Press Release
August 17, 2009

Transcript of Sen. Richard Gordon's ambush interview

Gordon: Dapat talagang all-out offensive pero hindi all-out offensive na lahat ng Muslim kakalabanin natin. Hindi naman tama iyon. Dapat e all-out offensive tayo kung bakit tayo natatamaan ng ganyan. Nakakabigla e.

Q: Do you want an investigation on the use of intelligence funds?

Gordon: I have always asked for that. Walang nangyari last time, I don't know why. Sen. Biazon is the one in-charge of the military dito sa committee and he is my chairman and I would ask him to do so because I want to know bakit tayo naaambush palagi. Alam ko mahirap ang terrain doon. Baka dapat siguro special operations ang gamitin? Mga special units ang papasok doon, tahimik, maghihintay, yung tinatawag na Force Recon o di kaya naman yung mga tao doon ay kakaibiganin natin, bibigyan natin ng kaunting pabuya para magsabi sa atin kung may mga ambush na gaganapin sa kanila. Di ba dapat isipin natin lahat ang mga bagay na ganyan? Siyempre galit tayong lahat, namatayan tayo e. Mas lalo akong nagagalit kasi ilang beses na akong tumutulong sa mga Marines pag namamatayan. Nagbibigay kami ng pabuya dun sa pamilya kahit paano at kung minsan kulang na kulang naman ang binibigay ng gobyerno sa mga Marines. So dapat tulungan natin sila na manalo sila.

Q: Yung pambili ng presidential jet, dapat pambili na lang ng C-130

Gordon: Kulang yun, P5 billion ang kailangan sa isang C-130, second hand pa. Talaga namang mali sa timing yun, hindi naman ganoon kalimit bumibiyahe ang Presidente. Ano nangyari dun sa Faulker? Pinagawa yun sa Singapore ng matagal, bakit hindi ginagamit ng Pangulo yung Faulker? At saka kailangan natin ng gamit sa military. Matagal ko nang sinasabing kailangang bigyan natin ng gamit ang military. Ilang beses na akong nag-privilege speech dito na bigyan natin sila ng sapat na gamit. Pero wala e.

Q: Wise decision yung pag-cancel dun sa pagbili ng jet?

Gordon: Yes, I think so. It is not timely.

News Latest News Feed