Press Release
December 8, 2009

Statement of Senator Noynoy Aquino
on the Unseating of Gov. Grace Padaca

"Si Governor Grace Padaca ay isang huwaran ng tuwid at maaasahang serbisyo-publiko. Ang desisyong ito ng Second Division ng COMELEC ay isang halimbawa ng sistematikong pagsupil ng Malakanyang sa mga tumutuligsa sa kanilang baluktot at mapagmalabis na pamamahala.

"Kamakailan lang, ginawa na rin nila ito sa Bulacan kay Governor Jon-Jon Mendoza, at patuloy nilang pipiliting mapatahimik ang mga nagnanais ng pagbabago. Sinabi ng kanyang mga kalaban na dinaya daw po sila pero hindi naman nila maipaliwanang kung paano sila dinaya. Bukod pa rito, hindi pinahalagahan ng Second Division ng COMELEC ang mga boto ng 31 presinto sa Isabela dahil sa pagkawala o pagkabasa ng kanilang mga balota. Ibinasura rin nila ang mga ebidensyang magdodoble ng lamang ni Governor Grace sa kanyang katunggali.

"Sa kabila nito, hindi tayo magpapatinag. Nakita na natin sa Maguindanao ang bunga ng isang gobyernong lulong sa korapsyon at lasing sa kapangyarihan. Galit na galit na ang sambayanang Pilipino. Hindi tayo titigil hanggang mawakasan natin ang katiwalian at kawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng pagsulong sa isang pamahalaang malinis at mapagkakatiwalaan."

News Latest News Feed