagkakataon siyang bawiin yon.

On the resolution ni Miriam on infomercial of cabinet members, will you support her resolution?

Ang remedy ay ang amendahan ang batas kung dapat lumabas ang mga advertisement na ito sa panahon lang ng kampanyahan o eleksyon, the 90-day period for the national officials and the 45-day period for local officials, pero hanggat hindi naaamendahan ang batas walang pedeng pumigil sa sinoman sa atin sa kuwartong ito na gustong magpasikat, gustong sumikat at gustong makilala ang pangalana nila dahil papaano kung gusto lang pala niya magpa-pogi hindi naman pala tatakbo eh di anoa ng nilabag niyang batas. Ang mas concern ko at sang-ayon din ako sa concern ni senator Santiago ay Don sa mga executive officials na nag-aadvertisement. Ang tanong ko sino ba ang nagbabayd ng mga advertisement na yan, pondo ba yan ng ahensiyang pinamumunuan nila. Pangalawa kung pondo man yan ng opisyal na pinamumunuan nila kailangan bang nandon ang mukha nila o baka pede naman yung programa ng ahensiya ang isulong at ipakita. Pangatlo ano ba ang balik at pakinabang ng samabyanang Pilipino sa advertisement na pinaggagastusan gamit ang kaban ng bayan at sa advertisement gamit ang kaban ng bayan na 80% ng ad ay muka nila at boses nila ang naririnig. Siguro marapat at dapat bigyang linaw at ipaliwanag yon.

Yun nga ang problema between the deadline of the filing of the certificate of candidacy to the actual start of the campaign period that's a three-month gap to go around whatever law exists and do premature campaigning...

Uulitin ko papaano kung hindi tumakbo yung kandidato eh di wala siyang nilabag na batas at wala siyang premature campaigning. Papaano kung gusto lang niyang magpasikat at gusto lang niyang sumikat dahil may balak pumasok sa showbiz, mahirap sabihin yon kaya sa hinahaba ng debate hindi pedeng sabihin yon don sa akala lamang nating may planong magkandidato. Ang mas dapat bantayan natin ginagastos ba ang pera ng bayan para sa mga advertisement na ito o hindi dahil kung pinanganak ka namang mayaman o mayaman ka naman talaga at gustong gastusin dyan an gpera mo imbes na gastusin sa mas makabuluhan gbagay nasa sa iyo na yon.

On NP-NPC-Lakas-Kampi coalition...

Hindi namin tagapagsalita si Velasco at wala siyang karapatang magsalita para sa aming partido. Pangalawa palaging binabatikos ang NPC, ka-coalition daw ang Lakas-NPC, let's call a spade a spade. Ang colaition o samahan ng NPC sa iabng partido labilangna ang Lakas-Kampi ay nasa House of Representatives, sa majority coalition. Ang tanong ko ang Nacionalista Party ba hindi ka-coalition ng Lakas-Kampi sa House? Ang Liberal Party ba hindi ka-coalition din ng Lakas-Kampi sa House? Ang pinakamagandang ebidensiya ay isa lamang bahagi ka ng majority coalition kung may chairmanship ka. May chairmanship ba o wala ang mga miyembro ng Lakas, Kampi, NP, LP at NPC? Pangalawa kung ako ang tatanungin nyo at sinabi ko na rin ito noon, kung ako lang angmagdedesisyon hindi ako papayag at kailan man hindi ako sasama sa anuamngcoalition na bahagi o kabahagi ang Lakas-Kampi. Anumang coalition ang bubuuin ito ay dapat binubuo ng mga grupo at personalidad na galing lamang sa oposisyon o sasanib sa hanay ng oposisyon at ipaglalban din ang pinaglalabanng oposisyon. Sana yung ibang nagsasabi at nagsasalita kaya ding sabihin ang ganitong uri ng kataga na kailanman hindi sila sasama o makikipag-coalition sa Lakas-Kampi kung sila man ay tatakbo at kung tunay nga na sila ay nasa hanay ng oposisyon.

