Press Release
September 3, 2009

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Senator Manny Villar

Q. Mukhang tuloy-tuloy ang pagtulong na ginagawa ng OFW Helpline nyo at may grupo na naman na 80 OFWs na dumating nung isang araw?

Villar: Oo nga, natutuwa nga akong ibalita nitong nakaraang araw lang binigyan ko ng salo-salo sa bahay ko ang mga pinauwi ko na 82 na ofws na kadarating lang mula sa middle east, iba't ibang kaso ito, may pinahirapan, may di pinasusuweldo, may inabuso, may biktima ng illegal recruitement at talaga namang nakakataba ng puso na makita silang kapiling na ulit ang kani-kanilang pamilya. Sinagot ko yung kanilang mga pamasahe, penalty at iba pang gastusin, maging yung pag-aasikaso ng mga papeles nila. Marami tayong kasamang ahensya ng gobyerno subalit wala silang budget dito kaya ako na lang ang nagbayad, pero matutuwa ka naman kapag nakita mo yung kaligayahan ng pamilya nila nung sila ay nakita.

Q. Very emotional yung pagkikita nung mga magulang at OFWs

Villar: Alam mo totoo yan kapag nakikita mo yan, talagang gusto mo pang makatulong pa sa dami ng nangangailangan pa gaya nga nung naikwento nila, marami kasi sa kanila galing sa kulungan nilabas ko lang, pero meron pa daw natitira, kaya pinag-aaralan pa namin ang mga pamamaraan para yung mga natira ay mabalikan at mailabas din.

Q. Ano po ang inyong nagiging reaksyon kapag may mga sector, halimbawa na pumupuna at inuugnay sa pulitika ang ginagawa na pagtulong sa mga OFWs?

Villar: Sa akin sa laki ng problema, mas maganda na tumulong na lang sila at kaysa mag-usap ng ganyan at magsiraan pa, talagang marami ang nangangailangan ng tulong at sana yang mga ganyan ay tumulong na lang at ako naman sinasabi ko na ito ay aking gagawin hanggat may problema ang OFWs, palagay ko ito naman ay pamamana ko pa sa aking mga anak, matagal na naman tayo tumutulong mahigit dalawangpung taon na at wala naman akong balak itigil ito hanggat hindi natatapos ang problema.

Q. Reaksyon naman ninyo tungkol sa paglutang ni Senator Noynoy bilang possible standard bearer ng Liberal Party

Villar: yan ay pagresolve ng problema ng Liberal party, sa aking palagay lahat naman may karapatang tumakbo sa pagkapangulo at maski naman anak ka ng mahirap may karapatan ka din , anak ka ng president may karapatan ka din, kaya lang hindi naman tama na anak ka lang ng president na may pagkakataon, dapat naman yung anak ng mahihirap ay mabigyan din ng pagkakataon naman at ngayon nga ang nagkakagusto lang ay anak ng mga may apelyido.

Q. Kasi hindi naman natin maiaalis na kayo din ay malapit kay dating Pangulong Cory Aquino.

Villar: Totoo yan at ginagalang ko ang yumaong Pangulo Cory Aquino.

Q. Malaki din ang nagawa ni dating Pangulo Aquino para maging senador din kayo?

Villar: Oo naman, kaibigan natin yan, nakatulong din satin yan at kinikilala ko yan at ako ay nalulungkot sa kanyang pagyao, pero sabi ko nga ang paghanga ko kay Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino, yan ay paghanga dahil sa kanilang nagawa nung sila ay nabubuhay.

Q. Kayo po ba ay may nakikitang scenario pagdating ng 2010 na ang original parties Nacionalista at Liberal ay maghaharap sa halalan?

Villar: Posible din kung kami lang ang matitira na kandidato, wala namang masama dyan, matagal ko nang sinasabi na walang masama na bumalik tayo sa ganyang kalagayan sapagkat nung ganyang kalagayan ay napakaganda naman ng takbo ng ating bansa, ngayon lang naman hindi maganda, pero nung panahon ng Nacionalista at Liberal Party ay napakaganda naman ng kalagayan sa buong Asya, number 2 tayo nun sa Japan.

Q. Saan nyo maaaring i-attribuate yung patuloy na pagbandera ng inyong pangalan sa mga surveys tulad ng Pulse Asia, SWS , IBON Foundation at ang pinakahuli ay survey ng The Center for Issues and advocacy?

Villar: Sa palagay ko ito ay dahil sa aking pagtulong sa ating mga kababayan na mahirap at pagtulong sa mga OFWs at palagay ko na ngayon na nakikilala na ako, natutuwa siguro ang ating mga kababayan na nalalaman na nila kung bakit ako tinatawag na Mr. Sipag at Tiyaga, ngayon lang pala nila nalaman na squatter tayo nung araw at nagtitinda ng hipon sa divisoria, kaya ngayon nakikita nila ang kadahilanan kung bakit patuloy ang pagtulong natin sa mga mahihirap

Q. Baka may mensahe ka kaugnay sa pagyao naman ni Ka Erdie ng INC?

Villar: Ako ay nakikiramay sa kapatiran, sa buong bansa sa pagyao ng isang napakagaling na lider, napakita niya na ang paglago ng isang organisasyon na naghahatid ng maraming serbisyo sa ating bansa at nakikita ko na isang halimbawa na dapat tuluran ng marami sa ating kababayan yung liderato ng yumaong ka Erdie Manalo, kaya ako po ay nakikiramay muli sa buong kapatiran sa pagyao ni ka Erdie.

News Latest News Feed