Press Release
August 17, 2009

Transcript of interview in the Senate after a bicam meeting
on anti-torture bill

On withdrawing presidential jet purchase...

Maganda naman at naging sensitibo ang pamahalaan sa panawagan ng sambayana na huawg gumastos ng sobrang luho at malaki lalong lao sa gitna ng matinding krisis at kahirapan sa bansa... kaugnay non lang sa eroplano ha.

So kung kayo ang maging pangulo wala kayong presidential plane?

Kung sino man ang magiging pangulo dapart maghanap ng paraan para hindi mamuhay ng magarbo, at mamuhay ng simple at maging sensitibo sa pangangailangan ng bansa kaugnay sa kakaunting perang meron tayo.

Saan ba tama gastusin ang P1.2 billion na gagastusin sana sa presidential plane?

Sa totoo lang pina-repair ng administrasyon ito ang eroplanong ginagamit noon ng pangulo, hindi ko nga alam kung bakit bibili ng bago peinarepair pa yung dati. Pangalawa kugn P1.2 bilyon din lang ang pag-uusapan napakaraming pedeng paggastusan kabilang na dito ang pag-construct ng classrom sa halagang P500,000 kada isa, ilang libong classroom ang magagawa non, kaugnay ng pagpapagawa ng ospital, ang isang teriary level na ospital ay nagkakahalag ng humigit kumulang P1 bilyon lamang, may sukli pa nakapagpagawa pa tayo ng public hospital na ka-level at nasa kalidad ng mga pribadong ospital dito sa Metro Manila.

Hindi ba mas makakatipid kung may presidential jet?

Depende kung ganon ka kahilig magbyahe marahil nga ay oo, pero hindi naman siguro dapat din at dapat at marapat ginagamit ng pangulo ang anuamng perang in-entrust sa kanya ng publiko sa tama at sa masusing paraan, nasa isip palagai ang hindi pag-aksaya nito.

May suggestion na gamitin si Pacquiao sa pakikipag-usap sa mga moro rebel...

Kung makaktulong siya bakit ba hindi, marapat at dapat sinomang mamamayan na pedeng may maitulong para sa kapayapaan sa Mindanao ay tumulong at makatulong subalit liliwanagin ko pa rin, anumang pakikipag-usap dapat sumaklaw at saklaw lamang yung sinserong gustong makipag-usap at gusto ng kapayapaan, hindi yung gulo lamang ang nais ihasik, hindi yung mga kriminal, hindi yung mga terorista na pananakit, pagpaslang, pagpatay lamang ang nas isip at walang balak tapusin ang kaguluhan sa parteng yon ng ating bansa.

Hindi ba risky kung si Pacquiao?

Desisyon naman nya yan, hindi naman siya pedeng pilitin. Uulitin ko napakahalaga ng kapayapaan para sa ating bansa, ano at sino ang pede nating gawin makamtan yan dapat i-explore at tingnan natin baka umubra.

Kahit na humarap siya don sa mga lider?

Nasa kanya na yan kung gagawin nya.

May proposal na isuspinde muna ang peace talk lalo na lumabas na MILF ang talagang pumatay sa mga sundalo...

Kung kumpirmado n atalagang may kinalaman ang mga MILF sa pagpatay sa mga sundalo natin, marapat at dapat lamang hindi tayo makipag-usap sa anumang grupo na hindi naman sinserong nais makipag-usap at pumasok sa usaping pangkapayapaan. Kaya ng nong una ang binanggit ko hindi dapat kasama sa usaping pangkapayapaan ang Abu Sayyaf, hindi dapat kasama ang mga rogue elements ng MILF, maliban na lamang kung itatatwa na ng MILF ang mga grupong ito, marahil pede pang buksan ang pakikipag-usap sa kanila, pero habang nananatiling bahagi sila ng MILF at hindi pa sila tinatatwa ng liderato ng MILF marapat at dapat hindi muna siguro makipag-usap ang pamahalaan.

Will push for an-all-out offensive?

Laban sa mga terorista at kriminal? oo. Laban sa hindi gumagalang sa Saligang Batas at bandila? OO. Pero don sa may sinserong pagnanais na i-settle at pag-usapan ang pagkakaiba at hindi pagkakasundo hindi marapat at dapat i-explore yon.

