Press Release
September 23, 2009

Transcript of Sen. Juan Miguel Zubiri's interview over DZEC

HOST: Sen. Migz Zubiri good morning.

SJMZ: Good morning. Magandang umaga Kaka, Onin. Magandang umaga naman sa mga tagasubaybay ng programa ninyo.

HOST: Kamusta na po kayo?

SJMZ: Okay naman. Pupunta po ako ng senado ngayon dahil meron po kaming budget hearing for Department of Environment and Natural Resources. So, busy lang kami ngayon dahil sa budget, budget hearing sa senado.

HOST: Oho. Sana ho makaraos iyang budget na iyan sapagkat iyong ibang mga departamento sir, minsan nagkaka-problema particular lagi iyong budget ano ho?

SJMZ: Opo. Tinitignan din natin iyong prayoridad ng ibat-ibang budget, kung tama ba iyong kanilang priority para sa ating bansa.

HOST: Tama po.

SJMZ: May tanong po?

HOST: Opo meron po. Marami po actually kaming nakahandang tanong para sa inyo. Ang isa po, ang uunahin na namin ay ano po iyong masasabi ninyo doon sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tila may ibang sinusuportahan? Kung sabagay mabuti naman siguro at ipinaalam nila ng maaga iyong kanilang preference. Pero hindi po ba for delicadeza dapat talagang mag-resign?

SJMZ: Well alam mo ang sinabi ko nga kahapon unang-una na medyo naintindihan ko naman ang sitwasyon ni Sec. Romulo. Dahil unang-una si Sec. Romulo ay malapit talaga sa pamilya Aquino. Talagang very close kay Cory iyan. Pagpasok po niyan sa cabinet ni presidente Corazon Aquino noong 1987 if I'm not mistaken at kinuha na po si ni former president at noong tumakbo po siya noon ng pagka-senador siya po ay nasa line up ni Presidente Corazon Aquino. So, naintindihan ko naman na malapit po sila sa pamilyang Aquino pero ang aking prinsipyo diyan kung ikaw ay isang cabinet member dapat ikaw po ay apolitical. Ibig pong sabihin wala ka dapat sinusuportahan. Ngayon kung may sinusuportahan po kayong presidential candidate whether it is administration or opposition ang akin pong suggestion ay mag-resign na lang. As cabinet secretary pinagsisilbihan mo iyong buong bansa hindi iyong political party. Now pangit naman sabihin na akoy Lakas-KAMPI kung hindi kayo Lakas-KAMPI na governor or mayors hindi ko kayo bibigyan ng biyaya galing sa departamento ko. Hindi naman tama iyon dahil dapat ang cabinet secretary ay patas ang pagtingin sa lahat ng ating mga kababayan, sa ating mga mamamayan, lalong-lo na sa mga politiko. Dahil kung ganoon ang mangyayari iyong mga governors lang ng Lakas-KAMPI ang tutulungan niya. Paano naman iyong NPC? Paano naman iyong Liberal Party governors na nangangailangan din naman sila ng tulong galing sa departamento lalong na kung mga very important department such as the DOH, the DPWH iyong malalaking line department like the DepEd. So, iyan po ay sa aking personal opinion iyan, hindi ko pa nakakausap iyong aking mga partymates diyan. Pero mas mabuting tahimik na lang sila, keep their personal preferences to themselves and magtrabaho na lang sila para sa bansa.

HOST: Since lumabas na iyang issue na iyan Mr. Senator at nagkaroon naman po ng repartee itong si Sec. Romulo na ayon sa kanya ay hindi siya bibitiw. Ibig sabihin magiging loyal siya sa Pangulong Gloria hanggang sa matapos ang term nito.

SJMZ: Wala akong problema diyan. Wala po akong problema diyan dahil ang importante hindi po siya nangangampanya para sa isang kandidato. Iyan ang napaka-importante katulad din ng binanggit ko kanina dapat lahat ng cabinet secretary po ay apolitical. Ibig sabihin wala po sila pinipiling political party regardless of which party dahil sila po ay nagta-trabaho para sa ating bansa, sa kabutihan ng ating bansa at ating mga kababayan. So hindi dapat nilang lagyan ng politika iyong kanilang pagta-trabaho.

