Press Release
December 16, 2009

Transcript of interview in DZXL with Ely Saludar
with Senator Manny Villar

Q. Base po sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations o SWS, kayo po ay patuloy na umaangat ang inyong marka at lumalapit, bagamat nangunguna pa din si Sen. Noynoy. Ano po ang masasabi nyo dito at ano po ang pangunahin dahilan na ginawa nyo senator?

Villar: Unang-una malayo pa ang eleksyon, pero ako ay natutuwa kapag nagugustuhan ng mamamayan ang mga nilalahad ko na opinion tungkol sa paglutas sa mga problema ng bayan partikular na yung sa mahihirap nating kababayan at ipagpapatuloy ko ang pagtulong sa abot ng aking makakaya dun sa mga hindi masuwerte sa buhay kahit pa ano ang resulta ng survey kahit pa lampas na ang eleksyon, tuloy-tuloy nating gagawin yan at palagay ko yan ang nagugustuhan ng ating kababayan, yung ating nakaraan at patuloy na pagtulong sa mga mahihirap.

Q. Inaasahan po natin na kung patuloy ang inyong gawain ay mas aangat pa ito at ito ay lalo pang magiging dahilan upang pagbutihin nyo ang inyong ginagawang naumpisahan senator dun sa survey?

Villar: Palagay ko yun at isa pa maliwanag na nakikita ng ating mamamayan yung suliranin ng bansa , napakalaki ng suliranin natin, yung nangyari sa Mindanao, kahirapan at syempre naghahanap sila ng may karanasan at nagpakita ng ganitong pamamahala ang ating mga mamamayan din.

Q. Sa boung slate po ng NP, Nacionalista Party at nagpapakita din ng magandang numero sa mga survey din senator, yun inyo pong kasamahan o team para sa 2010 eleksyon.

Villar: Oo, kumpleto na tayo, kumpleto na ang slate natin, Nandyan si Miriam, kilalang matapang at patuloy sa paglaban sa graft and corruption, si Pia champion ng kababaihan at kalusugan ng bansa, si Bong Revilla matapang at maayos na mambabatas, si Bongbong para sa mga Ilocano, yung mga ginawa niya sa Ilocos partikular na sa alternative energy sa kanyang mga windmill at nagpakita talaga yan ng galing yan. Si Gilbert Remulla matapang at nakita mo naman sa Hello Garci. Si Adel Tamano para may muslim naman sa Senado. Si Gwen Pimentel, anak ito ni Sen. Pimentel na tumutulong sa OFWs, si Toots Ople din, Ariel Querubin, Monmon Mitra na anak ni Speaker Mitra, Liza Maza at Satur Ocampo, syempre si Loren Legarda.

Q. Ano po ang inyong masasabi sa pahayag ni Pangulong Arroyo na hindi niya kailangang magpaumanhin at hindi niya pinagsisisihan yung pinatupad niyang Martial Law sa Maguindanao kasi alam namin na tutol kayo dito sa Martial Law sa Maguindanao?

Villar: Ang sa akin lang naman natatakot ako na baka magbago na ang basehan sa pagdeklara ng Martial Law, bagamat nakuha naman yung gustong gawin dito at talagang na-ayon sa Maguindanao, subalit baka magkaroon ng panibagong dahilan na magagamit sa mga darating na panahon sa pagdeklara ng Martial Law dati kasi rebelyon lang yan subalit ngayon pati masaker ay sinama na, yan ay nakakatakot at sana ay huwag gamitin sa mga darating na panahon, maliwanag ang konstitusyon dyan na rebelyon lang ang pwedeng gamitin dahilan para sa pagdedeklara ng Martial Law.

Q. Sa Business Community ano po ang pananaw nila, kasi po yung iba marami ang nangamba dito sa Martial Law at nung bawiin ay parang nabunutan sila ng tinik, ano po ang inyong namonitor sa komunidad ng mga negosyante?

Villar: Marami rin ang sumaya dito at nalutas ang problema sa Maguindanao at sinasabi ko nga sa short term ay maganda yan subalit ang kinakaba ko ay pangmatagalan, dahilan sa ang nangyari ay nagkaroon ng panibagong kadahilanan ang martial law na yan na maaaring magamit sa mga darating na panahon, wag naman sana, kaya ito in the short run maganda, but in long run ay nakakatakot.

Q. Marami ang nag-aagam-agam maging ang Comelec ay nag-aagam-agam din sa naging desisyon ng Supreme Court na palawigin ang pagpaparehistro baka magkaroon din ng problema sa 2010 eleksyon.

Villar: Marami ang mga pagbabago ngayon at dun naman tayo dapat magfocus sa 2010 eleksyon dahil sa halos limang buwan na lamang ang nalalabi at talagang kailangang pagbutihin natin ang pagbabantay natin dito at matyagan natin ang bawat galaw ng comelec at ang gagawa ng automation dahilan sa kailangang masiguro natin para sa isang magandang kinabukasan na magkakaroon tayo ng isang malinis na halalan sa Mayo 2010.

News Latest News Feed