Press Release
September 16, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On Teodoro as Lakas-Kampi 2010 standard-bearer

MAR: Binabati ko si Gilbert Teodoro sa kanyang kandidatura. Magkasama kami sa Kamara de Representante, assistant majority leader ko siya noon. Alam ko na ang kanyang layunin ay para rin makatulong sa ating bansa.

Q: If you're running for VP, ang prospective na kalaban niyo is DILG Sec. Puno. Any reaction?

MAR: Kung anumang landas ang tatahakin ko, ito ay para sa kabutihan ng ating bansa. Hindi ko tinitingnan kung sino ang kalaban o kung sinuman ang katunggali. Ang kalaban natin dito ay iyong kahirapan, gutom at kawalan ng pag-asa. At iyan ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon sa public service. At alam ko na iyan ang dahilan kung bakit isinusulong ni Noynoy ang kanyang kandidatura.

Q: Puno as VP, malakas ba siya? Or what?

MAR: It's not for me to answer that.

Q: Now that Gibo is officially the administration's candidate, do you think he should resign now?

MAR: Nasa sa kanila na iyon. Ang masasabi ko lang ay ang aking sariling halimbawa nung ako'y DTI at napag-pasyahan ko na tatakbo na ako sa pagka-Senado, ako ay nagbitiw na. Kahit na ang deadline ay February pa, December pa lang ako ay nagbitiw na. So 'yan din siguro ang dapat na standard nila. Kung kusang-loob ay talagang kakandidato na sila, ang delikadeza dito ay magbitiw na sila sa kanilang tungkulin.

Q: Nananawagan ka na mag-resign na sila?

MAR: Kung sinuman ang mga sa ngayon ay sumusuweldo mula sa sambayanan. Mga Cabinet secretaries ay dapat na magbitiw na.

Q: Plantsado na po ba ang Noynoy-Mar? Formal announcement na lang daw ang kulang?

MAR: Ito'y napag-uusapan namin ni Senador Noynoy at ipapaubaya ko ito kay Senator Noynoy.

Q: Operator daw si Puno at sinasabi na baka ma-operate kayo?

MAR: Ang bawat partido ay magkakaroon ng kandidato. Kami naman ay sumusuporta ng buong-buo sa kandidatura ni Senador Noynoy. Isinusulong namin ito dahil si Noynoy ay tuwid, tapat at ito ang panlaban natin sa baluktot at sa kasamahan na karanasan natin ngayon.

Q: Tingin mo ba mas may edge ka kesa kay Puno?

MAR: Sa pagdating ng tamang panahon at kung ako na nga ay naging kandidato, siguro kayo na ang makapagsasabi noon.

News Latest News Feed