Press Release
December 1, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On PGMA's congressional bid

MAR: Itong pagtakbo ni Pangulong GMA sa Kongreso, hudyat na ito na hindi na niya isinasaisip ang kapakanan ng kanyang kandidato na si Gibo. In short, nilaglag na niya si Gibo. Dahil makikita, mababasa ng ating mga kababayan na ang play dito is, GMA sa Kongreso tapos magiging speaker. Eh hindi naman papayagan ito ng ating mga kababayan. Kaya wala na si Gibo. Sa isip ni GMA, maghahanap na siya ng ibang magiging kaalyado.

Q: Sarili na lang iniisip ni Gloria? Matatalo ba siya sa resbak sa kanya ng taumbayan?

MAR: Ang minimum goal ni GMA ay konting proteksyon bilang kongresista at ang kanyang maximum goal naman ay i-ratsada ang con-ass (constituent assembly). Maging speaker siya, i-ratsada niya ang con-ass at babaguhin niya ang Saligang Batas para mapawalang bisa ang pagka-panalo ni Noynoy. 'Yung pagkapanalo ni Noynoy para sa reporma, para sa pagbabago, para sa pagpapakulong ng mga tiwali ay mapapawalang-bisa dahil babaguhin nila ang Saligang Batas. Iyan ang maximum na play ni GMA at ng kanyang partidong Lakas. Kaya kami sa Partidong Liberal, sa amin walang boboto kay GMA sa pagka-Speaker.

Q: Magfi-field ba ang LP ng panlaban kay GMA?

MAR: Kinokonsulta namin si Among Ed at iba pang mga liders namin, kasama na si Oca Rodriguez ng San Fernando, para sa kanilang pananaw sa issue na iyan.

News Latest News Feed