Papaano kugnmakipag-coalition ang NPC sa Laka-Kampi?

Tulad ng ginawa ko ng mga nagdaang panahon at napatunayan ko naman yon, nong makipagcoalition ang mayoriya ng miyembro ng NPC sa Lakas sa Kamara humiwalay ako at ako ang nagingminority fllor leader sa Kamara, bagaman may coalition sa Kamara noon ang NPC, NP, LP at Lakas sa Kamara tumakbo ako sa hanay ng GO at hindi sa hanay ng Team Unity.

So are you willing to bolt out from the party?

I'm willing to decide on my own, what I want to do. Bolting our from the party is cinematic, di ba yung aalis ka ba, hindi ka ba aalis, ginagawa at denidesisyunan ko kung ano ang tingin kong tama ta napatunayan at napakit ako naman yon sa mga nagdaang panahon at yung partido ko ang sumabay sa akin at hindi ako sinipa o tiniwalag kaugnay sa mga naging desisyon ko. Bilang halimbawa nga NPC, mayoriya nasa majority sa House, akoa ng minority leader at lider ng oposisyon sa Kamara at sa nakarang eleksyon Team Unity mayoriya nandon sa administrasyon, ako ay tumakbo sa ilalim ng Genuine Opposition.

Matagal ng may cry to weed out pretending opposition and maintain the real opposition, dou you think this 2010 elections will do that, or it will be opposition against opposition?

Wala akong sinabing weed out, hindi nanggaling sa akin ang katagang trojan horse, dahil naniniwal ako ang tunay na oposisyon hindi dapat pinagdududahan, hindi dapat gumagawa ng intriga, hindi dapat naninira ng kapwa oposisyon. Ang paniniwala ko ang dapat nasa isip naming lahat sa oposisyon kung papaano mapaptaas ang kumpiyansa namin sa isat-isa, kung papaano namin mapag-iisa yung marahil nag-iiba na naming posisyon sa ibang bagay at hindi yung mag-iintriga kami sa sari-sarili namin.

On Erap's claim that he will run if the opposition is not united...

Simulan muna natin sa proposisyong sino ba yung mga oposisyon na dapat magkaisa? Dahil ang tingin ko sa darating na halalan sa baho ng kasalukuyang administrasyon karamihan ng tatakbo ay magpapakilalang oposisyon, magsusuot ng maskara ng oposisyon at magsusuot ng costume ng oposisyon, totoo man o hindi nasa pagkikilatis na yan ng bawat botante kung sino ang pipiliinnilang mamuno, manungkulan at humawak ng anumang puwesto.

On the $15,000-dinner in Washington...

Ngayon lamang naglalabas yan pero hindi natin alam kung yan nga ba ay ginawa din sa mga nagdaang byahe ng pangulo. Uulitin ko ang sinabi ko, ostentatious display of wealth in time of acute public want should never be tolerated and done by any government and any government official. Mamaliitin ng tagapagsalita ng Malacanang ang hotdog, hindi raw karapat-dapat yon sa isang pangulo samantalang hindi kumakain ang marami sa kanayng mga kababayan. At ano bang masamas sa hotdog lalo na kung chizdog naman yon.

Sir yun sa SWS survey umber one si Erap, is that a factor for him to run?

Factor palagi si pangulong Estrada dahil siya ay bahagi at malaking bahagi ng oposisyon at tulad ng nabanggit ko mahalaga sa akin ang pagkakaisa ng oposisyon. At tulad din ng dati tulad sa survey sino man ang mataas, sino man ang mababa, kunin at tingnan bialng giya ang survey, hindi bilang patapos na kuwento dahil boto sa halalan pa rin naman ang pagbabasehan. Sa pansamantala bagaman hindi ako nagdedeklara o deklarado pa nagpapasalamat ako sa tiwala at paniniwala na ibinibigay sa akin ng henerasyon na kinakatawan ko kaugnay sa lumabas na survey.