HOST: Speaking of Lakas-KAMPI-CMD, magkakaroon pa ho ba kayo ng convention to formally proclaim Gibo and Ronnie as your presidential and vice presidential candidate?

SJMZ: Opo, meron po kaming planned national convention, I believe on the end of October. Medyo sa dulo ng Oktubre dahil hinihintay po namin siyempre iyong utos ng Comelec na pagbigay ng go signal dahil nag-file po ng petition si former speaker Joe de Venecia on the validity dito sa merger ng Lakas-KAMPI. At siyempre kin-contest po ng Lakas-KAMPI iyan at hinihintay po namin iyong desisyon ng Comelec bago po kami magsagawa ng national convention. Pero hopefully maresolve na iyan.

HOST: Ito po bang convention ninyo Mr. Senator ay nangangahulugan ay gagawin lang formal and official doon sa dalawa or magkakaroon ng another pilian?

SJMZ: Hindi na siguro mga kapatid dahil unang-una nakausap na namin iyong mga regional members namin, provincial members at sangayon naman sila kay Gilbert Teodoro. Gustong-gusto po nila si Gilbert Teodoro. I think ang problema na lang po natin ay sa vice presidentiables. Dapat ayusin pa kung sino ang vice presidential bet ni Gibo. Ako rin may personal opinion po ako, hindi po opinion ng partido ito or mga kasamahan ko. Personal opinion ko po ay dapat ibigay iyong karangalan kung sinong magiging bise presidente sa tatakbong presidente. Dapat iyan ay choice ng presidential bet tulad po ng ginawa ni Noynoy ang pinili po niya sa dalawang kandidato ng Liberal which is Kiko Pangilinan at Mar Roxas ang pinili niya si Mar.

HOST: On another issue po Mr. Senator kahapon po nagsagawa ng rally ang grupo ng LPGNA. Ito iyong tungkol sa cylinder sa senado, tila ang kanilang panawagan ang karapatan nila bilang negosyante. Paano naman po Mr. Senator ang karapatan ng 90 milyones na Pilipino kasama na po tayo riyan na maaring maging biktima ng bulok na tangke ng LPG na posibleng sumabog at makamatay, makasunog ng mga ari-arian?

SJMZ: Well, nasa plenaryo na po for sponsorship ang LPG Bill, pero kausap din namin si Senate President Enrile dahil kinausap din po kami ng small players. Titignan po natin kung paano natin mai-refine iyong bill kung saan hindi lang papaboran iyong iilang LPG manufacturers. Dahil ang lumalabas po ay sa original bill hindi po itong amended bill, hindi ko pa nababasa itong amended bill ni Sen. Mar Roxas, doon sa original bill, tatlo o apat na LPG manufacturers na magiging monopoliya po iyon at Kawawa naman po iyong halos 5-milyong pamilya na meron pong ordinaryong LPG tanks lamang na galing sa small players dahil kailangan palitan po iyan. Kung ipinasa po natin itong original version without amendments ang mangyayari po halos lahat ng LPG tanks na ito, 5-milyon po iyan ay dapat i-confiscate, ibalik sa DOE at kailangan bumili ulit ng panibagong LPG tanks itong mga pamilyang ito. Ang problema po diyan itoy masang-masa ang matatamaan dito iyong ating mga kapatid at kababayan na masa dahil P1,500 na yata iyong bagong tangke, but of course we will not risk security. Baka puwede po natin na i-amend at dagdagan po ng proivision na instead na replacement baka puwedeng tignan iyong enforcement at enhancement. Tignan kung ito ay defective or hindi. Kung hindi po siya defective hindi po kailangan palitan ngayon kung defective palitan. So, kailangan po natin bigyan pansin iyan. At dedebatahin na po namin itong araw na ito or baka sa Lunes.

HOST: Pasensiyan na po kayo senator ano? Alam niyo kasi itong si Kaka talagang ganitong ito pero wala kaming mapag-sumbungan tungkol sa bagay na ito kayo lang ang inaasahan namin ng tutulong sa amin.