Ang hamon ko sa MILF, itatwa ang mga gurpong ito, sabihing hindi ito bahagi nila ay pag-inusig at habulin man sila ng pamahalaan ay hindi sila damat at kasama. Ang hamon ko sa kanila iliwanag ito na hindi nila kasama ang mga rogue elements na ito at yung pakikipag-usap ay hindi rin dapat apektado kapagka tinugis ito ng pamahalaan.

On the bicam of the anti-torture bill... Pang-ilang bicam nyo na yan sir?

Una. (Approve na?) nagkasundo an gmagkabialng panel ng Kamara at ng Senado para sa isang reconcile version ng anti-torture bill, inaasahan naming hindi na tatagal ng darating na linggo, mararatify ito ng magkabilang panig, at sana mapirmahan din sa lalong madaling panahon bilang isang importanteng piraso ng lehislasyon kaugnay ng karapatang pantao.

Ano yung highlights?

Pinaparusahan nito ang pag-torture ng individual, partikular ng mga ahente o opisyal ng estado, sang-ayon sa ating treaty obligation at international agreement na marapat at dapat pinasa na natin. Isa ito sa mga binanggit din ng Alston Report na kulang o nawawala sa ating mga batas dito sa Pilipinas.

How can you assess the performance ngayon ng CHR?

Dinagdagan namin ng kaunting pondo ang CHR para mapatupad ang mga probisyon ng anti-torture law at sana sa darating na taon pag-pinag-usapan ang budget masisingit din ang dagdag na pondong ito para mas magampanan nila ang kanilang tungkulin

How much?

For this year dahil kakaunti na lang ang naiiwang buwan ng taon, P5 milyon, sa darating na taon pag-uusapan namin sa budget deliberation.

Within this week out may bicam report na?

Out yon, by next week sana by the latest maaprubahan.

Dagdag ng budget para saan para makapag-imbestiga pa?

Para madagdagan ng tao ang CHR para magaaw nila yung dagdag na mandato na binibigay namin sa ilalim ng anti-torture act.

Mababawasan ba yung paglabag, yung pag-torture?

Sana mabawasan at sana may takot na pumasok sa isip at damdamin ng sinomang nagbabalak na mag-commit nito dahil bahagi nito ang tinatawag nating command responsiblity sectino kung saan maski na hindi ikaw mismoa ng gumawa ng torture kapagka ikaw ang superiorofficer ng gumawa ng torture mayroon ka ring liability bagaman hindi pareho nong actual na gumawa ng act of torture.

Anong liability?

Iba-iba, graduated ate depende sa probisyon.

Nabitin yung meeting dahil sa isyu ng pagsama ng non-state personalities sa pag-commit ng torture...

Nagkasundo sa pamamagita ng pagsabi na kapagka ang torture ay ginawa ng isang pribadong individual ang penalty sa ilalim ng Revised Penal Code na ipaptaw sa kanya ay yung pinakamataas, halimbawa merong pribadong individual na nagserious illegal detentino at habang nasa serious illegal detention yung tao ay may gianawa siyang torture, yung maximum penalty ng krimen na yon an gipapataw sa kanya.

Paano kung yung private individual is doing on behalf of state actor...

Considered state actor yon at parang ginawa na rin ng ahente ng estado yon at liable siya diretso under the anti-torture act.

May mga kumontra ba?

Wala, malusog at maganda yung debate at palitan ng pananaw.

On the provision on secret detention...

Yon din ang makabagong probisyon ng bill na ito, bawal at ilegal nang magmaintain ng tinatawag nating secret detention places. Iba yung safe house para sa testigo, sa witness protection program, iba yung detention place na sikreto at hindi kasama sa opisyal na listahan na isa-submit sa CHR, so dagdag na krimen ang una pagmainttain ng isang lugar na secrte detention place, pangalawa hindi pagsama sa listahang isa-submit sa CHR ang isang lugar na minimentina na isang secret detention place.

Yung ang lahat ng security forces ay magsa-submit ng listahan ng mga detention places nila?

Dapat mag-submit at monthly ang update na isa-submit nila sa CHR dahil baka bukas, makalawa may gawin na naman eh, so monthly ang update na nirerequire.

Sir kailan ito mara-ratify?

Hopefully by next.

News Latest News Feed