Kung nagdeklara ka na dou you think you will shoot up the survey?

I don't know and nobody can really predict that pero mabalik ko yung tanong sa yo, may nagdeklara na ba talaga?

Parang may distinction yung move ni Miriam because she wants an investigatino of the members of the cabinet who are putting up this ads because her suspicion they might be using government funds but she is silent on the use of funds on the part of her colleagues in the chamber...

Because ang may pondo para sa advertisement expense ay executive agencies, walang advertising expense ang opisina ng senador o legislative office at mag-aadvertise ka na lang gagamitin mo pa ba yung pangalan ng ahensiya mo bakit hindi na lan gyung mukha mo kung talagang personal mong pera ang ginastos mo. Halimbawa mag-aadvertise ka na alng babanggitin mo pa ba ang opisinang DILG, NDCC, MMDA at PAGIBIG? Bakit na lang hindi lang tulad ng ibang nag-aadvertise ngayon sarili na lang nila. Kaya may duda at may pag-aalangan ang marami na marahil pondo ng gobyerno ang ginagamit dito at hindi personal na pera o pondo.

Yung kay Erap nag-eendorse siya...

Iba naman yun baka naman mamaya imbes na siya ang nagbayad, siya pa ang binayaran don bilang talent, tulad ng ibang advertisements. At nasa private sector siya at duda ako dahil nasa oposisyon siya at isa siya sa matataas na lider ng oposisyon kung papayag ang gobeyrno na gumastos maski na piso ng pera ng gobyerno para sa advertisement niya.

On Recto's resignation, welcome ba siya sa inyo?

Hindi pa kami nagkakausap at wala akong kilalang nakakausap niya kaugnay sa kanayng pagtakbo sa hanay ng NPC. Pangalawa mahirap namang magsalita kaugnay nyan kung wala pa naman kaming ulo at leeg, kamay at paa na agad ang pag-uusapan namin. Simula tayo palagi sa itaas muna.

Since Erap is 90% sure he is running, will the NPC have its own candidate?

Naniniwala ako na, at hindi man kayo sang-ayon, darating at darating yung panahon hindi man sa araw na ito, bago maghalalan na magkakaisa ang hanay ng oposisyon, mataas yan sa hanay ng prayoridad ni dating Pangulong Estrada at mataas din yan sa aking prayoridad bilang miyembro ng oposisyon. Dapat walang kondisyon at dapat maeahil walang matataas na mga paniniwala kaugnay sa kakayahan ng bawat isa nang sa gayon ay magkaisa kaming lahat at magsulong ng isang kandidato lamang sa 2010.

How can the opposition be united if Mar and Villar, and other have signified their intention to run?

Sa kasaysayan ng Pilipinas ilan na ba ang nagdeklara bago ang eleksyon at ilan ba yung kinalabasang tumakbo hanggang sa dulo ng halalan. Ayokong pangunahan ang mga deklarasyong nabigay na, ayaw ko ring baligtarin ang mga pahayag na nasabi na pero hayaan nyo kami sa hanay ng oposisyon na ayusin ang maing hanay at yan an ghamon at panawagan ko rin sa hanay namin na sana prayoridad at nasa isip ng bawat isa na mapagkaisa anuamng hugis, anumang porma, anumang hitsura, anuamng kulay ng oposisyon na aming mapagkakaisa sa darating na halalan.

May nag-initiate na ba para kayo magkaisa?

Meron at patuloy ang pakikipag-usap at pag-uusap sa ibat-ibang level. (Are you part of that?) Oo.

Mar and Villar will obviously run, they're both president of their respective party, so who's calling the shot for the NPC? Is it true that Danding is hands off?

