Press Release
August 18, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On FVR's refusal of Lakas-Kampi offer

Q: Tinanggihan ni FVR yung offer ng Lakas-Kampi?

MAR: Nagpapakito ito na si FVR, na siyang founder ng Lakas-NUCD-CMD, ay hindi sang-ayon dito sa merger na ito. At ito na ang simula ng pagkakawatak-watak nitong samahan na ito dahil hindi ito nakatuntong sa matibay na bato ng prinsipyo pero nakatuntong ito sa buhangin ng transaksyunal na pamumulitika. Nakikita ko na simula na ito ng pagkakatawak-watak ng kanilang samahan.

Q: Hudyat ba ito ng paghina ng ruling party?

MAR: Ito'y isang simptoma ng pagiging lameduck ng pangulo. Na kahit na ang pangulo pa ang namumuno dito sa koalisyon na ito, tinatanggap na ng mga tulad ni FVR na nagsimula na ang lameduckness ng pangulo.

On coal mining controversy (PDI banner)

Q: Reaction?

MAR: Hindi ko masyadong alam ang detalye nito except that dapat kailangan sumunod ang lahat sa rekisitos at reglamento ng pamahalaan, lalong-lalo na sa mga environmental compliance certificates.

Sabungero party-list

Q: May karapatan ba ang mga sabungero na magtayo ng party-list?

MAR: Agrabyado din naman ang mga sabungero. Karapatan nila itong mag-apply, nasa Comelec naman kung tatanggapin nila ito. Marahil meron din silang gustong mga ireklamo, isyu na gusto nilang isulong, itong kanilang pagkaka-agrabyado sa Max's, sa KFC at sa Jollibee

On Manny Pacquiao as peace negotiator

Q: Are you in favor of that?

MAR: Maaari na si Manny Pacquiao ay makakatulong pero kuung maaari ay ipaubaya iyong detalye ng masalimuot na usapin na ito sa mga eksperto. Buhay ang nakasalalay dito. Ang mga namamatay, ang mga nasusunugan, mga na-a-arson, ang mga nawawalan ng bahay, nabo-bomba, ang mga daang libo na nagiging evacuees...dapat hindi ito na basta-basta na lang dalhin sa "celebrity negotiation"...napakamasalimuot, napaka-seryoso ng isyu na ito.

On Mar-Korina Wedding

Q: Sabi ni Korina ang dapat niyang siguruhin ay darating ang groom?

MAR: Iisa lang talaga ang aking trabaho sa araw na iyon. Na dumalo, sumipot sa nakatakdang oras. At ako naman ay kahit the night before ay nandun na ako para sigurado na nandun talaga.

News Latest News Feed