SJMZ: No problema iyan dahil siyempre tayo ay nagta-trabaho lamang. Iyon nga kahapon maski na po nag-aaway iyong ating mga kasamahan, sabi ko back to work.

HOST: Yes napanood nga po namin.

SJMZ: Sabi ko exciting masyado iyong dalawang speech na binanggit ni Sen. Enrile at Sen. Lacson pero ngayon ay back to work na tayo para mapakita natin sa tao.

HOST: Mga hanggang kailan po puwedeng asahan ng ating mga kababayan ang pagpapatibay ng ika nga ay magandang batas para mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan laban nga dito sa mga depektibong tangke?

SJMZ: Sa tingin ko ay matatapos po natin iyan middle of October kasi last session day po namin October 15, since pagde-debatehan pa iyon. Pero depende po iyon sa chairman, siya po iyong sponsor ako po ay referee lamang sa plenaryo, pero iyong chairman kailangan po natin kausapin si Sen. Mar Roxas siya po ang magde-defend ng batas na iyon. Kausapin ko po siya today para ma-fast track po natin iyan.

HOST: Busy kasi sa kasal.

SJMZ: Baka inspired. Kayo naman.

HOST: Sabi nga po ni Onin pasensiya na kayo Mr. Senator. Sa totoo lang kayo talaga ang pinili namin kayong makapanayam dito sapagkat sa inyo lang kami makapaglalambing at makapagsusumbong ng ganitong problema sa ating bayan.

SJMZ: Salamat sa inyong pagbigay ng trust at confidence sa akin. Huwag po kayong magalala as majority floor leader naka-priority po iyon sa aking schedule. As a matter of fact sa sponsorship number po siya. So, kung ready na po si Sen. Mar kausapin ko po siya mamaya baka puwede na po nating sponsor itong measure na ito.

HOST: Maraming salamat po Sen. Zubiri. Maitanong ko siya bago tayo matapos lang huli na lamang po. Ano iyong pananaw niyo po doon sa naging iringan between Sen. Juan Ponce Enrile at Panfilo Lacson kaugnay sa pagsuporta kay dating Pangulong Estrada?

SJMZ: Ang kagandahan po nito, kahapon bago po at hindi po alam ng ating mga kababayan ito. Bago po nag-speech si Sen. Enrile nagusap po sila doon sa Senator's Lounge ang sabi naman ni Sen. Enrile kay Sen. Lacson: "Sen. Ping alam mo ako iyong chairman ng Partido ng Masang Pilipino kung saan founder po natin si Presidente Estrada kaya tungkulin ko bilang chairman ng partido na siyempre bigyan din ng puri at depensahan ko naman ang aking kasamahan sa PMP na si former president Estrada.." At naintindihan naman ni Sen. Lacson, sabi ni Sen. Lacson kay Sen. Enrile, (ako po ay saksi diyan), sabi po niya: "Naiintindihan ko naman iyan Manong dahil siyempre kasama niyo iyan sa partido, kasama niyo iyan sa grupo. Walang ano man sa akin iyan. Hindi ko gagawing personal iyan." Ang maganda naman dito sa dalawa hindi naman po sila nagpe-personalan. Iyong away na matindi n apo iyon, iyong away ni Estrada (Jinggoy) at Lacson. Iyan medyo malalim na po iyan hindi na po nadala sa aking ice cream diplomacy. Bibigyan na lang po natin ng pagkakataon, lalong-lalo na sa break na medyo lumamig ang ulo. Pero as of now medyo mainit pa. Ngayong araw na ito ay unang-unang agenda po namin ay ang rebuttal speech ni Sen. Jinggoy so abangan ulit natin iyan mamaya.

HOST: Well, Mr. Senator maraming salamat po sa panahon niyo. Maitanong ko lang kailan po matatapos ang iyong panunungkulan bilang senador? Sa 2016 ba senador pa kayo?

SJMZ: 2013 pa, hanggang 2013.

HOST: So hinog na hinog na kayo sa 2016?

SJMZ: Ah sa 2016 kailangan ko pang tumakbong muli sa 2013.

HOST: So hinog na hinog na kayo. Maraming salamat po.

News Latest News Feed