Press Release
September 10, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. CHIZ @ UKG

ON ANTI-TORTURE BILL

Alex: At kaugnay po ng balittang yan, makakasama po natin si Senator Francis "Chiz" Escudero na syang principal author at sponsor nitong anti-torture bill at chairman din po ng Senate Committee on Justice and Human Rights. Senator Chiz, umagang kay ganda!

FGE: Alex, umagang kay ganda at sa ating mga listenesr at taga-panood, good morning!

Alex: Wala muna tayong politics ngayon ha, di natin pag-uusapan yan. Itong anti-torture bill, gaano ka-importante ito sa ating bansa?

FGE: Noong 1986 pa nung pumasok ang Pilipinas sa Convention Against Torture. Dalawampu't tatlong taon Alex bago tayo nakapag-pasa ng batas tungkol dito para maging compliant tayo. Isang rason yan kung bakit nasa blacklist tayo ika nga ng mga bansang may masamang human rights record dahil sa kawalan ng batas tungkol sa torture.

Alex: Pero paano po natin malalaman ang isang tao ay dumanas ng torture?

FGE: Una, isinasa-batas na natin ang mandatory medical check-up sa parte ng isang naka-detineng tao. Pangalawa, in-expand natin ang ibig sabihin ng torture, hindi lang pisiskal, kasama yung mental, yung pharmacological. So maliban sa pagtingin sa kalagayan ng katawan mo, titingnan yung kalagayan ng iyong pag-iisip sa pamamagitan ng pagtingin ng doctor at yung dugo kung may isinalin na anumang gamot para mapa-amin ka o mapagawa ang hindi mo ni-nanais.

Alex: Ito bang anti-torture ay proteksyon lang ba to para kasuhan ang mga nasa, unang-una mga pulis, militar...

FGE: Pangunahin mga ahente ng gobyerno pero may probisyon dito sa panukalang batas na applicable din ito sa pribadong indibidwal. Halimbawa, may isang tao na kinidnap o hinostage ng isang pribadong indibidwal at habang kinidnap ay may ginawang acts of torture, punishable pa rin yan sa ilalim ng panukalang batas.

Alex: Para matakot po ang ilan sa mga gumagawa ng ganitong kalokohan o pag-torture sa mga tao, ano ang mga karampatang parusa dito para sila'y matakot?

FGE: Sa ngayon kasi physical injury lamang yan pag-tinorture ka. Napakababa bg penalty ngayon ginawa nating graduated mula anim na taon hanggang habambuhay na pagkabilanggo depende sa ginawa dun sa taong tinorture. Halimbawa, nabaliw yung taong tinorture, habambuhay na pagkakulong yun. Halimbawa nawalan ng isang part eng katawan, habambuhay ding pagkabilanggo yun.

Alex: Kailan kaya ito magiging ganap na batas? Kailan kaya pipirmahan ng Pangulong Arroyo ito?

FGE: Ahm, napadala na malamang sa Malakanyang yan. Hindi lang kami talking kaya hindi ko lang alam kung kailan ito i-iiskedyul para pirmahan.

Alex: It's a nice law at matutulungan natin yung mga biktima ng torture. Yun bang ito ba'y pwede nating i-apply sa mga biktima before this law has been passed?

FGE: Hindi po pwede dahil lahat ng penal laws hindi pwedeng retroactively applied. Lahat improspective yan ibig sabihin mula lamang sa pagiging batas nun, duon lamang pwedeng ipataw yung parusa.

Alex: Maraming nagsasabi n asana naging batas nay an nang marami nang maparusahan lalo na nung nakaraang rehimen pa.

FGE: Sana... Pasasalamat ko rin sa lahat ng myembro ng Kongreso at Senado sa pagpasa ng mahalagang panukalang batas na ito.

Alex: At kailan po ba masasabing isang torture ang ginawa ng isang alagad ng batas?

FGE: kapagka meron syang ginawa, physical, mental, o pharmacological para po pwerashing gawin o may gawin ang isang tao na nasa kustodya niya.

Alex: Okei Senator Chiz Escudero, marami pong salamat sir sa inyong oras!

FGE: Maraming salamat din Alex. Good morning!

News Latest News Feed