Chairman emeritus na siya at sa katunayan ay nasa ibang bansa madalas. Executive committee ang nagpapatakbo ng NPC na binubuo ng secretary general na si Jack Duavit, chairman na si dating gobernador Dy at presidente na si Frisco San Juan. Ang ibang mga regional chairmen ay kasalukuayng binubuo at pinaghuusay ng NPC para mabuo ang board ng NPC para sa darating na halalan.

Parang barya lang yung P1 milyon na kinain nina GMA sa New York kumpara sa mga commercial ng mag presidentiable...

Yan an gnais sabihin ni Macalintal, ni Atty. Macalintal, para sa akin ang pagkakaiba ay pera ba ng gobyernoa ng ginastos don sa restaurant? Bakit ba hindi nilamasabi-sabi kung kanino galing yung pera? Sa advertisements pribadong pera yon malibanna lang kung opisyal ng gobyerno sa executive at pera ng gobyerno ang ginagamit. Sinoman sa inyo ang may pera kung paano nyo gastusin desisyon nyo naman yon eh, pero sa oras na piso o singkong duling na pera ng administrasyon ang pinag-uusapan ko kaban ng bayan, dapat makialam tayo dyan kung papaano ginagastos yan, dahil governance is about one thing and one thing only, allocating scarce reosurces, dating ng kualng ang pera sana naman ginagastos ng tama.

May nagfile sa Ombudsman tungkol sa ginastos sa dinner, magtatagumpay ba ito?

Yung kay Joc Joc nga hindi pa umuusad yon pa kaya eh magli-liamng taon na yon.

Aside sa inyo sino ba yung ibang miyembro na nakikipag-usap para sa pagkakaisa, sino ba sa NP, LP?

Hindi ko alam yung sa iban gbahagi, ang alam ko nag-uusap-usap sa ibat-ibang level gaya ng nasabi ko pero wala pang iisang pagpupulong na nagkakaroon kung saan nandon lahat.

May target date?

May pinapangarap palaging petsa pero palaging nauusad depende sa sitwasyon.

Erap said sa october magpapatawag siya ng meeting ng oposisyon, aatend b alahat?

Kung magpapatawag si pangulong Estrada ng pulo na yan ako palaging pupunta.

Yung road project ni Gloria saBulacan at yung sa C-5 parang parehong...

Alam nyo pagpinag-uusapan yunginsertino ito ba ay tama o mali, ang sabi ng isang grupo mali ang insertion, ang sabi ng isang grupo tama daw yun insertion at wala namang mali don. Mali ang insertion kapagka nagbenepisyo yung nag-insert, yun paglagay ng proyekto sa budget dahil may humiling na isang organisayon o isang barangay walang masama don, pero mali yon pagka yung nag-insert mismo ay nagbenepisyo don sa kanayng ginawang insertion. Kung yung ginawang klaye saan mang parte ng Pilipinas ang nagbenepisyo yung nagpagawa mismo nong kalye dahil maliwanag na conflict of interest, maliwanag na paglabag sa anti-graft law ang ganyang uri ng gawain. San at hiling ko at hamon ko pa rin, sana sagutin ng sinomang naaakusana at inaakusahan ang nauamng isyu laban sa kanya dahil mahirap kung hindi pa naman executive, executive privilege na palagi ang ginagamit.

Dou you think the senate still have time kasi eleksyon na, yung budget hindi pa nasa-submit, may time pa rin ba kayo para sa mga imbestigasyon?

Yung imbestigasyon ginagawa naman hindi kasabay ng plenary sessions. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng imbestigasyon ibig sabihin lamang mas maraming trabaho para sa mga senador habang ginagawa namin ang trabaho namin sa paggawa ng batas. Mas maganda siguro yon sa taongbayan, sulit ano mang suweldong binabayad sa amin sa bigat at dami naming trabaho na dapat naming gawin at tapusin.

For the sake of unity of the oppositon dapat bang si Erap mag-vice o ikaw o si Loren?

