Press Release
November 6, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' ambush interview

On GMA running as VP

Q: Ano ang masasabi ninyo na kayo ang makakalaban ni GMA?

MAR: Eh 'di mapapahaba ang honeymoon ko dahil lalong mapapadali ang kandidatura.

Q: ???

MAR: Nasa Lakas iyan kung sino ang isusulong nilang kandidato. Para sa amin, ang kandidato namin ay si Sen. Noynoy Aquino sa pagkapangulo.

Q: Hindi ka natatakot sa sinasabing tatakbo si GMA?

MAR: Eh bakit katatakutan iyon? Ang kinatatayuan namin 'yung matuwid. Sila naman talaga ang sumisimbolo ng kabaluktutan.

Q: What is the strength of the Liberal Party?

MAR: Ang kagandahan at katangian ng Partido Liberal ay nakatuntong kami sa matibay na bato ng plataporma. Nakita naman natin na sa lahat ng isyu ay iisa lamang ang tinatahak ng aming partido. Kaya ang aming kandidato sa pagka-pangulo, si Sen. Noynoy, iyan ang kanyang tinatayuan, ang plataporma ng partido. Hindi papalit-palit, hindi pabago-bago. Parati dun sa matuwid. Parati dun sa tama. Parati dun sa mabuti.

On using Tweeter and Honeymoon

MAR: Kung nasa laptop ako, 'yun ang ginagamit ko. Kung wala naman akong laptop, eh 'yung multi-media celfone ko.

Q: Kumusta ang honeymoon?

MAR: Eto, recharged.

Q: Handang-handa sa laban?

MAR: Handang-handa sa laban, handang-handa sa pagmamahalan.

Q: So totoo iyong mga nasa Tweeter tungkol sa honeymoon?

MAR: Siyempre naman. Sino pa ba naman ang makakaalam ng mga detalyeng ganun? Nakakaintindi naman ako ng multi-media, bandwidth, Smartfone.

Q: Ano po ang importance ng mga iyan sa kampanya ngayon?

MAR: Dito sa paggamit ko ng Tweeter, nakita ko na napakarami talaga ng ating mga kababayan na nakibahagi talaga sa aming pag-iisang dibdib. Tuwang-tuwa talaga sila, nagpapa-abot sila ng kanilang mga pagbati, ng kanilang mga good wishes, kahit na note lang, kahit text. Kaya naisip ko na maganda din na maging bahagi sila ng aming honeymoon.

Q: 'Yung youth ba, sa palagay mo mas madaling maka-reach out sa kanila sa pamamagitan ng non-traditional na campaign?

MAR: Maaari. Pero ang Internet naman kasi ngayon at ang text ay bahagi na ng ating buhay. So, 'yung mga youth tulad ninyo, na-re-reach naman kayo. At sa palagay ko iyong iba pa na nasa Internet na nag-se-surf, nakikita din naman nila. Ang akin lang naman, it's out there. Kung may interest sila, mabuti. Kung hindi naman, okay lang.

News Latest News Feed