Sa ngalan ng pagkakaisa ng oposisyon, wala dapat umuupo sa lamesa ng may dala-dalang, na una ng kagustuhan, maliban sa iisang bagay-pagkakaisa ng oposisyon. Gaya ng nasabi ko, anumang hugis, kulay o hitsura o laki, ang importante magkakaisa ang oposisyon sa dulo ano man ang makita nating hitsura.

Are you willing to do so?

Ni hindi pa naman ako nagsasabing ako ay tatakbo anong ibibigay ko.

Sabi ni Loren willing siyang magsacrifice sa ngalan ng pagkakaisa ng oposisyon...

Gaya ng nasabi ko sa parte ko, wala pa naman akong sinasabi o dinedeklara, walang kailanagng sabihing isasakripisyo o bibitawan na pinanghahawakang pangrap, titulo o ambisyon. Dapat pagnagkaharap-harap, dapat ang nasa isip ng bawat isa papaano ba pagkakaisahin ang oposisyon, anumang hugis, hitsura o kulay.

May nakikita ka ba talagang unity ng oposisyon?

Call it youthful.... pero nagsisimula ang lahat ng bagay sa pangarap at ambisyon. Yan ang pangarap at ambisyon ko na magkaisa ang oposisyon at iisang kandidato ang isulong.

You seen Mar and Villar uniting?

Sana, gaya ng nasabi ko kung nakahanda sila na ilagay bilang priority ang pagkakaisa ng oposisyon at hindi ang sariling kandidatura, posible at mangyayari yon subalit kung hindi marahil wala ng kinalaman sa pagiging oposisyon o sa oposisyon ang kanialng pagnanais tumakbo... Walang kinalaman lang, hindi naman personal.

Personal bang ambition ang dapat....

Ang dapat, ayokong simulana ng usapan ng pagkakaisa ng oposisyon sa dapat isuko, siguro ano ba yungbanderang dapat itayo, yung banderang dapat itayo na dapat mawakasan na ang patuloy na paghahari o pagrereynang administrasyon sa ating bansa o sinoman gpapalit sa kanya na ganon dina ng ugali at ganon din ang gagawin. Dapat magkaisa kami sa paniniwalang yon, na hindi na makaaktiis at makakatagal pa ang samabayanang Pilipino sa ganitong uri ng panunungkulan kung kayat hindi marapat ma maluklok o maupo ang sinomang magpapatuloy lang sa ginagawa ng administrasyon sa ngayon.

Obviously in place na yun automation, do you seen any glitches, any needed amendment to the election code because of this process?

Yan yung pinag-aaralan namin maski na yung Comelec pinag-aaralan pa, patunay yon na hindi pa handa, hindi pa in placed yung automation, pending sa Supreme Court, hintayin natin kung ano yung magiging pasya ng Korte Suprema kaugnay ng bagay na yon.

For example yung filing ng certificate of candidacy that early, yung mga ngafile, masasalita sa sample ballots, if they quit for the campaign...

Tinanong ko yan sa Comelec wala pa silang sagot non, tinanong ko rin sa Comelec paano kun nagfile ka na ng November 30, yung ban ba aplikable na? Ang unang sagot hindi, ang pangalawang sagot oo na raw bigla. Ang unang sagot ng tinanong ko yung kung nagfile ka na ba ng Nov. 30, aplicable na ba sa yo yung election ban. Ang una nilang sagot hindi magsisimula lang yon sa national officials sa February, 90 days before the elections. Sa local officials 45 days before the elections, but apparently later some indications we received na hindi na raw ganoon, lahat na daw simula Nov. 30 so hanggang ngayon hindi pa in place yon at malabo at magulo pa yon.

Wala na bang meeting between Comelec and Congress to iron out this...

Hinihiling ng Comelec na magdesisyon ang Korte Suprema dahil baka kung magmeeting-meeting kami may desisyon din palang hindi naming kayang palitan o baguhin. Sana magpasya ang korte suprema kaugnay sa bagay na ito ng may panahon pa para mag-adjust kung saka-sakali ang Comelec.

News Latest News Feed